Beat ♥ 10: Fragile

8.1K 156 21
                                    

Dedicated sa kapwa ko author at Novo Ecijano na si PsychedelicDistress! :3 Guys, mapa-publish na rin 'yung story niya under Bookware. Support natin 'yung magandang babaeng ito! Haha. Hart. Hart. <3

Beat 10: Fragile

*Reina’s POV

“Thank you for coming,” sabi ko doon sa huling dalawang customer.

     Agad kong nilinis ‘yung table kung saan sila kumain. Pumunta ako ng kitchen at hinugasan ‘yung mga platito at baso nila. Nauna na kasing umuwi ‘yung dishwasher kaya ako ngayon ‘yung gumagawa ng trabaho niya. May emergency daw kasi. “Reina?”

     “Po?” sagot ko doon sa manager.

     “Pagkatapos mo dyan, you can go,” nakangiti niyang pahayag sa akin.

     Nag-bow ako ng kaunti. “Opo, thank you po.”

     “See you on Friday. Sa Saturday ang sweldo mo.” Umalis na siya. Baka bumalik sa office niya kasi siya ‘yung magsasarado nitong cafe. Per week ang sweldo ko dito. May kalakihan din iyon dahil marami akong trabahong ginagawa dito.

     Ipinahid ko ‘yung mga kamay ko doon sa suot kong apron noong matapos akong maghugas ng pinggan. Pumunta ako sa locker room at inalis ‘yung apron. Kinuha ko agad ‘yung bag ko, ‘yung mga libro at si Nini.

     Dumaan ako sa isang karinderya. Mag-a-alas otso palang naman ng gabi dahil maagang nagsarado ‘yung cafe. Dapat sana ay hanggang 9 PM ako doon. Ibinili ko ng hapunan ‘yung kapatid ko. Baka kasi hindi pa siya kumakain.

     Sumakay ako ng jeep para mabilis akong makauwi. Bumaba ako sa kanto at nilakad nalang ‘yung kalsada papunta sa bahay namin. Kinuha ko ‘yung susi at binuksan ‘yung pinto ng bahay. Binuksan ko ‘yung ilaw. Nakita ko ‘yung kapatid ko na natutulog doon sa sofa.

     Ibinaba ko ‘yung mga dala ko doon sa kabilang sofa. Ngumiti ako at lumuhod sa tabi ni Kyle. “Kyle?” mahinang sabi ko at hinagod ‘yung buhok niya sa noo. “Kyle?”

     Gumalaw siya at unti-unting dumilat. “Ate?”

     “May dala akong pagkain. Gusto mo nang kumain?”

     Kinusot niya ‘yung isang mata niya at saka tumango. Tinulungan ko siyang tumayo. Pumunta kami ng kitchen at inilagay ko na sa plato niya ang kanin at isang piraso ng fried chicken. “Ikaw, ate?” tanong niya sa akin.

    “Kumain na ko,” sagot ko naman. Mabait ‘yung manager doon sa cafe. Binigyan niya ko ng isang slice ng cake. “Si Papa?”

     “Wala akong pakialam doon,” sabi niya ng nakasimangot at nagsimula nang kumain.

     “Kyle naman. Wala ka bang ginawang kapilyuhan habang nandito kaninang umaga si Papa?”

Another Heartbeat ♫ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon