Kabanata 33

12.6K 166 1
                                    

Kabanata 33

We’ll be careful

 

“Para pong masyadong simple ‘yung top ng gown,” napataas ng kilay si Lucy sa designer ng gown nila. Napatitig ako sa kanila kahit nakaupo lang ako ng komportable sa couch at inenjoy ang banana shake. Hindi naman nakatiis si Gaile at lumapit sa tabi ni Lucy. Naningkit ang mata niya sa pinakitang design ng gown.

“It’s too plain, Lucy,” ani Gaile at tinaasan ng kilay ang designer. “How about mine?” dagdag pa niya. Napilitang ngumiti ang designer at naaligagang kunin ang ibang design. Ewan ko ba sa dalawang ito kung bakit ganito ka-strict kapag sa mga damit nila.

“Just tell me what you want, Ms. Lucy,” ani designer at inabot naman niya ang design kay Gaile. “And Ms. Gaile, this is your design,” halatang pinilit lang ng designer ang ngiti niya sa dalawa. Napairap ako at napapikit sa kaartehan ng dalawang ‘to.

“I don’t like it,” umiiling na sagot ni Gaile. The designer presses her lips. Tumango ito ng magalang. “We’ll come back tomorrow then,” Grabe naman ‘tong si Gaile hindi ko alam kung may fashion show ba sa kasal at napakapihikan.

“I really, really don’t like it,” napalaki ako ng mata sa sinabi ni Lucy. Nakakainis na ang pagiging maarte nito at talagang sa harap pa ng designer sinabi iyon. “Bukas na lang,” Lucy tries to smile. Mababatukan ko talaga ang dalawang ‘to!

Yumuko ang designer at inayos ang gamit niya, “Tomorrow then. Thank you Ms. Gaile and Ms. Lucy,” yumuko ulit ito pero tinalikuran lang dalawa kong magaling na pinsan. Napairap ako sa kanila ulit pero tinaasan lang nila ako ng kilay. Nag-umpisa na silang maglakad palabas habang ako nakatingin lang sa designer na puno ng pasensya sa kanila. Hinabol ko naman agad sila hanggang sa makalabas kami ng shop.

“Ano ‘yun?!” agad kong hinablot ang balikat nila at napatigil sila. They gasped but I don’t care.

Sabay naman nilang tinanggal ang kamay ko. “Nothing!” sabay nilang sigaw. I blink. May problema hata ‘tong dalawa e. Naglakad na sila hanggang sa makarating ng kotse. Napailing na lang ako at sinundan sila. Papasok na sana ako ng kotse nang may tumawag kay Gaile. Kaming lahat ay napatingin.

“Gaile!”  Newt? Nakangiti siyang nagtatakbo kay Gaile at kinuha ang kamay nito. Napataas agad ako ng kilay. Pero ang kinagulat ko ang pagsunod pa ng iba tao kay Newt. Napapikit pa ako at binuksan ang mata ko makumpirma lang kung totoo ang nakikita ko.

Napalunok ako nang bumungad ang ngiti niya sa akin. At talagang nasa akin lang ang tingin niya. “Benj,” I mumbled. Tinusok naman ako bigla ni Lucy at tinaasan ako ng kilay. Umiling lang ako sa kanya at nilagay ang tingin ko kay Benj. Pero biglang natuon kay Newt.

“My baby sister wants something. Ayaw niya ng design ni Ericka na dresses,” napakamot ng batok si Newt sa sinabi niya. Woo, another side of a Newt Bon. “Ayaw niya. So can you help us?” tumingin naman si Newt sa ibang kapatid niya na si Van at Henrik. Nakatitig si Newt kay Gaile. Gaile lips parted.

Bigla namang may  kumalabit sa akin at si Lucy iyon. Ngumunguso siya sa direksyon ni Gaile. Napailing na lang ako.

“Uh…sure,” ani Gaile. Napayakap naman agad si Newt kay Gaile.

“Kuya!” natuon ang atensyon namin sa batang babae na nakahawak ng mahigpit sa hita ni Newt. Lumapit sina Van at Henrik kay Newt at may binulong. Napatango siya at biglang umalis ang dalawa.

The girl is glaring at Gaile. Napaatras naman si Gaile at napahawak ako sa balikat niya kasi muntik na itong matumba. “What did I do?” she whispered at me.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon