Kabanata 23

11.8K 184 8
                                    

Kabanata 23

Iiwasan

 

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Hindi ko alam kung nakuha ba ni Benj ang pag-iling ko. At sana…sana iba ‘yung naisip niya pero parang nakuha ni Benj ‘yung inarte ko. O God, bakit kasi Scar? Bakit?! Ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi ko alam kung anong unang iisipin sa mga problemang mayroon ako?!

“Tulala ka?” bigla akong napatingin sa nagsalita. Biglang lumusong si Chico sa pool at hinarap ako. Kasalukuyang nakaupo kasi ako at binabad ang paa ko sa tubig dito sa pool. “Kailan daw ba ‘yan?” tanong niya.

Napakunot ako ng noo, “ang alin?” tanong ko. Winisikan niya ako ng tubig. Tinignan ko siya ng masama at lumayo na siya sa pwesto ko.

“The stupid wedding,” umiwas siya ng tingin at lumangoy.

“Hindi ko alam,” sabi ko at napayuko. Wala akong alam, baka nga paggising ko isang araw ikakasal na pala ako. “Hindi ko tinatanong,” umahon na siya at tumabi sa akin.

“Itakas na kita? Gusto mo?” napatingin ako sa kanya pero siya diretso ang tingin kung saan. “Tell me, when.” Tumingin na siya sa akin na seryosong seryoso ang mukha.

“Are you damn serious, Francisco?!” my lips pressed. And I tried to speak again but I was lost of words.

“Of course, Leigh I am damn serious!” pabukas sara ang bibig ko sa kanya habang nakatingin. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin. Ngayon lang ulit siya nagseryoso ng ganito. “I don’t want you hurt because you don’t have any choices in this world. Just tell me when, we—you really need to escape, Leigh,”

“Like what mama did,” inalis ko na ang tingin sa kanya at tumingin sa isang direksyon, “tapos masisisi si mama kasi pabaya siyang ina. Na hinayaan niya lang ako gawin ‘yung ginawa niya. Siya ang sisihin, Chico, ayoko. Ayokong masisisi ‘yung taong binigay ang lahat sa atin. Kung bakit nandito tayo ngayon, ‘yung taong hindi mawawala sa atin kahit anong mangyari,” napailing ako. At naramdaman ko ‘yung luha ko.

Noong pitong taon kami ni Chico kitang kita kung paano kamuhian ni lolo si mama. At ipahiya sa maraming tao…sa mga kamag-anak namin kung ano ‘yung ginawa niya. Kasi noong panahong iyon bumalik si mama kay lolo dahil iniwan na kami ni papa. Walang ginawa si mama kung hindi tanggapin ‘yung kutya sa kanya para sa amin. Para maging mabuti ang buhay namin, tinanggap niya ang lahat ng panlalait ni lolo maging maayos lang kami. Na hindi naman alam ni mama kung bakit mali ‘yung ginawa niya. Wala namang maling ginawa si mama. Naging masaya lang siya, pinaglaban niya si papa pero bumitaw si papa at iniwan kami. Akala ko perfect na ‘yung sa amin. Hindi pala. Kasi bumitaw ‘yung taong nagpapalakas sa amin. Umalis si papa at hindi na nagpakita.

Galit ako sa kanya…kay papa dahil bumitaw siya. Sabi niya kakayanin namin lahat. Nakakainis, kasi kung sino pa ‘yung nagsabi huwag siyang bitawan siya pa ‘yung unang bumibitaw.

Napapunas ako ng luha, “tatanggapin ko na ‘to. Kakayanin ko para…sa kanya…kay mama,” sabi ko. Tumayo naman si Chico at kinuha ‘yung robe.

“Okay, sabihin mo lang kung nagbago na ang isip mo,” napatingin ako sa kanya. Bakit? Bakit ?! Halata bang tatakas ako? Halata ba?! Magsasalita na sana ako pero umalis na si Chico. Napatingin na lang ako sa pool.

Susuko rin ba ako? Malalagay din ba ako sa sitwasyon ni mama? O doon ako sa sitwasyon ni papa? Na give up ko na lang ang lahat?

**

“Goodness, Lucy! Gusto ko ‘yung may strap! Ayoko niyan!” angal ko at binalik ‘yung bikini.

“Hindi na uso ang may strap! Ano ka ba?!” kinuha niya ulit at nilagay sa basket. Hinawakan ko naman mula sa kamay niya ‘yung bikini. Ibabalik ko na ‘to.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon