Kabanata 35

11.9K 160 13
                                    

Kabanata 35

Trust him

 

“Mom really wants to see you, Leigh,” ani Yuan at binuksan ang pinto ng kotse. Hindi ako sumagot at pumasok na ng kotse. Sumunod naman siya at pumasok. “She wants to see how beautiful my bride is,” ngumiti siya na nagpawala sa mata niya. Gusto ko siyang irapan o kaya baliwalain pero hindi ko magawa dahil kukuhanin ko na naman ang loob niya na mapapayag na lumabas ako mamaya. Na makumbinsi niya si lolo na paalisin ako mamaya o kaya malaya na ko sa kung ano gustong gawin. Para pwede kong makita si Benj.

“Sa bahay niyo ba?” tanong ko sa kanya.

Umiling naman si Yuan,”nope in the company,” napaawang ako ng bibig sa sinabi niya. Nagmamay-ari ng maraming hotel ang pamilya Wong. Kaya gustong-gusto magkaroon ni lolo ng partnership sa mga Wong. God, hindi na mabilang ang branches ng hotel ng mga Wong dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Busy ang mom mo,” sagot ko kaagad. Hindi naman mapakali ang pwet ko dahil sa narinig. Bakit pa sa kompanya nila? Hindi pwede sa isa na lang sa mga hotels nila? Hindi pwede?

“Not mom, dad. Pero alam ko matatapos na ang meeting ni dad kay Mr. Jimenez,” pakiramdam ko masusuka ako sa kaba kahit walang dahilan. Nakakahiya at hinid ko alam kung bakit.

“Para saan naman?” napakagat ako ng labi. Nacurious ka naman hata Scarlett?!

“There’s a deal. Pero ang hirap ligawan ni Mr. Jimenez. Masyado siyang busy at hindi makita ang proposal ni dad. We just want partnership. Since, malakas na ang Autohub sa ibang bansa at dito sa Philippines gusto namin na ang hotel na lang namin ang mag accommodate sa affiliates niya. But Mr. Jimenez, is kind a strict. Laging dumadaan sa secretary niya. Hindi ko alam kung nabasa ba niya. Pero lucky us, nagkaroon siya ng oras sa amin ngayon,” mahabang paliwanag ni Yuan. Naintindihan ko naman ang sinabi ni Yuan pero kung ako kay Mr. Jimenez, hindi ko talaga tatanggapin ang mga Wong.

“Uhm, so ang Autohub is a company na dealer ng mga kotse? Ng mga luxury cars? Sports car?” napatango si Yuan. Wow. Wow, kung ako talaga ang may-ari ng Autohub hindi ko talaga bibigyan ng partnership ‘tong sila Yuan.

“A big company. So huge,” ani Yuan.

Grabe, Mr. Jimenez really worked hard on this company. Para makamit niya ‘to. Makikita kaya namin siya pagdating namin sa company nila Yuan? Sana makita ko siya kung sakali. Lumipas ang kalahating oras ay nakapunta na kami sa kompanya nila Yuan. The driver parked the car. Unang bumaba si Yuan para pagbuksan niya ako ng pinto. Nanatili naman ang driver sa kotse. Pagkababa ko ng kotse napatigil agad ako sa nakita kong view ng kompanya nila Yuan. Malaki at malawak. Pero ang mas kinanatili ko sa lugar ko ngayon ay ang papalakad ng mga bodyguard at ng isang lalaking may kausap sa phone. Nakapaligid ang mga naka-itim na suit na bodyguard niya sa kanya. At bigla akong napalunok nang huminto ito sa pwesto namin. Napatitig agad ako sa lalaking iyon na hindi ko alam kung saan niya nakuha ang kagwapuhan niya. Ang bata niya para magpatakbo ng isang malaking kompanya. I bet mga 27 or 28 lang ang edad nito ngayon. Ang gwapo at ang matipuno. Ito kaya si—

“It’s really nice to see you here, Mr. Jimenez,” napatingin ako kay Yuan na wala ng mata sa sobrang ngiti kay Mr. Jimenez.

“It’s really my pleasure, too, Mr. Wong,” agad akong tumingin sa direksyon ni Mr. Jimenez. Napalunok ako ng kumurba ang labi niya. Ang ganda-gandang lalaki at hindi ko alam kung bakit?! Hindi ko alam kung sino ang gwapo sa kanila ni Benj. Goodness, ang hirap mamili but Benj pa rin ako. Pero halos matunaw ako nang tumingin siya sa akin at tumango. Goodness gracious!

“Azel!” someone shouted. Halos lahat kami tumingin sa sumigaw na iyon at nasa pwesto namin siya agad. Halatang hiningal siya sa pagtakbo niyang iyon. Napayuko pa siya para kunin ang hininga niya. “Where’s Aly?” hindi niya hata kami napansin at diretso tingin lang siya kay Mr. Jimenez.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon