02: Hi Mr. Tahimik!

243 28 23
                                    

I

Nagumpisa sa salitang tayo

Madaling salita, ikaw at ako.

Inakalang buhay ay magbabago

Pero bakit sa salitang pag-ibig nabuo.

II

Akala ko ikaw ang nagmahal

Akala ko ako ang minahal

Pero, tila lahat ay nauwi sa akala

Akala, Hanggang tuluyang wala na.

III

Saan Paano, Bakit at Sino

Bakit ko ba kailangang gawin to?

Saan nga ba ako tutungo?

Paano nangyari at

Sino ang nabigo?

AKO.


"Grabe sissy, Para kanino ba to?" nakakunot na tanong ni Hailey pagkatapos basahin ang tulang ginawa ko, remember yung bestfriend ko na kachat ko nung 1st day.






Nandito siya ngayon nakaupo sa tabi ko. Well, 3 days later since first day of school. Grabe talaga ang memorable ng 1st day ko, pinagalitan ako ng teacher. Tas ayan, Ayang tulang yan ang assignment sa Filipino. Buti nalang medj marunong ako.






"Tss, Btw, Ano nang meron sa inyo ng Jeremy na yun? Di naman pala gwapo nakita ko kahapon."







WOW HAH! Kala mo naman gwapo ang jowa niya. Yess may jowa siya, I don't know kung ano ang pangalan basta pangit, FOR ME.. Reallyy! Di ko trip.








"Tsk, Porket may jowa ka ginaganyan mo ko, Hmm Take note lahat nagbebreak."







"Tss atleast kung magbreak man kami, May kami diba! Hayz."







Kaya minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ko naging kaibigan to eh. Nakakadagdag pa sa bad vibes. Nandito kami ngayon sa School and that time Break namin. Ayun pumunta siya dito at nagkausap kami habang kumakain, pasalamat siya may maganda siyang bestfriend at nandito katabi niya. Yung isa ko pang bestfriend na taga ibang section, mukhang may ibang friends na rin. Buti pa to si Hailey hehe.








"Psst, Ayan ba yung Jeremy?" bulong niya sakin habang patuloy na kumakain. Dumaan kasi si Mister, at yun napansin niya. Nasa harapan kasi kami ng room, nagtapon ng basura si Kuya.






"Nabobother ako pag nandyan siya, ano bang tawag dun?" bulong ko kay Hailey.






"Pre Gusto mo! Gusto mo siya okay!"







"Ang lakas ng boses mo haup!" tinakpan ko ang bibig niya. Ang ingay eh, ang lakas pa sumigaw.






Napatingin si Jeremy samin. Kumunot naman ang noo ko ng nakita ko siya na bumalik sa nadaanan niya kanina at dumaan sa isang pinto. Napansin siguro kami ni Hailey. Medj may pagkalutang rin kasi eh, like Hailey.






Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMWhere stories live. Discover now