Chapter 18

4.7K 260 92
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 18---------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------------------------------------
Chapter 18
---------------------------------------------------------

Sinong nasa wastong katinuan ang makakaisip na pagcross stitch-in ang isang makisig na millenial na tulad ko? Not to mention your sisenta-anyos na teacher sa TLE, meron pa ba?! Meron pa! Walang iba kundi ang sintu-sintong prinsipe ng kaharian ni Señorita Bolba.

Sabi nila, versatile actress daw si Angel Locsin. Pwes, kabahan na siya sapagkat nagising na ang natutulog na pagka-power versa sa pagkatao ko. Huwag kang bastos, hindi iyon ang itinutukoy ko. Ang ipinaparating ko lang naman ay kahit wala akong alam sa cross stitch na ito, mabilis akong nakapag-adjust at natuto ng malupet. I started from the bottom and now, I'm a top--- este I'm on top.

Literal.

"Kailangan talaga nakakandong ako sa'yo while cross stitching? Friendship goals? Puta lakas maka-babae." komento ko habang nanatiling nakapokus sa karayom sa takot na matusok.

Wala akong natanggap na tugon, magkagayunman, patuloy ang buhay.

Magmula nung isang araw na nagmall kami, limitado na ang mga pagkakataon na pinapansin ako ng lalaking ito. Gets nyo ba? Bale kung limitado na ang pag-uusap namin noon dahil uuting-uting siya, mas limitado na ngayon dahil tila ba may pagtatampo siyang nararamdaman sa'kin. Wala naman akong halos pake about it co'z tampururut din ako sa kanya dahil sa pagpigil niya na habulin ko ang aking ama. It's a tie. Kaya nga di ko alam kung paano kami napapayag na magsama sa kwartong ito at sabay na magcross stitch.

Di man lang nag-abalang kumatok si Don Sol at basta na lang pumasok sa silid bitbit ang deliciosong fruit salad na pagkuwan ay ipinatong niya sa kama ni Blaise. Nag-iwan siya ng matipid na ngiti bago kami lisanin.

Maya-maya, nabagot na ako. Itinapon ang pinagkakaabalahan saka tumalon sa kama upang sunggaban ang pagkain. Kinumbinsi ko ang aking sarili na malinis ang aking kamay saka kinamay ang mga prutas. Nahuli kong nakatingin sa akin ang Pokemon ngunit agad niyang inilihis ang paningin.

"Arte." bulong ko sabay higop ng 'sabaw'.

Bumuka-bukaka, gumulong-gulong sa malambot ng kama, at nang hindi masiyahan, dumampot ng unan saka ibinato sa lalaking abala. Tinamaan siya sa ulo subalit imbis na mag-amok ay ipinagsawalang-bahala niya ito.

Ako ang nainis. Ako ang nabwisit sa hindi niya pamamansin. Siya pa talaga ang galit ha. Pagbali-baligtarin man ang mundo, siya ang may kasalanan. Siya at ang pamilya niya ang kidnapper. Ako ang biktima dito, General Bato. Pag ako napika, magsusumbong na ko either kay Tulfo o kay Cardo, baka sakaling tulungan ako ng Vendetta.

Sininghalan ko siya bago ko kinuhang muli ang tela at ni-resume ang cross stitch. Hindi na ayos ang aking ginagawa dahil bugnot na ang lumulukob sa aking sistema

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now