Season 2?

2.2K 106 42
                                    


Before anything else, nais muna kitang pasalamatan, oo ikaw na nagbabasa nito, dahil tinapos mo ang kwento kong puro katarantaduhan. Salamat dahil binigyan mo kami nila Soso at Blaise ng pagkakataon na maging bahagi ng buhay mo.

Sa'yo naman na nagbasa ng kwentong ito noong 2017, noong mga panahon na masigasig pa akong nag-uupdate, patawad sa bigla kong pagkawala. Patawad sa pag-iwan ko sa inyo sa ere. Wala eh, busy ako sa life.

Ikaw naman na minsan nang nag-iwan ng komento o palaging nagkokomento sa mga kabanata, salamat dahil pinalakas niyo ang loob ko sanhi upang magbalik ako at ituloy, tapusin ang kwentong ito. Sa mga nagbigay ng negative feedback, gaga kayo. Di kayo mahal ng mama niyo. Charos. I just wanna say salamat sa tapat niyong opinyon.

Mahal ko kayong lahat mga gago kayo. Super. Dinamayan niyo ako sa kalokohang ito. Tumawa kayo kasama ko. Sana ay natupad ko ang nag-iisang hangarin ko sa pagbuo ng kwentong ito. Iyon ay ang biglang galak ang puso niyo kahit isang sandali lang, kahit isang gabi lang. Pahiram ng asawa mo...

Sos.

Sana mamiss niyo ko. Paalam na muna ang drama ko eh. May kailangan lang akong i-achieve sa buhay ko, ang ipasa ang CPA Board Exam. Support niyo ako with your prayers ah? I will really appreciate that. Malay niyo pag naachieve ko na yon, bumalik ako dito at gumawa pa ng ibang kwento...

That being said, nasagot ko na ang tanong sa titulo ng "chapter" na to. Walang Season 2 ate gurl. Dito na natatapos ang kwento ni Crisostomo at Blaise. No more kagagahan.

But, the good news is, I'm planning to make two to three special chapters para lang you'll have at least a glimpse of what happened in between chapter 37 and epilogue, at kung ano pa ang nangyari after epilogue. I'll post it soon, dito rin sa librong ito.

So yun na, tama na ang talak. Muli, salamat sa inyo. Hanggang sa uulitin...

Love love love,

KenTheLion, 2018

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now