Chapter 4

7.4K 340 103
                                    


Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 4---------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------------------------------------
Chapter 4
---------------------------------------------------------

Kabaligtaran ng aking inaasahan, banayad ang naging pananatili ko sa mansyon sa nakalipas na mga araw. Hindi na ako kinakailangan pang abanikuhin ni Donya Bolba tuwing alas tres dahil kusa na akong bumabangon, malawak ang ngiti, excited magbanat ng buto. Ginagabayan ako ni Blaise sa bawat work out namin. Me time ang alas sais, pwede matulog ulit o magnilay sa bodega o mag-mahjong sa kubeta, provided na pagsapit ng alas nueve, makikipaglaro na ako kay Blaise. O mas tama yatang sabihin na makikipaglaro ako sa sarili ko?

"Blaise." tawag ko sa kanya. "Pansinin mo ko. May itatanong lang ako sa'yo."

Isang tango lang sana galing sa kanya'y masaya na ako, pero wala e, mas pinili niyang laruin si Charizard.

"Who lives in the pineapple under the sea?" walang tono kong bigkas. Nang magpatuloy lang siya sa pinagkakaabalaha'y sinunggaban ko ang sumbrero niya, sinuot ito't pumwesto sa kanyang tapat, saka...

"Who lives in the pineapple under the sea?" kanta ko sa saliw ng melodiya ng Lupang Hinirang, ang kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib, ang mata'y nakatuon sa kisame "Spongebob squarepants. Absorbant and yellow and porous is he. Spongebob squarepants." pahina ng pahina ang aking tinig, unti-unting nababalisa.

Nang mapagtanto kong hindi eepekto ang pagani-ganito ko, nagdesisyon akong umiba ng estilo. Tumikhim ako saka pumalakpak.

"If nautical nonsense be something you wish, spongebob squarepants!"  martsa ko mala-Armed Forces of the Philippines paikot sa kanya "Then drop on the deck and flop like a fish! Spongebob squarepants! Spongebob squarepants, spongebob squarepants, spongebob squarepants, spongebob squarepaaaaaaants!!!" lumuhod ako't itinaas ang mga kamay. Tumingala pa ako't pumikit, kala mo nagpapakuha na kay Lord. Di ako sigurado kung sundalo pa ang inspirasyon ko sa pinaggagagawa kong 'to, parang cheerleader na eh.

Nagtagal din ako sa posisyon na 'yon, hinihintay ang paghagikhik ng lalaki. Binuksan ko ang isa kong mata, para lamang makita siya na walang pake sa ginagawa kong kagaguhan alang-alang sa ikasasaya niya.

Bagsak-balikat akong sumalampak sa sahig at sumandal sa braso ni Blaise. Nagmuni-muni ako sa kung anong kakebushenteknik ang gagamitin ko mapansin lang niya, excluding the Pokemon thingy. Sawa na akong kausapin si Togepi, jusko! Di sinasadya'y napadako ang aking paningin sa padulasan.

"Blaise, look!" kaway ko sa kanya nung nasa tuktok na ako nito. Dedma pa rin kaya ipinagpatuloy ko na lang ang aking plano.

"Awwwwiiiiieeeeeeee!!!" maligaya kong hiyaw habang dumadausdos, animo'y Space Shuttle ang sinasakyan. Nanatiling nakataas ang aking mga kamay sa aking pagbagsak sa playmat.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now