Kabanata 8

14.3K 212 14
                                    

Kabanata 8

How this love went through a lot of trouble

Biglang nanginig ang tuhod ko sa presensya ni Benj. Itong distansya namin nakakawala ng pagkakataon sa akin para matameme sa kanya. Tama nga kaya si Chico? Na...na may gu-gusto ako kay-a! Hindi mali...hindi! Maaring dahil iba si Benj dahil masyado siyang mabait. Dahil kakaiba siya sa ibang lalaki dahil ang gentleman-gentleman niya. Ganun siguro...kaya ganito ako natetense sa kanya.

Pero napatalon ako nang biglang magsalita si Chico. "Teka...may nakalimutan ako sa kotse," napatingin ako sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata pero kinindatan niya lang ako. Nanlamig ang buong katawan ko nang pagmasdan si Chico palabas ng Wine Lounge. Hindi ako makaliyad o makagalaw man lang. Pero kitang kita ko sa gilid 'yung pagsandal ni Benj sa couch at pag-unat niya ng braso...na para mo siyang umakbay sa couch...hindi sa akin.

"Mabuti na lang nakaalis agad ako sa party na 'yun...bigla kasing kinansela,"oh my God. Talagang nanlamig na ang katawan ko sa sinabi niya. 'Yung sinasabi niya...'yung party ni Yuan. Kumabog ang dibdib ko na parang ayoko nang umuwi sa bahay dahil sa narinig ko sa kanya. Grabe problema ang ginawa ko. Hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko. Paano na lang kung biglang sugurin ni lolo ang kwarto ko at makita si Carms doon. Paano na lang kung malaman niyang umaalis ako ng bahay na hindi kasama ang bodyguards?

Napapikit ako para mapakalma ang sarili ko. God, ano nang gagawin ko? Umuwi na kaya ako? Kung sana wala kasi si Benj doon sa party hindi siguro nagkagulo...kung hindi sana ako naaligaga walang ganitong mangyayari. Ayoko na!

Nasaan na ba si Chico? Bakit ba ang tagal nun? Gusto ko ng umuwi para wala nang mapahamak. Nakakatakot 'yung mga posibilidad na naiisip ko. Ayoko...ayokong mapunta kay mama 'yung sisi. Bigla akong napahilamos ng mukha. God, ano naman kasing problemang ginawa ko?

"Are you...okay?" napaharap si Benj sa akin at hinawakan ang kamay kong nasa mukha. "You look tense," aniya at inalis ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha. Kinalas ko naman ang hawak niya sa akin. Napalunok ako ng titigan niya ako...na para mong kinukuha ang loob ko at sagutin siya.

"Oo," napaiwas ako ng tingin.

"Ganyan din si AJ, kapag may problema...sinasarili," doon ako napatingin sa kanya. Nakita ko ang pagngiti niya...pero walang saya. "Akala niya kaya niya...pero alam ko sobrang nasasaktan siya, kahit hindi niya sinasabi sa akin," I saw pain in his eyes. Hindi ko alam pero ramdam kong nasasaktan siya. "I loved her...sobra...na halos kalimutan ko na 'yung sarili ko...na...sa kanya ko lang tinuon ang lahat," napalunok ako nang titigan niya ako...na tumbasan niya ang pagkabigla ko sa sinabi niya. Wala akong masabi. He is in pain...that I can't ever heal. Kasi mali...mali.

"Damn, bakit ko naman sinabi sa'yo 'to?" bigla siyang natawa. "You don't know her...my girl, AJ," Pinat niya ang ulo ko. Wala naman akong masabi kasi lalong nanuyot ang lalamunan ko. Pero ramdam ko ang pag-awang ng bibig ko sa kanya. "Siguro mas matanda lang siya sa'yo ng isang taon, o magkasing tanda kayo," Inalis naman niya ang kamay niya sa ulo ko. Ngumingiti at tumatawa siya nang hindi abot sa mata niya...na walang saya.

Yes, Chico is right. He's broken.

Mayroon sa akin...na parang mali...na para mong gusto ko siyang sabihan. Pero wala akong karapatan. Napalunok ako ng bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. "Kamusta na siya?" hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya ito.

"She's happy. I'm...not," something on me...aches na hindi ko alam kung bakit at walang rason. "But I am trying...to forget her. Kaya kailangan maging masaya din ako!" bigla tumaas ang boses niya. Na nagkukunwaring maayos lang siya pero hindi. "Parehas kayo. Medyo inosente lang ng kaunti si AJ sa'yo. 'Yung kilay mo iba sa kanya," bigla siyang napatawa. Napasimangot naman ako kasi inoobserbahan niya ako pero nakakabit pa rin 'yung pangalan ni AJ sa akin. If you're trying to forget a person, hindi mo kailangang ikabit kung anong mayroon sa kanya at kung anong mayroon ngayon. Kasi hindi naman paglimot 'yun, binabaon mo lang ang sarili mo sa nakaraan. "Para ka kasing mataray kung titignan dahil sa kilay mo," napatawa siya lalo sa kasunod na sinabi niya. Dumoble ang pagkasimangot ko sa kanya.

Mali 'yung paraan ng paglimot niya. Hindi ko man alam kung anong nangyari sa kanila o kung bakit siya ganito, mali at walang kwenta ang paraan na ginagamit niya para kalimutan 'yung babaeng iyon. He's stupid...a jerk after all.

Ewan ko kung bakit ako nainis sa kanya. Nangangati na ang bibig ko para pagsabihan siya pero...pero hindi ko alam 'yung pinagdaanan niya. Wala akong alam. Hindi ko man alam kung anong nangyari sa babae pero hirap si Benj na makalimot.

Pero...pero ano naman ang pake ko?

"Ganon ba?" napatawa ako. Napasandal naman ako sa couch.

"Oo. Pero mali ako. I gave everything which is wrong. My love was a mistake. And I wonder how this love went through a lot of trouble." tuluyan na akong napaawang ng bibig at hindi ko alam kung masasara ko pa ang bibig na 'to sa sinabi niya. Siya 'yung lalaking nasasabi niya...'yung gusto niya which makes him tough. God, Benj...natutuloy na...'yung paghanga ko sa'yo. Pero dapat kalimutan niya na 'yung babae. Nakaraan na niya iyon. At hindi niya kailangang tuluyang manirahan doon.

"You should...move on?" napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. "Sorry...Benj. Mali-"

"No, it's alright," aniya at napasandal sa couch. Napatingin ako sa kanya at pumikit ang mata ni Benj. He's tired...very very tired. Iiwas sana ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa akin pero hindi ko na nagawa kasi kusa na akong napatitig sa kanya...na ginusto kong makita 'yung malamlam ngunit nakakaakit niyang mata. "I will be fine...I said to her...to AJ. I'll be. I promise,"

Nalungkot ako sa sinabi niya. Kasi nakadugtong na naman 'yung pangalan ni AJ sa sinabi niya. Mahihirapan si Benj....

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon