Love Affair no. 32

76.1K 1.4K 155
                                    

After 4 years

Naalimpungatan ako dahil nararamdaman kong may kumikiliti sa paa ko. Antok na antok pa ako kaya hindi ko ito pinansin. Nilagay ko lang ang unan pantakip sa ulo ko at nagtalukbong ng kumot.

Akala ko ay titigal na sya ngunit napabalikwas ako ng maramdaman kong kiniliti nya ako sa may tagiliran ko.

Binato ko ito ng unan at sinamaan ng tingin. Ayoko talaga sa lahat ay pag iniistorbo ang tulog ko! Tatawa tawa lang ito habang nakatayo sa may paanan ng kama.

"Good Morning. Agang aga nakasimangot ka na agad. Wag ganun. Mas nagiging kamukha mo si Godzilla. Lalo na ngayon. Tingnan mo oh! Nanlalaki 'yang butas ng ilong mo." Humahalakhak na sabi nya habang tinuturo ang ilong ko.

Sinamaan ko lang ito ng tingin at tiniklop ang kumot na ginamit ko. Hindi pa din ito natigil sa pagtawa.

Hindi ba nya alam ang kasabihan na Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising?

Pagkatapos kong ayusin ang kama ay naglakad na ako palabas ng kwarto. Nilampsan ko ito ngunit nang ginawa ko iyon ay inakbayan nya ako at sumabay na sya sa akin paglalakad.

"Magandang Umaga Ate." Lumapit sa akin si Biboy at inalalayan ako paupo. Hinainan ako nito ng pandesal at peanut butter. Nawala ang inis ko ng makitang may nakatimpla na palang kape para sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Kahit na binata na ito ay hindi pa din nagbabago ang pakikitungo ni Biboy sa akin. Palagi pa din itong sweet at napaka maalaga.

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Iniluwa nito sa Aldwin na nakasuot ng jersey at pawis na pawis ito. Kakatapos lang sigurong mag basketball.

Patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Yuck! Kadira ka Aldwin. Magpalit ka nga ng damit mo. Ano ba?! Ang lagkit lagkit mo!" Sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap nya. Tumawa naman ang tatlo sa naging reaksyon ko.

"Si Ate talaga. Kahit kelan KJ. Naglalambing lang e." Natatawang sabi ni Aldwin. Tinanggal na nito ang pagkakayakap sa akin. Pumunta ito sa Fridge at kumuha ng malamig na tubig.

Kahit ganito kakukulit ang mga kapatid ko ay mahal na mahal ko ang mga ito. Walang pagbabago. Si Biboy ay Grade 8 na samantalang si Aldwin naman ay 3rd year college na. Mas matangkad na nga si Aldwin sa akin at napaka matured na ng mukha nya. Dati ay kinwento nya sa akin na madami daw nagkakagusto sa kanya sa school. Minsan ay nakikita ko nga syang nakikita na binabasang mga makukulay na papel. Pag tingin ko kung ano iyo ay nanlaki ang mga mata ko dahil mga love letter pala iyon ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Si Biboy naman ay escort ng kanilang klase ngayong taon. Ayaw na ayaw nya talaga kaya lang ay pinilit sya ng mga kaklase nya kaya sa huli ay pumayag na din sya.

Parehas na matalino ang mga kapatid ko kaya proud na proud ako sa kanila. Kahit na puros kalokohan ang alam ng mga ito ay pagdating naman sa pag aaral ay talagang nagseseryoso sila.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon