Phase 25

77.3K 2.4K 922
                                    

Phase 25


Hinilamos ko ang mga palad sa aking mukha, doon na tahimik na bumuhos ang mga luha. Lavern was caressing my back, hushing me.

"I can't understand him." I cried in frustration.

Bumuntong hininga siya habang inaalo parin ako, tinulak niya ang box ng tissue sa aking harapan pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paghikbi.

"I can't really understand, Lavern. I want to get over him now. Paano ko iyon magagawa kung patuloy kaming nakatali sa walang kwentang papel?" I'm really frustrated that I want to just cry all out.

I hate him. I hate him for doing this to me, I hate him so much. Kasalanan niya ang lahat kung bakit ako nasasaktan at ngayon ay pinahihirapan niya pa akong makawala?

Halos magtatatlong taon na simula nang gumawa ako ng eskandalo at kataksilan sa kanilang pamilya, sa kanya. Can't he just let go? Sa mga taong iyon ay pinilit kong ipamukha sa kanyang kaya ko parin mag-isa at kaya kong panindigan ang pagtataksil na ginawa para lang pakawalan niya ako at hindi na ikulong pa. I want him to know I'm not regretting what I did.

But at the end of the day... I'm still in love with him. I still love him despite of the reason why I'm here, in this state of pain.

"Kasi naman, Cade. Bakit hindi mo banggitin sa kanya ang mga dahilan mo? That you were over caged under him, that you didn't want it o nagsawa ka na sa kanyang pagmamanipula at posesyon. You can just tell that easy and you'll be free."

Tumahimik ang aking paghikbi habang nakatakip parin ang mga palad sa mukha.

Sana madaling sabihin iyon at makakawala na ako... sana reasonable na iyon para kay Minther, pero ilang libong beses ko na bang sinubukan iyon? Ilang beses ko na bang sinabi iyon? I even told him so many hurtful words but he pretended it was all nothing!

Mahirap pa sa mahirap kausap si Minther at mahirap pa sa dagang intindihin si Minther, mahirap siyang kausap at mahirap siyang mahalin...

Umiling ako at huminga ng malalim. Kinagat ko ang aking labi bago mabilis na kinuha ang cellphone para itipa ang kanyang numero.

Ilang ring pa iyon bago niya nasagot, napatiim bagang ako nang sumalubong sa aking tainga ang ingay ng background. Mix voices, mas malala ang hagikgikan ng mga ingleserang babae at ang ilan doon ay boses ng nagtatawanang mga kaibigan niya.

So this is all he's doing, huh? Hindi na dapat ako nagugulat, dahil nasasabi naman nila Lavern pero hindi ko talaga pinakikinggan dahil abala ako sa pag-ahon at pag-alis mula sa kanyang itim na mahika.

"M-Minther..." malamig ngunit nanginginig boses kong sinabi.

Narinig ko ang mahinang hagikgik sa malapit, mukhang may katabi siyang higad. My heart crumpled rigidly.

"Mmm?" he hummed calmly, I shuddered so easy.

Suminghap ako at humikbi pero huminto na ang mga luha ng bahagya.

"I cheated on you. I kissed Clayven and you saw it—"

"And?"

Putangina ka, kalmado ka parin samantalang gusto na kitang patayin sa salita!

I sobbed. "What do you still want from me? Why can't you fucking just sign the annulment, huh?" my voice is shaking. "Niloko na kita at pinagpalit! Kinamumuhian na ako ng pamilya mo at ng lahat pero bakit pinahihirapan mo pa ito?"

Panay ang yugyog ni Lavern sa aking braso dahil hindi na mapigilan ng mga salitang lumalabas sa aking bibig. Humikbi ulit ako at huminga ng malalim, hindi nagpaapekto sa takot na nararamdaman at warning ni Lavern.

Isla Verde #5: All Sweet Nothings Where stories live. Discover now