Simula

222K 4.3K 1.5K
                                    

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE WARNED.

To be edited.






Preface

Bakit?

The first question flashed in my mind. Pinagmasdan ko ang mga taong dumalo sa pinakaimportanteng okasayon ng buhay ko, the most important and special day of my life.

Hagikgikan ng matatanda, usapan na hindi matapos-tapos, tawanan ng mga grupo ng lalaki, ismiran ng kababaihan at kwentuhan, my head hurts hearing those people talking about my special day.

Bakit?

Again, that question came.

Lahat ng espesyal ay dapat espesyal, lahat ng normal ay normal dapat, lahat ng gusto ay sang-ayon at lahat ng 'di sang-ayon ay dapat sumang-ayon.

Special day that I didn't expect to happen this early...

"Hija, nasaan ang asawa mo?" tanong ng ginang mula sa grupo ni Lola.

It's giving me a feeling that I am in the reality right now, this is not a dream nor nightmare. This is my reality, the reality I want to escape even for just an hour.

Ngumiti ako nang makitang nakatingin si Lola sa akin na may ngiti sa labi, hindi ko sigurado kung totoo o kailangan lang.

Gray curly hair suits her age, some wrinkles in her forehead, diamond earrings and accessories wearing told she loves expensive things. Lalo ang mga ginto at diyamante.

Well, most of her age really loved those kind of things. Makikitang lumaki na silang may kagamitang ganoon sa katawan, parang hindi pwedeng kunin o angkinin ng iba dahil kanila lang iyon at sila ang naghirap magkaroon ng ganoong mamahaling mga bagay.

"Uh, pinuntahan lang, po, ang mga kaibigan-"

A huge hand carefully wrapped around my waist made me feel nervous for God knows why, a low chuckle filled my ears.

Huminga ako ng malalim, hindi na kailangan lingunin pa dahil isa lang naman ang may kakayahang gumawa noon sa oras na ito.

Siya lang...

"I'm just here, Lola..." hawak pa rin ang baywang ko ay marahan siyang yumuko para gawaran ng halik sa pisngi ang matandang nagtanong sa akin.

Humagikgik ang matatanda, napataas ang kilay ni Attorney Evangelina sa kamay ng kanyang apo sa aking baywang. She looks satisfied and happy.

Ngumiti lamang ako ng peke. Hindi ko alam kung kailan ako nag-umpisang ngumiti ng peke, o maging peke sa harapan ng nakararami.

"Minther, ipakilala mo ang iyong asawa sa mga kamag-anak. This is the first time they've met her, dahil wala sila noong engagement ninyo ni Cadence." ngumiti ang matanda.

Sumulyap ako kay Lola, tipid ang naging pagtango niya. Minther then walked to her and kissed her cheek, too.

"Attorney Soledad," bumati siya roon gamit ang matigas na tono.

Ngumiti si Lola at nailing habang tinitingnan siya. Nagtawanan sila sa pagtawag ng binata sa Lola ko.

"You should start calling me, Lola, hijo. Mag-asawa na kayo ng apo ko, dapat mo ng sanayin ang sarili mo."

Minther chuckled in a low tone and nodded a bit. "I will, Lola Soledad."

Hindi ko alam kung paanong hindi sasang-ayon sa kanyang sinabi, dahil wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumang-ayon lamang. Hindi lang sa kanyang sinasabi kundi sa kabilang pamilya na rin.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon