Beat ♥ 37: Tayong Dalawa Lamang

4.9K 157 32
                                    

Beat37: Tayong Dalawa Lamang

 

*Reina

 

‘Bal, may bagong issue na naman kayo ni Justin. Tingnan mo sa blog nung paparazzi.’

 

     Ang mga salitang iyan ni Lezah ang nagtulak sa aking pumunta ngayon sa computer shop. Binuksan ko ‘yung browser at pinuntahan agad ‘yung blog nung paparazzi na nagkalat ng pictures namin ni Justin.

      At kahit na hindi naglo-load palang ‘yung video ay alam ko na agad kung ano ang laman noon. Halos mahulog ang puso ko. Paanong napunta sa kanya ‘yung video namin ni Justin? Siya ba ‘yung kumuha ng cellphone ko mula kay Djanica? At sa ibaba nung video na ‘yon ay ang picture naming dalawa ni Justin, ‘yung picture na kuha mula sa kitchen ng condo unit niya at ang mismong wallpaper ng cellphone ko.

     Pinaandar ko ‘yung video hanggang ten seconds pero pagkatapos noon ay agad ko rin iyong pinatay. Hindi ko kayang panoorin, ngayon pang alam ko na pinagpi-piyestahan na ng buong mundo ‘yung pribadong pagkakataon namin na ‘yon ni Justin. Nagbukas ako ng Facebook. Nagbuntung-hininga ako noong makita ko na puro hate messages ang naka-post sa wall ko. Lalo naman sa inbox ko.

      Agad din akong nag-log out at tumayo na mula sa upuan. Nag-abot ako ng bente doon sa babaeng namamahala ng computer shop. Hindi ko na hinintay pa ‘yung sukli ko at tuluy-tuloy na kong lumabas sa lugar na ‘yon.

      Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lalo lang lalala ‘yung issue dahil sa paglabas ng video na ‘yon. Siguro, may mga taong hindi galit kay Justin dahil sa nangyari, pero hindi maipagkakaila na may mga taong dismayado dahil sa kanya. And there are also people who are not mad, yet they won’t look at him the same way again.

     Ganoon sa showbiz. Madaling magbago ang tingin ng tao sa’yo.

      Pag-uwi ko ng bahay, inabutan kong tulog si Kyle sa sofa. Lumuhod ako sa sahig at inalis ang ilang hibla ng buhok sa noo niya. “Pasensya na, Kyle,” sabi ko. “Pasensya na kung walang magawa si ate. Hindi ko alam kung paano kita ipagtatanggol sa mga mang-aapi sa’yo kung ‘yung sarili ko ay hindi ko magawang ipagtanggol.”

      Alam kong kasalukuyan nang umiinit ang bagong issue na ‘to. Maaaring bukas na bukas din ay nasa dyaryo, radyo at telebisyon na ‘yung video na ‘yon. Huminga ako ng malalim at pinigil ang mga luhang nais pumatak mula sa mga mata ko.

      Ding dong.

 

     Napalingon ako doon sa may pintuan. Tumayo ako para pagbuksan ‘yung nagdo-doorbell. At pagbukas na pagbukas ko pa lamang nung pinto ay napanganga ako dahil sa gulat. Nakatayo sa harapan ko ngayon si Justin at hindi ko maipinta ang reaksyon sa mukha niya. Nakakunot ang noo niya, malalim ang mga mata at parang may matinding problema na iniinda.

      “Justin,” banggit ko sa pangalan niya.

      Tinitigan niya ko na para bang gusto na niyang umiyak. Imbis na magsalita, humakbang siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw dahil sa labis na pagkagulat. Napahawak na lang ako sa likuran niya habang nakayuko ang ulo niya sa gilid ng mukha ko.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon