Kabanata 31

10.2K 148 9
                                    

Kabanata 31

Tapos na

 

Bigla akong naistatwa sa nakita ko. Dali-daling tumayo si Sebastian sa pagkakahiga niya sa buhangin dahil sa malakas na suntok na natanggap niya. Pero muli siyang sinuntok sa panga at napahiga siya ulit.

“Fuccck!” Sebastian shouted and stumbled. Napatalon ako sa kinatatayuan ko.

“BASTARD!” nanggigil na naman siyang sumugod. And he grabbed Sebastian. Nanginig ang buong katawan ko nang suntukan naman niya si Bast. Oh my God! Biglang may tumulong dugo sa gilid ng labi ni Bast. “I WANT YOU AWAY FROM HER OR I’LL FUCKING RIP YOUR HEAD!” He is furiously glaring at him. Bigla akong napaiwas ng tingin sa ginawa niya.

Napapikit ako sa sigawang ginawa nila. Alam ko gumaganti rin si Sebastian ng suntok pero ayokong tumingin. “GUSTO NIYA ‘KO. WALA KA NG MAGAGAWA!” narinig kong sigaw ni Sebastian that made me looked at them.

“Oh my God,” I mumbled. Ramdam ko ang pagnginig ng kamay ko habang pinipilit ko itong iyukom. Titig na titig ako sa kanila kung paano silang magsuntukan at kung paano tumulo ang dugo nila sa mukha. O God, tama na.

Dahil dito baka matapos ang lahat. Ang lahat-lahat ng pagpapanggap na ginagawa ko. Tama na. Tama na, ayoko na.

“I warned you, Sebastian. Didn’t you learn any lesson from me?” ngumisi siya ng nagpatindig bablahibo sa akin. Tama na. Tama na. Ayoko na. Tama na.

Pero hindi naman nagpatalo si Sebastian sa kanya, “Your deadliest warning, isn’t? Come on; warn me in gazillion time, I will not stop myself. Hindi ko pipigilan ko ang sarili ko kay Leigh. Ikaw hindi ka pa rin ba natuto? O nagbibingihan ka lang na ayaw talaga niya sa—“ napatigil si Bast nang suntukan na naman siya.

“YUAN!” nagmamadali akong pumunta sa pwesto ni Sebastian. Nanginginig kong hinawakan ang pisngi ni Sebastian. Oh my God, ‘yung dugo niya sa labi.

“Leigh, stay away,” naramdaman ko ang kamay ni Yuan sa balikat ko. I look at him over my shoulder.

“YOU, STAY AWAY!” I saw shocked on Yuan’s face. Napakagat siya ng labi at napatingala. Tinignan ko na lang si Sebastian at nilabas ang panyo ko. Pinunasan ko ang mukha niya at kitang kita ko ang pagngiwi niya. Napapikit siya sakit  ng pagpunas ko. “Sabi ko naman sa’yo lumayo ka. Hindi ‘yung lumapit ka pa sa gulo!” napadiin ako sa pagpunas na nagbigay dahilan na sumigaw siya sa sakit. I don’t feel sorry for him. Sinabi ko na sa kanya na wala na. Wala na siyang aasahan. Wala na at tapos na ang lahat!

“Leigh, I know, pwede pa—“ biglang nawala sa tabi ko si Sebastian nang sapilitan itong itayo ni Yuan. O God, sa gulat hindi ko alam ang gagawin at napaupo na lang ako sa buhangin.

“You don’t fucking know what can I do?!” napalunok ako ng iduldol ni Yuan ang sarili niya kay Sebastian. Pero si Bast ngumisi at napatawa siya sa sinabi ni Yuan. O God, Bast huwag ka ng sumagot!

“I don’t fucking care, Christian. Go fuck yourself—“ isang suntok ang binigay ni Yuan na nagpatagilid kay Bast. Hindi naman nagpadaig si Sebastian at tinulak niya si Yuan kaya napahiga ito. Napasigaw ako ng sakyan ni Sebastian si Yuan at pinagsusuntok.

“Tama na…” napalunok ako sa sinabi ko. No, I won’t cry over this. No, I won’t. Napapunas agad ako at sinubukan kong tumayo. Sa pagtayo ko ay ang paglabas ng tao sa tribe. Bigla nawalan ang tuhod ko ng lakas para tumayo at pigilan sila. Marami ng tao ang nakikakita. Tama na. I coerce myself to stand up. I was about to walk to their place when someone hugged me behind.

“No, Leigh. Stay here,” ramdam ko ang pagnginig ng katawan niya sa akin. “Please, Leigh,” dagdag pa ni Gaile.

“Gaile, si lolo. Gaile…ayoko na,” this made my tears fall. “Malalaman niya…’to. Anong…gagawin ko?” I choked. Sa paghikbi ko para akong nawalan ng hininga sa minutong iyon. Malalaman ‘to ni lolo. May iisipin na naman siyang masama sa amin. Sasama na naman ang imahe ni mama. Masasaktan siya at masisi. At iyon ay dahil sa akin.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon