Beat ♥ 11: He Knew The Truth

7.9K 170 29
                                    

Beat 11: He Knew The Truth

*Justin’s POV

“H-Hindi. Bakit mo naman nasabi? Nauntog lang talaga ako sa pintuan kagabi. Sige, papasok na ko.”

     Ibinaba ni Reina ‘yung basura doon sa may poste. Tumalikod siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nanatili akong nakatingin doon pintuan ng bahay nila. Nauntog sa pintuan? Kanina lang doon sa may cafe ay wala naman ‘yung pasa na ‘yon sa may gilid ng bibig niya.

     Dati, noong nasa condo kami ni Kevin, may napansin akong pasa sa braso niya. Sabi niya ay nahulog lang siya sa hagdan. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang iba ang dahilan noon.

     Hindi nga kaya sinasaktan siya ng Papa niya? Pero bakit ayaw niyang sabihin? Nagbuntung-hininga na lamang ako at saka bumalik doon sa kotse ko.


***

Reina

 

“Bal.” Tumingin ako kay Lezah.  Nakita ko ‘yung pag-aalala sa mga mata niya. “Sinaktan ka na naman ba niya?”

     Nandito kami ngayon kwarto niya. May kaya ang pamilya ni Lezah. Ilang beses na rin niya kaming tinulungan ng kapatid ko lalo na sa mga bayarin sa eskwelahan. Ang laki na rin ng utang na loob ko sa best friend ko.

     Yumuko ako at tumango. Narinig ko ‘yung malalim na paghinga niya. “Bal naman! Bakit ba kasi ayaw mo pang ireklamo ‘yung Papa mo? Child abuse ‘yan!”

    “Alam mo naman kung bakit. ‘di ba? Para kay Mama itong ginagawa ko.”

     Muli siyang nagbuntung-hininga at hindi na nakipagtalo pa. “Bal, may Band-Aid ka ba?”

     Tumayo siya at pumunta doon sa drawer. “Huwag na ‘yon ang ilagay mo.” Bumalik siya at muling umupo sa kama. Ibinigay niya sa akin ‘yung isang maliit na plastic container. “Ito na lang. BB Cream.”

     Kinuha ko ‘yon at napatingin sa kanya. “Sigurado ka? Mahal ‘to.”

     “Okay lang, sa’yo nalang.”

     “Thank you talaga, Bal, ah?” sabi ko habang nakangiti ng manipis sa kanya.

     “Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan! Baka maiyak pa ko e,” sabi niya at saka ngumuso. Tumawa ako dahil sa reaction niya. Tumayo ako at humarap doon sa salamin sa may kwarto niya.

     Binuksan ko ‘yung container ng BB Cream at ipinahid ‘yung cream doon sa pasa ko. Ilang pahid lang noon ay hindi mo na mahahalatang may pasa ako doon sa gilid ng bibig ko. Ngumiti ako.

     “Sis?” Bumukas ‘yung pinto. Pumasok si Kuya Lyndon sa loob ng kwarto na may dalang tray. “Sabi ni Mama ibigay ko raw sa inyo.”

     “Naku, nag-abala pa ang matanda,” matabang na pahayag ni Lezah.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon