Kabanata 48

9.5K 153 5
                                    

Kabanata 48

Subukan

Hindi ko na matanggal ang tingin ko kay Benj. He’s looking at me, too. Pero hindi siya nagpapakita sa akin ng reaksyon na para mong una niya palang akong nakikita. And it hurts like hell. Hindi ko alam pero natatakot ako sa naiisip ko. Sobrang takot at sakit ang nararamdaman ko sa tingin niya sa akin.

I left him. Sino bang hindi masasaktan sa ginawa ko? I left him because I’m confused. Naging close-minded ako noong araw na iyon. Na akala ko ayaw niya pero hindi ko alam kung ano talaga. Pero anong kinatatakot ko kung mawawala siya sa akin ngayon? I don’t deserve him. I don’t.

Pero ang kinagulat ko ay ang pag-iwas niya agad ng tingin. Pinagmasdan ko na lang siya kung paano niya magiliw na kinakausap ang ibang tao. At hindi niya ako binibigyang pansin. It hurts. Fucking hurts right now.

May kung ano sa lalamunan ko at hindi ako makalunok. Gusto kong umiwas pero tinitignan talaga ng mata ko ang bawat kilos niya. Umiinit ang mata ko at may gusto siyang ilabas. Ayoko. No, I won’t cry. No.

Tatalikod na sana ako nang biglang may dumunggo sa akin. “Hala!” naaligaga ang babaeng nakatapon ng wine ko sa dress ko.  “Sorry!” Gamit ang panyong hawak niya ay pinunpunasan niya iyong dress ko. Sa bandang tiyan natapon pero hindi naman naging halata ang mantsa dahil itim naman ang suot kong dress. Para lang siyang nabasa. “Sorry talaga!” todo punas pa rin siya kaya umatras ako sa kanya.

“Okay lang.” I tried to smile. Pero hindi ko hata kaya.

“Sorry talaga!” Nakasimangot na ‘yung babae sa akin.

“Okay lang,” pinilit ko ulit ngumiti.

“Mamahalin ba ‘yang damit mo? Kapag mahal ‘yan, kita mo ‘yung lalaking iyon?” napatingin naman ako sa tinuro nung babae. Si Karl ‘yung tinuturo niya. “Maraming pera ‘yun! Siya singilin mo.” Ngumisi ‘yung babae. Nica? Nica hata ‘yung pangalan nito.

“Hindi…okay lang!” winagayway ko ang kamay ko sa kanya.

“Sure ka? Pero sorry talaga! Kailangan kasi nung buntis ‘tong tubig e kaya nagmamadali ako.” Pinakita naman niya iyong baso na may tubig. Tinuro naman nung Nica  ‘yung nakaupo malapit sa stage. Si AJ. God, si AJ nandito rin. “Ewan ko ba kung bakit sumama sama pa ‘yang buntis na ‘yan dito,” umiiling na sabi ni Nica. “Teka…” bigla siyang napatawa. “Nica pala…” napaliyad ako nang biglang lumapit ang mukha niya sa akin. “Pero dyosa na lang kung ayaw mo ng Nica,” tumawa ulit siya. At hindi ko na napigilang ngumiti sa sinabi niya.

“Leigh,” ani ko.

Napatango siya sa sinabi ko. “Tara? May kasama ka ba? Puntahan ko muna ‘yung buntis. Gusto mong sumama?” Nica gave me a warm smile. Gusto kong umiling pero lumakad na ako kasabay niya papunta kay AJ.

Bumungad ang ngiti ni AJ kay Nica. “Thank you, bes! Dyosa talaga!” agad na inabot ni Nica ang baso kay AJ.

“Hindi ako naniniwala sa buntis!” sumimangot si Nica.

“Dapat naniniwala ka sa buntis! Dalawa kami rito nagsasabing dyosa ka!” Ngumiti ng malaki si AJ. Lalong natuwa si Nica sa sinabi niya. So they are best friends?

“Oo na!” Nica replied. Napatingin naman siya sa akin. “Bes, si Leigh pala!” Ngumiti si AJ sa akin. Tumayo siya at pumunta sa akin. Ilang buwan na kaya iyong nasa tyan niya? Pero kahit buntis siya hindi pa rin kumukupas iyong ganda niya.

“Hi, Aly,” she said and offered her hand. Kinuha ko naman iyon at nakipagkamay sa kanya. Napakunot ang noo niya habang tinititigan ako. “Ikaw ‘yung kasama ni Benj doon sa Luwasan, San Mateo?” napalunok ako bigla sa tanong niya. May sinabi si Nica pero hindi ko naintindihan dahil nakatitig lang ako kay AJ…Aly. Bahala na! “Kamusta naman si Benj sa’yo? Masyado ba siyang makulit? O maharot?” napatawa si Aly sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako. Pero ang kinagulat ko ang paglapit ng mukha niya sa tenga ko. “Kayo ba? Alam mo bagay kayo,” she giggled. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko sa sinabi niya.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon