Phase 32

87.6K 2.5K 1.2K
                                    

Phase 32




Sa sobrang sama ng kalooban ay hindi na ako napigilan nila Lavern na uminom, kapwa nagkakasiyahan din sila nang matapos na sila Kees sa performance nila. Madalas ay hindi inaasahan ang pagtugtog nila kung saan, hindi naman sila nagseset up ng kanilang gig basta kung kailan lang matripan kapag magkakasama sa inuman.

Si Kees at Clay lamang ang nagtagal sa aming mesa, sila Deshawn at Kienzo ay lumipat din sa kanilang totoong mesa kasama ang mga kaibigan. Clay was my watcher everytime we're together in this kind of night, hindi siya gaanong umiinom kapag may mga babaeng kasama lalo na ako. Hindi rin siya madaling nalalasing kahit nakakainom ng marami.

Nagtatawanan sila Lavern habang magkakausap. Napangiti ako ng tipid at sinimsiman ang nilipat ko sa basong beer. Nahuli ko ang mga mata ni Clay sa akin sa hindi ko mabilang na pagkakataon, napailing siya at may sinabi gamit lamang ang mga labi.

"What's wrong?" he mouthed.

I pouted and shook my head. Ilang beses niya pang tinanong kung sigurado ako, tanging tango ang aking pagsagot dahil wala ako balak sabihin sa kanya ang totoo ngayon. Clay is my most trusted friend, noon pa man hanggang ngayon. Siya ang naasahan ko, sa kanya ako nakakahanap ng kakamping walang halong panghuhusga.

I diverted my attention to Lavern, abala siya sa pagkausap kay Alzhera sa kanyang tabi habang ang kamay ni Kees ay nasa kanyang baywang at tuwing tatayo si Lavern na tila hilo ay hinihila na niya paupo ulit. Gumulong pa ang tingin ko sa aming mesa, sa dulo ay naroon si Theo na seryoso lang at nakatingin sa bote ng alak sa harapan, akala ko lang iyon dahil nang maaninag ko kung saan siya talaga nakatingin ay napabalik ang tingin ko kay Lavern at Kees.

Tumayo si Lavern at humalakhak, muling inangat ang kanyang baso para makipag cheers sa aming lahat. Nakaalalay ang kamay ni Kees na tila matutumba ito parati. Natawa ako at nailing nang sa akin na tumapat ang baso ni Lavern para sa toss, tinanggap ko iyon.

"Cheers! I really love you, Cade! You should love yourself, more than anything!" she said while chuckling, halos nasisinok pa ang bulol na boses.

"Yes! Self love first!" pagsali ni Alzhera.

Ang kaibigan ni Alzhera na si Radjine ay nakapikit na ang mga mata at nakasandal sa back rest, kalmado lamang.

"Really, Zhera?" halakhak ni Lavern.

"Really, Vern! Hindi lang dapat sa mahal natin umiikot ang buhay!" ganti ni Alzhera.

Ngumuso si Lavern.

"Buti mahal ko sarili ko at tanggap ko." makahulugang sambit niya.

My heart stung.

That... I can't. I can't accept my fate, I can't accept the fact that I will be alone in this life because of the family I cannot give. Ever. Dadaan ang buhay sa aking mag-isa dahil hindi naman ako magkakapamilya, kahit na kasama ko pa ang mahal ko ay walang magbabago sa problemang iyon.

Hindi kami sasaya dahil hindi ko siya mabibigyan ng pamilyang buo. Hindi kami pwedeng magkaanak. Kung magkakaanak man ay malabo dahil maari ko ring ikawala, at malala pa ay pati ang dadalhin ko. There's a possibility I can bear, but zero possibility of we could make it whole.

I can't accept myself. I don't wanna accept this.

Nagpatuloy ang aming gabing malaya, hindi ko pa rin malimutan ang mga matang nagsusumamo ni Minther kanina. I'm still shock and awe, I couldn't believe he'd actually tell that in front of me after of all the talk we had these past weeks I came back.

I'm not expecting him to still accept everything I did, the fake cheating, fake reasons, especially the reason I still love Clay. It's like he just turned it to all sweet nothings, he still fucking accept it like nothing and he's the one who would step down just to get me back. Para bang lahat ng sinabi ko ay tatanggapin niya parin, lahat ng rason ko at lahat ng mga ginawa sa kanyang kataksilan.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Där berättelser lever. Upptäck nu