Beat ♥ 39: Happiness

5K 139 27
                                    

Beat 39: Happiness

 

*Reina

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Justin.

     Bumaba ako sa kotse niya. “Thank you sa paghahatid sa’kin,” I said habang isinasara ni Justin ‘yung pintuan. Humakbang ako palapit sa kanya. I touched the small bruise under his eye. My face plastered with worry. “Okay ka na ba talaga? Gusto mong lagyan ko ng gamot ‘yan?”

      Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. He kissed my fingertips. “Hindi na. May gamot naman ako sa condo.”

      I smiled at him. Nakita kong mas lumapad ang ngiti sa mga labi niya at napayuko siya. “Bakit?” natatawang tanong ko.

      Umiling siya at muling tumingin sa’kin. “Wala.”

     “Bakit nga?” pilit ko sa kanya habang nakangiti ako at binangga ng kaunti ang balikat niya. Nanatiling magkahawak ang mga kamay namin. Natatawa ko sa reaction niya kasi ang laki ng ngiti niya na para bang may magandang nangyari.

      He shook his head and put his index finger between his eyes for a second, trying to form out words. Tuimitig siya sa’kin habang nakangiti pa rin. “Gusto ko kasing nakikita kang nakangiti. Nagagandahan ako sa’yo.”

      Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Nahiya ako sa sinabi niya pero I tried to smile and to look at him straight in the eyes. “Ikaw din naman. Gusto ko kapag ngumingiti ka.”

       “Talaga?” he asked, smiling. Tumango ako. “Bakit?”

       Hinawakan ko ng dalawang kamay ang kamay niya at itinaas hanggang dibdib. I played with his soft hand as I said, “Lalo kasi akong nai-in love sa’yo.”

      Nakita kong namula ‘yung mga tainga niya and I also saw that faint blush forming on his cheeks. Tumawa ako dahil sa nakita ko. Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya. “Kinikilig si Justin ko,” bulong ko sa tainga niya habang mahinang tumatawa.

       Justin chuckled. He put his hands on my waist and pulled me closer. “Justin ko?” sabi niya.

      “Ayaw mo ba?” natatawang saad ko.

      Tumingin siya sa’kin. “Syempre, gusto.” Hinalikan niya ko sa noo. “Sa’yo lang ako habambuhay. Pagmamay-ari mo na ko, Reina.”

      Tumitibok ng malakas ang puso ko pero kalmado lang ang pakiramdam ko. Umaapaw sa kasiyahan ang puso ko dahil parang batas ang pagkakasabing iyon ni Justin. Na kahit ilan pang babae ang magtangkang agawin siya sa akin ay ako parin ang nagmamay-ari sa kanya. Ako at wala nang iba.

     Noong humiwalay na kami mula sa pagkakayakap sa isa’t isa ay hinawakan niya ang parehong kamay ko. “Um-attend ka sa big dome concert namin sa Friday ng gabi, ah? Mas mapapalagay ako kapag nandoon ka.”

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon