Beat ♥ 41: Basta Sa Akin Lang

4.7K 111 6
                                    

Beat41: Basta Sa Akin Lang

 

*Reina

Pagbubuksan dapat ulit ako ng pintuan ni Justin subalit hinawakan ko siya sa braso.

      Palabas na siya ng kotse, nakatapak na sa lupa ang kaliwang paa niya at nakahawak ang kamay sa door handle. He looked at me questioningly. “Ako na,” sabi ko sa kanya nang nakangiti. He opened his mouth to say something but I cut him off by opening the door by myself.

       I stepped out of the car and closed the door again. He did the same. Ayoko na kasing abalahin pa siya para sa simpleng pagbubukas ng pinto. I know. He’s being a gentleman but he doesn’t need to prove it me further. I knew him well. Tumingin ako sa bahay. Napangiti ako noong nakita kong mukhang tulog pa sina Ate Steff at Kyle. After all, it’s still quarter to six in the morning at mamaya pang eleven ang pasok ko.

      “Dapat ako na ang pinagbukas mo,” Justin said, walking towards me and plunging his hands into his pants’ front pockets.

       Umiling ako habang nakangiti. “Nope. It’s okay. Alam ko namang gentleman ka talaga,” I teased.

       “It’s not that,” sabi ni Justin at kinamot ang noo. “It’s just... it doesn’t seem right. At saka, gusto talaga kitang pagsilbihan.”

       My cheeks flushed. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. I pinched both of his cheeks, shaking his head gently like what I always did to my younger brother. “Ikaw naman. Opening the door for me and pulling my seat before I sit are just small acts, but I appreciate them all. I know you’re being a gentleman, pero kaya ko naman sa sarili ko. Ayoko nang abalahin ka pa sa maliliit na bagay.”

      When I put my hands down, he didn’t smile at napakamot nalang sa leeg niya. “Pero masaya kasi ako, Reina. I know those are just small acts, but I enjoy doing them. Because they’re all for you.”

       Lalong uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Umiwas nalang ako ng tingin, hinimas ang kaliwang braso ko at saka napalunok. I saw him put his hand down at muling ibinalik iyon sa bulsa ng pantalon niya. “You’re blushing,” he said while giving me a playful smile.

       “Uy, h-hindi, ah.” Saglit akong tumingin sa kanya pero inalis ko rin agad ‘yon. Nahihiya kasi ako. Nagpatuloy sa pagngiti si Justin habang nakatingin sa’kin. My cheeks felt hotter at hindi nalang ‘yon dahil sa sinabi niya kanina kundi dahil na din sa embarrassment. I frowned at him. “Huwag mo nga akong ngitian ng ganyan!”

        “Bakit?” he asked innocently but he couldn’t hide his amusement. Feeling ko para ngang natatawa na siya, e.

      Humalukipkip ako sa harapan niya. “Pinagti-trip-an mo ko, e.”

      Idinampi niya ‘yung likod ng kamay niya sa bibig niya like he was holding back his laughter. Lalo naman akong sumimangot at hindi pa rin humuhupa ‘yung pamumula ng mukha ko. “Justin!” I pushed his shoulder. At doon na nga siya tumawa.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon