Beat ♥ 21: Alam Ko

6.4K 150 17
                                    

Beat 21: Alam Ko

 

*Reina

“Swimming!” sigaw ni Ate Steff habang nakataas ang isang kamay sa ere.

      “Sugod!” Tumawa ako noong biglang buhatin ni Kuya Kevin si Ate Steff at tumakbo ng mabilis papunta sa dagat.

      “BABE ANO BA–AH!” Tumili si Ate Steff noong tumalon si Kuya Kevin sa dagat kaya pareho silang tumumba at lumubog sa tubig.

      Tumatawa si Ate Luna sa tabi ko. “Haha! Kaloko talaga ni Kevin!”

      “Hindi ka pa ba, ate, magsu-swimming?” tanong ko sa kanya.

      Tumingin siya sa akin at umiling habang nakangiti pa rin. “Hindi, mamaya na. Tinatamad pa ko. Hihi.”

      “Honey ko.”

      Napatingin kami ni Ate Luna kay Kuya Jessie na nakaluhod sa harapan niya at nakatalikod. Nagtanong si Ate Luna. “Bakit nakaluhod–AH!” Nagulat ako noong tumayo si Kuya Jessie at biglang pinasan si Ate Luna!

     “Jessie! Ibaba mo ko!” angal niya habang patuloy sa pagtakbo si Kuya Jessie papunta sa dagat.

     “Heto na!” Kasabay ng paglusong ni Kuya Jessie sa tubig ang pagbuwal nilang dalawa at ang nakatutulig na tili ni Ate Luna. Tumawa ako dahil sa kakulitan nila. Nakita ko naman sina Sarah at Rio na tumatakbong magkahawak ang mga kamay habang papunta sa dagat.

     “Hindi ka pa ba magsu-swimming?”

      Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko ngayon. “Hindi pa siguro.”

      “Ang kukulit nila,” natatawang sabi ni Justin habang nakatingin sa mga kabarkada niyang nagtatampisaw sa tubig.

      Ngumiti ako at muling tumingin sa kanila. “Oo nga e. Nakakatuwa silang tingnan.” Inilagay ko ‘yung ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. Nakita ko si Kyle na nakasuot ng salbabida at nilalaru-laro ni Kuya Kevin.

     “Tara,” pag-aaya sa akin ni Justin. “Lapit tayo sa kanila.”

      Tumango ako. Lumakad kami ni Justin papunta doon sa may pampang. Medyo malapit na kami sa tubig noong bigla kong maramdamang umangat ang buong katawan ko. “Justin!” sigaw ko sa pangalan niya habang buhat niya ko sa dalawang braso niya. Napakapit ako sa batok niya noong tumakbo siya at tumalon papunta sa tubig.

      Nakaramdam ako ng ginaw. Ang lamig ng tubig! At noong tumalon si Justin sa dagat ay napabitaw ako sa kanya. Noong makatayo na ako ay lumapit ako sa kanya at hinampas siya sa braso. “Justin naman!” >.< Hinagod ko ‘yung kamay ko sa mukha ko para maalis ‘yung ibang tubig.

     “Haha, sorry, Reina. Hindi ko na napigilan e.” Ngumiti siya sakin at saka nag-peace sign.

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon