Phase 1

121K 3.5K 1.5K
                                    

Phase 1






Pinagmasdan ko ang mga serbidora na nag-aayos ng aming pagkain sa lamesang mahaba, napili ni Lola Evangelina na mag-agahan ngayon sa malawak na back yard. My feet were touching the bermuda ground. It tickles a bit as I started swinging my barefoot in a soft and slow motion.

Naghanda ng iba't-ibang klase ng pagkain sa aming hapagkainan si Linda, pero kahit gaano pa kasasarap ang nakikita ko ay bahagyang nawalan ako ng gana dahil sa pagdating ni Minther.

I thought he could not join us every breakfast?

Kakarating niya lang kahapon galing ng Maynila dahil doon siya nag-aaral. He have three classes every weekdays in Brentdale, Monday to Wednesday ang pinakuha ng kanyang Lola na maging schedule sa semester na ito para hindi hassle sa pag-uwi rito.

I cannot believe that he's actually a Lola's boy who would obey everything she wants for him.

Hindi ko alam, sa dumaang buwan ay ganoon ang kanyang trabaho. Every Monday to Wednesday ay nasa Manila siya para mag-aral at uuwi ng Huwebes o kaya'y Biyernes dito sa Isla Verde.

Kung tutuusin ay mas ayos na sa akin ang huwag siyang umuwi ng isang linggo, mas maganda pa sana kung tuwing Sabado at Linggo lamang siya umuwi rito para hindi ako makaramdam mailang habang narito.

Isa pa, he can take the whole week for free! He can do anything in Manila, mas mapapasaya siya noon para naman hindi parating mainit ang ulo niya kapag nauuwi rito.

"Lola..." his deep and cold voice echoed my ear, he leaned a bit to kissed his Lola's cheek.

"Good morning, Lyle!" maaliwalas ang mukha ng matandang bumati at sumulyap sa akin.

"Good morning, La." he greeted back using his lazy voice.

Nagkatinginan kami nang humarap, nakaramdam agad ako ng tensyon sa aking dibdib at tiyan na nagpaiwas sa akin sa pagtingin mula sa kanya. Humawak siya sa sandalan ng aking upuan bago yumuko upang gawaran ako ng halik sa pisngi.

"Morning..." he whispered lazily on my cheek, so low that I shivered easily. His minty breath almost took my breath away as he stood up.

Huminga ako ng malalim at tumango. Halu-halong pakiramdam ang aking nararamdaman sa oras na ito, lamang parati ang kainisan.

"Good morning..." kahit hindi maganda ang umaga dahil sayo.

And oh, yeah, you're a good actor in front of your Lola, huh? Why don't you join in acting workshop? Siguradong tanggap ka agad sa pag-aartista.

Lola chuckled sophisticatedly.

"Natutuwa ako tuwing makikita kayong maayos sa isa't isa at walang nagiging problema sa nagdaang buwan ng pagiging mag-asawa."

Gusto kong samidin dahil doon pero ngumiti na lamang ako at tumango para sumang-ayon. Ilang beses kaya akong sasang-ayon sa 'di ko naman talaga kagustuhan? Whole life maybe, if this work out... but I don't think it will.

Ngayon pa nga lang ay umaayaw na ako sa ugali ng apo niya, hindi masama ang kanyang ugali, actually. Sobrang sama lang. Everytime I asked permission to join my cousins outing or whatever he won't just let me.

Sa tatlong buwan na iyon ay isang beses lamang ako muling nakasama sa aking mga pinsan, mayroon pang driver na kasama. I can't understand my situation here, if I am a wife or a prison. Ang hirap mamili, but I feel like a prisoner.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon