Beat ♥ 38: A Fight For The Sake Of Love

5.5K 144 21
                                    

Beat38: A Fight For The Sake Of Love

 

*Reina

Tanghali na noong pumasok ako sa eskwelahan.

    Ayoko kasing maka-encounter nang masyadong maraming tao. Lalo na ngayon at mainit na naman ang dugo sa akin ng fans ni Justin dahil doon sa video. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Bakit patuloy pang nadadagdagan ‘yung mga problema?

     Doon ako dumaan sa back gate para hindi ako masyadong mapansin. Pagpasok ko ng building namin ay nakayuko akong lumakad papunta sa classroom. Pero bago pa ko makaabot doon ay may nakita akong kumpulan ng mga estudyante. Ano kayang meron dun?

      Lumapit ako sa kanila at pilit na nakisingit. Noong malapit na ko sa harapan ay bigla akong nakarinig ng isang malakas na sigaw. “Tumabi kayo!” Nagulat ako noong itulak ni Lezah ‘yung dalawang babae palayo sa kuya niya, kay Kuya Lyn.

      “Hindi ba ang sabi ko, tantanan niyo na siya?!” sigaw niyang muli.

      “Huwag kang magalit sa amin dahil may karapatan kaming magalit sa kanya!” Itinuro nung isang babae si Kuya Lyn. “Ayaw niyang tigilan si Justin!”

      “Umalis na nga kayo!” inis na sigaw ni Lezah. “Alis!”

     Binigyan siya nang isang masamang tingin nung babae at saka hinila ‘yung kasama niya paalis. Huminga ng malalim si Lezah at humarap sa kuya niya. Pansin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya subalit walang ni isang nagtangkang tumulo sa mga iyon. Kumunot ang noo niya kay Kuya Lyn at ganoon na lamang ang gulat ko noong sampalin niya ng malakas ang kuya niya.

     I heard gasps around me. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw o kaya’y makapagsalita nang dahil sa gulat. “Kuntento ka na ba? Ha?!” sigaw ni Lezah sa kuya niya. May tumulong luha mula sa mata niya. “Masaya ka na?”

      Nanatiling nakaharap ang mukha ni Kuya Lyn sa kanan, kung saan bumiling ang mukha niya noong sampalin siya ni Lezah. Maya-maya lamang ay gumalaw siya ngunit nanatiling nakayuko. Hindi siya nagsasalita at napansin ko din ang kulay brown na mantsa sa damit niya. Para iyong tsokolate o kaya kape.

      “Itigil mo na ‘tong kabaliwan mo, kuya!” Itinulak siya ni Lezah. Napaatras siya ng kaunti dahil sa pwersa. “Mukha ka nang tanga!” Marahas na pinunasan ni Lezah ang luha sa pisngi niya. Tumalikod siya kay Kuya Lyn at saka tumakbo palayo sa kanya.

       Tumungo si Lezah sa direksyon ko at nagkatitigan kaming dalawa. “Bal.” Iyon lamang ang kaya kong sabihin noong oras na ‘yon. Kinagat niya ang ibabang labi niya at umiwas lamang ng tingin. Tumakbo siya palayo sa akin ng hindi man lang ako kinakausap.

      Bumalik ang tingin ko kay Kuya Lyn. Nakayuko parin siya, tulala at nakasarado ang mga kamay sa magkabilang gilid ng katawan. Hindi ko magawang lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang alam ko ay kailangan kong sundan ang best friend ko. Tumalikod ako at tumakbo para sundan si Lezah. Sinubukan kong puntahan ‘yung classroom namin pero wala siya. Pumunta ako sa canteen ngunit wala rin siya doon.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon