Beat ♥ 29: Witness

6.2K 145 26
                                    

Thank you po sa pag-appreciate dun sa last chapter! Nakakatuwa at nagustuhan niyo siya. Haha. ^__^ Anyway, baka puchu-puchu lang po itong update na 'to. Walang masyadong happenings. Pagpasensyahan na. Haha. God bless.

-------------------------

Beat 29: Witness

 

*Reina

 

“Ate?”

      Bigla kaming lumayo ni Justin sa isa’t isa. Kanina lang ay magkadikit pa rin ang mga noo namin. Pero noong marinig namin ‘yung boses na tumawag sa akin ay awtomatiko kaming lumayo sa isa’t isa.

     “K-Kyle.” Kinabahan ako. Nandoon siya sa may pintuan, nakahawak sa knob at kalahati lamang ng katawan ang kita mula sa nakabukas na pintuan. Nakita kaya nung kapatid ko ‘yung... ‘yung... kiss?

     Hindi ko maiwasang mamula tuwing naiisip ko ‘yung ginawa ni Justin kanina.

      Hinalikan ako ni Justin. Totoo ba? Totoo bang ginawa niya ang bagay na ‘yon? Kung ganun... siya ang first kiss ko?

     “Bakit magkadikit ‘yung noo niyo, ate, kuya?” Nagpabalik-balik ‘yung tingin ni Kyle sa aming dalawa. Ako naman ‘tong hindi makakibo, pero buti nalang at sumagot na si Justin.

     “Kasi Kyle,” pagdadahilan ni Justin at saka napahawak sa batok niya, “paano ko ba sasabihin ‘to?” At pagkatapos ay tumawa siya.

     Lumapit sa amin ‘yung kapatid ko na nakasuot pa rin ng kulay green na pantulog. Tumingala siya at tumingin sa aming dalawa. “Ate, kuya,” sabi ni Kyle, “kayo na ba?”

     Automatic namang bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Nag-iinit na naman ‘yung mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. “Kyle. K-Kasi, ano...” Hindi ko maituloy!

     Yumuko si Justin at saka tinapik-tapik ‘yung ulo ng kapatid ko. Ngumiti siya dito. “Ang totoo niyan kasi, Kyle... nanliligaw ako sa ate mo.”

     “Nanlilgaw?” inosenteng tanong ni Kyle.

     Tumango si Justin. “Oo. Okay lang ba?”

     Lumakad ako papunta sa tabi ni Justin. Hinawakan ko siya ng magaan sa braso kasi kinakabahan ako sa sinabi niya. Baka nabiglang masyado ‘yung kapatid ko.

     Ngumiti ng malaki si Kyle, tumango at sinabing, “Bagay kayo, kuya. Kailan kayo ikakasal?”

     Nanlaki ang mga mata ko. Si Justin din ay nakita kong nagulat bago siya tuluyang tumawa. Tumingin siya sakin habang nakangiti. “Kailan daw ba kasal?”

     Namula ako at saka hinampas siya ng mahina sa braso. “Justin naman.”

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon