Wakas

15.5K 240 45
                                    

Wakas

 

"Leigh!" Lucy shouted.

"Leigh!" Gaile shouted.

"LEIGH SCARLETT!" They both shout. Pero inaayos ko pa rin ang buhok ko. Hindi kasi ako makuntento sa ayos nito. Gusto ko may bangs ako kahit kaunti pero hindi ko naman magawa.

"Sa kotse na kasi 'yan! Baka wala na tayong maabutan!" sumigaw ulit si Gaile at hindi na mabilang ang pagkatok niya sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko pa rin pinansin. Napayuko ako para makita kung may bakas ba ng powder ang ripped jeans ko. Mabuti na lang wala. At sa pagyuko ay bigla kong napansin ng kwintas na suot-suot ko ngayon.

Gold cross pendant

And

A ring

Dalawa ngayon ang pendant nito. At lahat galing sa kanya...galing kay Benj. Biglang napahawak ang kamay ko roon. Pinagmasdan ko ito mula sa salamin na nasa harapan ko. Benj gave me the necklace with a cross pendant. At iyong singsing naman ay iyong bagay na nahulog sa kanya noong naghiwalay kami.

How's the pain without remembering it? Syempre, it is all here. Here in my heart and soul. Hawak-hawak ko pa rin kung anong binigay niya sa akin. And I don't know, maybe it will be forever.

Marerealize mo palang mahal mo ang isang tao kapag hindi mo siya makalimutan. Naalala lahat ng bagay na mayroon siya at binigay niya sa'yo. Pero huli na ang lahat kasi wala na ang lahat. Napangisi ako at napapikit. And it's all gone.

All gone.

"Ano ba Leigh Alegre?!" Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sumugod sina Gaile at Lucy sa akin. Hihilain nila sana ako nang biglang silang tumingin sa maliit na cabinet ko.

"Iyong singsing," ani Lucy.

"Susuotin mo?" ani Gaile.

Parehas silang napakunot ng noo. Napatingin naman ako sa singsing na sinasabi nila. Iyong singsing na binigay ni Yuan sa akin kahapon. Nagkibit balikat ako sa kanila pagkatapos ay iniwan na lang sila sa kwarto. Naglakad na ako palabas ng bahay at pumasok agad sa loob ng kotse.

We'll stay in New York for a year or two. Maaring isa o dalawang taon kami roon. Hindi ko alam. Depende sa desisyon ni lolo. At alam ko susunod din si Yuan doon. Bahala na. Pumikit na ako at nagtulog tulugan nang marinig ko ang boses ng dalawa kong pinsan. Dapat ako lang ang aalis pero sumama pa rin ang dalawang iyon. Okay lang, hindi naman hata kami sa parehas na bahay titirahan. May bahay sina Gaile at Lucy sa New York. Ako may binili namang unit si lolo sa akin na nakabantay pa rin sa pangangalaga niya.

"Damn, Leigh. Damn." Gaile swear and I don't care.

"Si Leigh ang may kasalanan kapag hindi tayo nakabyahe agad." Protesta naman ni Lucy. Lalala,I don't care.

Umandar na ang kotse at tumahimik naman ang dalawa noong hindi ko sila pinansin. At dahil doon napatingin na ako sa bintana. At napalunok ako sa nakita ko...o namamalikmata lang ako?! Si Papa ba iyon? God! No! Hindi siya iyon! May lalaking nakatayo sa tapat ng gate. He's looking at me. Pumikit ako at binuksan ko ulit ang mata ko but he's gone. Wala na.

Namamalikmata lang siguro ako. Namamalikmata ka lang Leigh!

Napasampal agad ako sa pisngi ko. Wala lang 'yun. Ibang tao iyon. Hindi magiging si papa iyon. Wala na akong balitang naririnig sa kanya. Iniwan na niya kami at alam kong ayaw na niya kaming makita.

Hindi siya iyon.

Inalis ko na lang ang tingin ko at dumiretso na lang ng titig sa daan. Kalahating oras lang naman makakarating na kaming airport. Kalahating oras na lang makakapag-umpisa na ulit ako.

Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang mangyari ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Sinukuan ko ang taong nagbigay ng pagmamahal sa akin. Binalewala ko ang taong nagbigay sa akin ng pagkakataong magmahal. And it is all gone. Wala na talaga.

Siguro ito ang buhay na nakalaan sa amin. Ito siguro.

Huminto ang kotse at pinagbuksan kami ng driver ng pinto. Nasa airport na kami ng ganong kadali. Hindi ko namalayan dahil sa sobrang pag-iisip. Unang bumaba si Gaile kasunod si Lucy. Napapikit ako ng biglang humangin.

Naglakad na kami papasok ng airport. Napatingin pa ako sa paligid nagbabakasakaling nandito siya. Pero napakaimposible. Hindi na niya ako kailangan. Hindi na niya ako kailangang makita pa.

Wala na ang lahat. Wala na dapat asahan pa.

Coz we can't stay when love goes wrong.

--

Maraming salamat po sa suportang binigay niyo po sa book 1. Thank you, guys!

About the book 2. Yes, may book 2 po siya. Sana suportahan niyo rin po. 

WHEN LOVE MAKES A MISTAKE (BOOK 2)

Click external link po para madirect kayo sa book 2 o ito po yung link ->      http://www.wattpad.com/story/21251131-when-love-makes-a-mistake-book-2

God bless you all!

Twitter: @frappinesswp

xx

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon