Kabanata 44

8.4K 138 8
                                    

Kabanata 44

My loss

 

“Scarlett!” I heard his voice but I ignore him. I run. “Scar!” he shouted again. Pero tumakbo lang ako. Bakit ang layo ng elevator? Nasaan na ba ‘yun?! “Stop…please!” he begged and something on me aches. Hahakbang na sana ang paa ko sa elevator pero may malakas na kamay ang humila sa akin. “Mali ang iniisip mo.” Depensa agad niya. Pero anong iisipin ko? Na gusto niya pa rin ako. God, hindi ako tanga para hindi malaman na ayaw niya…na sumuko na siya. Alam ko namang hindi niya ‘to kakayanin.

“Liar,” I hissed. I jerk his hands on me. Lumayo ako sa kanya at hindi ko mapigilang duruin siya. “Alam ko naman Benj na ayaw mo. Na nahihirapan ka na. Di ba?!” Benj’s jaw tightens. Kita ko kung paano magreact ang katawan niya sa sinabi ko. Kita ko kung gaano siya nasaktan pero I’m too selfish and ignore him. I continue, “Coz you never fight, Benj. Ako lang. I took risk but you never take risk for me. Di ba?!” I challenged him again. Napaawang na siya ng bibig. “Ito na ako Benj! Ito na ako! Hinayaan ko na ang sarili ko. I let myself in danger because you’re here! Pero wala lang sa’yo!” pinagduldulan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko kaya lalo siyang nagulat sa sinabi ko. “You never fight! Hinahayaan mo lang ako ngayon. And now, you want me to go home?! Anong gusto mong isipin ko na gusto mo pa rin ako? You give up! Hindi ko nga alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito kung alam ko naman sa huli na aayaw ka rin?” Bigla akong napapunas ng luha sa sinabi ko. Pero hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan na itong tumulo. Hindi ko na alam kung paano pigilan ito. And I hiccup. Na hindi na ako makahinga dahil dito.

“No…” napailing si Benj. He was about to touch me but I step backward. “No, Scar. No.”

“What?! So, mali ako?!” I laugh.

“No, Scar. It’s not just like or wants. I love you. Ayokong lang maging kumplikado pa ang bagay-bagay ngayon,” said Benj.

“You don’t want me. Nagbibigay ka lang ng dahilan,” I roll my eyes.

“If I fight, are you willing to let me in to you?” bigla akong napaatras sa sinabi niya. “I know you like me…want me. But wanting is far different from love, Scar. Do you love me?” Do you love me? Do you love me?

Hindi ko na magawang makalunok.

“If you love me, I am willing to give myself again. I will not be afraid of anything. But right now, I’m not sure if your heart is with me…if you love me, truly.”

“No…” I disagree. No, mali siya ng sinasabi. Nagbibigay lang siya ng dahilan. “You’re being one-sided.”

“I don’t want to take risk. I don’t want to fight them. I want them to get tired of us…to get tired on finding out what’s wrong with this love. Pero may sagot na ako kung bakit naging mali ‘to. It’s only my love, Scar. Iyon lang ang kumikilos ngayon,” napalunok ako sa sinabi niya. “I love you, Scarlett. No one can stop this love. But I’m afraid of this tireless love to be futile again.” Napaangat ng ulo si Benj. Nanginig ang pang-ibabang labi ko at hindi ko makuhang sumagot agad sa kanya. I breathed. I tried to breathe but I can’t…

“You’re doubting me, Benj.” I shake my head. “Pinagdududahan mo ako. Hindi mo ako kayang pagkatiwalaan. I like you. I want you so much.” Pinunasan ko ulit ang luha ko. “Nagbibigay ka lang ng dahilan para mapaalis ako. Okay! Aalis na ako!” Napahilamos ako ng mukha. Tinitigan ko siya at nakatingin na siya sa akin. Hindi ko alam kung ako lang ang nagbibigay ng dahilan sa kanya. Hindi ko alam kung tinatakpan ko lang ang tanong niya sa akin.

Do you love me?

Napipikit ako ng umalingawngaw ang tanong na ‘to sa akin.

“You’re wrong.” Bigla akong napadilat nang sumagot siya. He shakes his head.

“I’m always wrong!” I shouted. “Always!” napayuko ako sa sigaw ko. Hindi ko napansing lumapit siya sa akin at niyayakap na niya ako ngayon.

“I love you,” aniya. “Scarlett, please. Tell me if you love me…please. Coz I’ll fight if you want…beg on their knees if you want…do the wrong things just to be with you,” Benj pleaded. Para akong nawalan ng hangin sa hinihingi niya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tama siya? Tama hata si Benj. Tama rin kaya si Chico sa sinabi niya sa akin dati? God, hindi ko na alam ang gagawin ko.

But I jerk Benj’s hug to me. I am confused. Hindi ko alam.

Tumakbo na ako papuntang elevator. Bumukas naman ito at hindi ko na alam kung paano ako nakababa. Kung paano ako nakasakay sa taxi at pauwi na sa bahay namin. Benj gave up on me. Hindi niya ako sinundan. Hindi niya ako pinigilan. He gave up coz I don’t know if I love him.

I like Benj. I want him. But I don’t know.

The sun’s rising. Umaga na pala at hindi ko alam kung ilang oras kaming nagsumbatan ni Benj. O ako lang ang nagsumbat sa kanya. Kasi all that time kalma lang si Benj. At ako lang ang nag-iigting sa inis sa sarili ko.

Huminto ang taxi at nagbayad ako. Bumaba naman agad ako at wala sa sariling naglakad papunta sa bahay. Bukas ang gate kaya pumasok na ako loob ng bahay. At gusto ko ng bumagsak sa sahig sa nakikita ko.

“You’re back, Leigh. I’m glad,” and the evil smirked.

Nanalo si lolo sa laban na mayroon kami. Natalo ako. My loss.

 

 

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon