Beat ♥ 05: A Piece Of Her Misery

9.5K 182 21
                                    

Beat 05: A Piece Of Her Misery

*Reina’s POV

     St. Palma's Hospital. 9:13 PM.

     “Um, thank you sa paghahatid sakin Justin. Ingat ka sa pag-uwi,” sabi ko at saka yumuko sa kanya. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse ng bigla akong hawakan ni Justin sa braso.

     Napalingon ako sa kanya.

     “Teka, pagbubuksan na kita Reina,” offer nya.

     *blush*

     “N-Naku wag na hehe. Baka pagkaguluhan ka pa sa labas.” Oo, baka mamaya maging issue pa kami ni Justin at masira pa yung career nya dahil sakin. Ayoko nun. Iiyak talaga ko ng sobra pag nagkataon. >.<

     “Ah sige. Ingat ka ah. Good night,” sabi nya at saka ngumiti.

     Lalo namang nag-init yung mukha ko noong sinabi nya yon. Nakakatunaw talaga yung mga titig at ngiti ni Justin. Ewan ko ba, pero parang... sobrang Dream Come True itong nangyari sakin ngayong gabi.

     *kring kring kring*

     Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa pagtunog ng cellphone ko. “Ah sige, ikaw din. Ingat. G-Goodnight.” Nagmamadali akong lumabas mula sa sasakyan niya. Tumakbo ako sa loob ng ospital.

     Ang init init ng mukha ko!!! >///<

     Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag.

     Calling...

     Dr. Sy

     “Hello po?”

     [Reina! Nasan ka ngayon?] Dr. Sy

     “N-Nasa lobby na po ng hospital. Bakit po Doc?”

     [May emergency. Nag-cardiac arrest ang pasyente. Nasa ER sya ngayon--] Dr. Sy

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon