Chapter 11

5K 285 92
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
Chapter 11
---------------------------------------------------------

"Twenny-five jumping jacks, go!"

Tatalon-talon naman si uto-utong ako. Palakpak sa taas. Bukaka. May pagngisi pang nalalaman. Damang-dama ang pagsusunog ng taba, kahit wala naman ako masyado nito. So tanong ko lang, anong ipinaglalaban ko?

Sinulyapan ko ang katabi ko, ang work out partner ko, subalit wala na siya, nilayasan ako sa ika-tatlumpu't pitong pagkakataon. Nginitian ko na lamang ito, pinipigilan ang aking sarili na mayamot. Magtimpi, Soso, magtimpi. Hinga ng maluwag. Mag-solmux ka. May toyo lang siya kaya ganyan. He. Is. Out. Of. His. Mind!

Or maybe, naglalambing lang siya. Tama, naglalambing lang siya.

Gusto niyang suyuin ko siya.

Pumalya na ang aking pagbilang sa isipan kaya huminto ako sa pagtalon. Baka naka-bentsingko na ako ng hindi nalalaman. Yaan na. Sinuri ko ang silid upang saliksikin ang aking bugnuting playmate, ngunit nabigo ako. Tinanong ko si Donya Bolba kung saan nagtungo ang anak niya pero inismidan lamang ako nito, kaya imbis na magtanong ako sa kung-sinu-sino at paulit-ulit na ma-reject, minabuti kong ako na lang ang maghanap sa binata.

At natagpuan ko nga siyang nag-iisa sa pool area, sa ilalim ng papasikat na araw, isinasawsaw sa tubig ang pagong na si Squirtle. Pansamantala akong natigilan bunga ng imaheng rumehistro sa aking isipan.

Isang lalaki na nasa mismong kinapepwestuhan ni Blaise, ginagawa ang mismong ginagawa niya. Sa tantya ko'y nasa labing dalawa hanggang labing-apat na taong gulang ito.

Uy, nagdedeliryo ako.

Nevertheless, napaisip ako. Nanuri. Ang childish pa talaga gumalaw ni Blaise. How can someone as innocent as him take a person's life? Baka panaginip lang ang lahat. 'Hindi totoo itong nangyayari, hindi.' pikit ko.

Subalit na-apir-disapir-wanhap-wanport-wanport-wanhap-disapir-apir ko na ang magkabilang pisngi ko'y hindi pa rin ako nagigising. Marahil ito na talaga yun braders and sisters, mga kapanalig. This is reality. Wala na talaga si Angelo, dahil kay...

"'Ey Blaise-toise! Whatcha doin' there?" hiyaw ko using an american hipstuh's accent. Hindi ko muna siya nilapitan. Alam ko kasing lalayo siya kapag ginawa ko iyon. Tratuhin ba daw ako na animo'y may ketong?!

Tila hindi niya ako narinig, o baka sadyang wala lang siyang pakialam sa akin. Nalungkot ako, gayunpaman, nagpaka-jolly pa rin ang inyong bida.

Tinungo ko ang kabilang dako ng palanguyan. Tumapat sa kanya, pumulot ng nagkalat na basura, at kumaway.

"Blaise-toise! Look at me..." kamot ko sa aking ulo. "I have a leaf. I have a flower." pinagsalpok ko ang mga ito "Ugh! Flower leeeeaf! I have a leaf. I have another flower. Ugh-yoko na nga, di mo naman ako nipapansin."

Sumalampak ako sa tiles at bumusangot. Siniringan ko ang kahibangan niya.

"Notice me senpai!!! Si Pepay pamaypay, buong araw nagpaypay! Para matuyo at bumango ang senpai! Paypaypay senpai uy! Kahit anong paypay, 'pag di natuyo agad, babaho..." todo gaya na ako sa boses nung nasa commercial ay ipinagsasawalang-bahala niya pa rin ito. "Blaise naman eh. Magbubuhat pa tayo. Hindi porket borta ka na, aayaw ka na. Mawawalan ako ng partner. Isipin mo naman ang kalagayan ko. Don't be selfish. Hindi ka uunlad if you're just gonna sell fish. Dapat sell fishes para malaki tubo. O kaya ilagay mo sa lata, gawing century tuna, ganun."

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now