Phase 2

95.5K 3.1K 840
                                    


Phase 2

Huminga ako ng napakalalim at lumabas ng aking kwarto. Nagulat ako nang makita ko si Minther na nakatayo sa aking harapan, his presence feels like summer and cold collide.

Hindi ko malaman kung nilalamig ako dahil nagbubutil ang pawis sa aking noo sa kaba, he was looking at me intently. He scanned me from head to toe, I shivered.

"W-What are you doing here?" I asked softly.

Tumaas ang isang kilay niya.

"To check what you're wearing, look, Cadence..." he sighed. "Hindi na kita kailangan parating paalalahanan tungkol sa lahat ng bagay, you're such a pain in the ass. Kung 'di ko pa nakita ay lalabas kang ganoon ang suot?" he said irritatingly.

Nagtiim bagang ako. Hindi na napigilan ang pagtalim ng tingin ko sa kanya, lahat ng sinabi niya ay nakakainsulto at talagang kinaawaan ko ang sarili kong maging asawa niya.

"Ano bang pake mo? Look, Minther Legaspi, hindi ko obligasyong sundin ka sa totoo lang at lalong wala rin namang mali sa suot ko kanina o sakin! I can't understand why you're always mad at me when I'm not doing anything!" iritadong sambit ko.

Walang mali sa suot ko, ganoon ako manamit noon pa man. Anong problema niya sa akin? Hindi ko alam kung bakit lahat pinapansin niya, he could just ignore me so that he won't get mad!

And yes, it is not my obligation! Hindi ko obligasyong magpaalam o ano pa man sa kanya, dapat nga ay wala siyang pakealam sa akin at ganoon din ako. Hindi ko pa nga naalala na nangialam ako sa kanyang pinaggagawa!

Noong nakaraan lang ay nagtext sa akin si Lavern na nakita nila si Minther sa La Verde kasama ang kanyang mga kaibigan at nakikipag inuman doon na may kasamang mga babae!

Binaliwala ko iyon dahil wala naman akong pake at hindi ko siya dapat pakealaman, tapos siya ay gaganituhin ako?

His jaw clamped. Kinabahan agad ako sa galit na ipinakita niya, nagulat ako ng mabilis niyang sakupin ang aming pagitan at malakas na kalabog ng pader ang nadinig ko dahil sa pagtuko niya ng kamay doon.

I closed my eyes in fear. Halos sapuin ko ang aking dibdib sa sobrang kaba na masuntok ako sa aking mukha. He's fucking unbelievable! Kung pwede lang tumakbo ay tumakbo na ako kanina pa dahil sa takot na masaktan.

"What did you just say, huh?" mataman niyang tanong. "Ano ang hindi mo obligasyon?"

Huminga ako ng malalim at nagmulat ng mga mata, sa sobrang lapit ng mukha namin ay naamoy ko na ang kanyang hiningang tumatama sa aking pisngi.

"T-Totoo naman, ah? Ano ang kinagagalit mo?" I stammered. "Asawa lang kita sa papel pero huwag na tayong magplastikan dito, Minther! Huwag kang umastang may pake sakin! You can ignore me in this house! Isipin mong wala ako para hindi ako ang parati mong nakikita!"

Umigting ang panga niya, naramdaman ko ang pagkuyom ng kanyang kamao sa gilid ng aking ulo. Huwag naman sana mabasag ang bunganga ko dahil sa pagsagot ko.

I just couldn't take it, sobra na siya. Parehas naman namin itong hindi ginusto pero kung umasta siya'y parang binibigyan niya ako ng rason na mag give up sa kasunduang ito.

"Ikaw ang lagi kong nakikita dahil lahat ng ginagawa mo ay nagpapainis sa akin! Are you testing me, huh? You're fucking testing my patience! Bakit 'di mo sabihin ang gusto mong mangyari?"

Suminghap ako. Ako pa talaga? Baka siya ang sinusubukan ang pasensya ko! Lahat ng pang-iinsulto niya sa akin ay tinatanggap ko at hindi na kinokontra pa para lang hindi na kami magtalo.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now