Chapter 44: Questions and Answers

191K 1.4K 210
                                    

SETH'S POV

"'Wag mong titigan, baka matunaw yan." tukso ni Nico.

I answer him with a sigh. I can't take my eyes off her. Kampante itong nakaupo sa bench sa ilalim ng puno ng mangga.

"What's your plan? Hindi kita maintindihan. Ang gulo mo eh." he's starting to get pissed about this whole stalking-Haley thingy.

"Wala akong binabalak." And my eyes were on her again.

"Ano?! Eh ano pang silbi ng paglipat mo sa school na'to? 'Di ba sabi mo, matagal mo siyang hinanap?" his eyes widened in disbelief.

"Things changed. Hindi pala ganun kadali. She's with someone now."

Naiiling ito. "Alam mo pre, kung ganyan kaganda ang babae hindi pwedeng hindi magkakaboyfriend yan. Eh wala pa ngang isang bwan nung magbreak sila ni Vince, may boyfriend na agad eh. Syempre marami nag aantay dyan at umaasa kung kelan sila magiging single. Ikaw kasi ang bagal mo eh. Naunahan ka tuloy ni Russell. Pero hindi pa naman sila kasal di ba, so may pag asa ka pa."

" They're married."

"Ano? Kasal na sila ni Russell? Kelan? At pa'no mo naman nalaman?" that's what I thought. Hindi niya alam na kasal na ang dalawa.

"I gave her a ride home one time, and I saw the guy, they're living together. So I asked one my classmates na close kay Haley. They're married. Nung nawala siya ng ilang araw, I thought they were just teasing her that she's returned from her honeymoon. Totoo pala kasi ikinasal na sila."

I know he's watching me quietly. He knows how I feel about Haley. Alam ko rin na naawa na siya sa akin.

"Talaga? Hindi ko alam yun ah. Alam na kaya ni Vince? Wala siyang nababanggit sa'kin. 'Di ba nakita pa nga natin sila ni Vince na magkasama last time?" tila naguguluhang sabi ni Nico.

"Pero kung ganun na nga, wala ka na tlagang pag asa." I know it's a joke.

He would never tease me. Alam niya ang pinag dadaanan ko, especially when I found out that Haley and Russell are now married. I almost lost my way again. Kung hindi lang dahil kay Haley, hindi na ako papasok.

I looked down and saw Russell coming. And they kissed. It lasted longer that we expected.

"Pare, masochista ka rin noh. Pa'no mo natatagalan na tingnan sila nang ganyan."

"I don't know. I don't care if I see them kiss. I'm not even looking at the way the kiss..." I stopped and looked at her face.

"I just wanna see her smile. I just wanted to see her happy. I'm happy that she's happy with him."

Naiiling na lang si Nico. "Alam mo , puro happy lang ang naintindihan ko sa mga sinabi mo."

We both laughed. And Haley looked up. She must have heard us.

"Nakita tayo pre." he partially hid himself.

So I stood up. "Lipat tayo dun."

We went to the other side of the building. We were hidden but we can still see them.

"Manligaw ka na lang ng iba. Ang daming nagkakagusto sa'yo."

"I don't like them." I almost snapped.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon