Kabanata 34

11.9K 165 5
                                    

Kabanata 34

Fitting room

 

Dirediretso lang si Benj sa pwesto nila Bast at Rafi. Nagpakarga naman ‘yung bata sa kanya at tinapik lang sa balikat ni Benj si Bast. Noong gabing pumunta si Benj sa kwarto ko, nakwento ko sa kanya si Sebastian kung anong mayroon sa amin dati. Tumingin lang ako ng isa sa likod ni Benj at naglakad na ako sa pwesto nila Gaile at Lucy.

“Mahiyain masyado siya sa tao pero ang close-close niya sa kapatid niyang lalaki,” bungad ni Lucy sa akin.

“Hindi nga raw sanay sa tao, Lu,” umupo na ako sa tabi nila.

“Their mom and dad are both busy with their business. Hindi na naakikaso si Rafi sabi ni Newt,” napatingin agad ako kay Lucy at sabay pa kaming nagtinginan. Pagkatapos ay sabay naming tinitigan si Gaile. Si Gaile naman nakatingin lang ng diretso kay Rafi habang buhat-buhat ni Benj. Tinignan ko na agad si Lucy dahil alam kong may sasabihin na ‘to sa inaarte ni Gaile. Tinakpan ko agad ang bibig dahil baka may masabi na naman. Tinaasan ako ni Lu ng kilay pero umiling ako sa kanya.

“Tara na nga!—teka?! Si Sebastian ba ‘yun?!” bigla akong hinatak ni Lucy sa kanya. Hindi ba nila alam?! Ganun din ang ginawa ni Gaile, hinatak niya ako sa kanya hanggang sa mapunta ako sa likod nilang dalawa.

“My God!” napatili si Gaile. “Papunta siya rito!” dagdag pa niya. Nataranta naman ang sistema ko sa sinabi niya. Tapos na! Tapos na ang lahat?! Ano namang ipupunta niya sa akin?! Pero hindi naman ako makaalis sa likod nitong dalawang ‘to na para mong gwardiya sa akin.

“Sebastian! Tama na! Gulo na ‘to!” bulalas ni Gaile. Sumilip ako para makita kung nandito na talaga siya at nasa harap na nga siya.

“Maawa nga naman kay Leigh…sa sarili mo!” biglang tinulak ni Lucy si Sebastian. Napahawak agad ako sa kanya.

“LU!” Pinilit ko na ang sarili kong humarap kay Sebastian. Napakagat ako ng daliri dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“God, Leigh! Kapag may nakakita—“ Lucy interrupted.

“He just wants to say goodbye to Scarlett,” may biglang sumingit na boses at napatingin ako sa lalaking papalakad sa pwesto namin. Si Benj. “Babalik na siyang NY, Gaile and Lucy,” tinapik sa balikat ni Benj si Sebastian. Napatingin naman agad ako sa kanya. Sa tingin ni Benj para bang sinasabi na niya na okay lang na kausapin ko si Sebastian.

“I’m sorry, Leighly,” inangat ni Sebastian ang tingin sa akin. Napakagat ako ng labi sa tingin niya. I saw pain in his eyes. Kinuha ko naman ang kamay niya para mapalagay siya.

“It’s okay. Maayos na. Good luck, Bastian! Good luck, bestfriend!” sinapak ko ang braso niya at napatawa siya sa ginawa ko. Napangiwi siya pagkatapos at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

“Thank you,” aniya Sebastian at biglang lumapit ang mukha niya sa pisngi ko, “I know your secret,” napabukas ako ng bibig sa sinabi niya. “Franco and Leigh—“ umatras na ako para hindi na niya matuloy ang sasabihin. Nilakihan ko siya ng mata.

“Imbento!” sinapak ko pero hindi naman tumama.

“Goodbye Leighly!” umatras na siya at bago pa ako makasagot ay tumakbo na siya palabas ng mall. Napasimangot na lang ako. Naramdaman ko na lang ang tapik nina Gaile at Lucy sa akin. Napatingin sila sa akin at nagkibit balikat lang sila sa akin.

“Tara na nga!” una na akong nagsalita dahil wala namang kumikibo. Tinignan ko si Benj at nagkibit balikat lang din siya sa akin. Kaya wala na talagang choice kung hindi pumunta sa pwesto nina Newt at Rafi. Lumingon pa ako ng isa sa labasan kung sakali nandoon pa si Sebastian pero wala na siya. Sana naman umalis siya nang hindi sa akin. Sana umalis siya dahil sa trabaho niya.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon