Chapter 28

2.4K 150 64
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 28---------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------------------------------------
Chapter 28
---------------------------------------------------------

"Wag kang lalapit sa'kin!"

Nakangiting wagi ang gago porket nakita niyang mayroon siyang ISAng picture sa cellphone ko. Akala niya naman ay ibig-sabihin yon. Well, oo may meaning yon, pero hindi tulad ng nasa isip niya ano! Yung picture, ano, gagamitin ko yun para, ano, para ipakulam siya? Oo tama gagamitin ko yun para ipakulam siya. Tama. Kaya wag niya akong titigan na parang pinaparatangang may pagnanasa ako sa kanya. Hibang ba siya? Tangina niyan oh, lalapit pa talaga. Sinabing layo eh.

"Pakipot ka pa, Soso, e gusto mo rin naman pala ako."

"Mukha mo."

"Gusto mo halikan kita?"

Ngumisi siya,

subalit mabilis din iyong naglaho.

"Sige ano."

Being the beeetch boi that I always am (and always will be), binasa ko ang aking labi upang ipahiwatig na ako'y nananabik sa kanyang halik. Mapusok at nag-aalab ang ipinukol kong titig sa kanya. Kung nagpout ako? Hindi no. Hindi na kailangan pa dahil unti-unti naman nang inilalapit ng Pokemon ang kanyang mukha sa akin, grabbing this once in a lifetime opportunity na ang isang tulad kong gwapo, makisig, at barako'y pumayag magpalaplap sa isang singkit na pangit. I must be kidding, right?

Yeah boi, I am definitely kidding! Wala akong balak magpa-'ano' sa kanya no! Hello? #NoHomo. Mantatakam lang ako, manglalandi, mang-aakit hanggang sa malevouge-an siya at mahulog sa mapaghiganting kamay ni Lily---- two less lily people in the world tuuuuuuuunaaaaaayyyyt. Kapag dalang-dala na siya sa alindog kong walang kupas, walang pinipiling edad, walang pinipiling laman, bigla kong tatawagin si Dad at sigurado akong ikaka-aligaga iyon ng duwag na Pokemon. HA-HA-HA-HA-HA. Isa ka talagang henyo, Cris.

Kung paano gumapang ang kamay ko sa hita niya ay huwag na natin talakayin. Ang mahalaga, it's there. It's there. Himas-gaming. I bet he's already mesmerized by my eyes and acts, itsurang hunghang na siya e. Bahagyang nakabuka ang labi habang ang tingin ay naglalakbay mula sa aking mata patungo sa baba (as in chin ha, wag tanga). When he got there, sinalat ng kanyang hinlalaki ang mangilan-ngilan at maiiksing buhok slash balbas na katibayan ng aking pagiging isang tunay na lalaki. Nakikiliti ako sa ginagawa niya pero pinigil ko ang aking tawa.

Siya ang tumawa, tawa na tila ba may nagunita siya sa kanyang nakaraan, o mas tama yata sabihing 'aming' nakaraan. Inasahan kong bibigkasin niya ang mga katagang 'ang kyut mo DATI nung wala ka pang balbas', 'DATI gg ka sa tuwing may tumutubong buhok sa baba mo', 'DATI sabi mo---', 'DATI ayaw mo---', 'DATI ganito ka---', 'DATI ganun tayo---'... pero mali ako. Without uttering a single word, lumaktaw ang kamay niya sa tenga ko, pinaglaruan iyon, ngumiti-ngiti. Nang magsalubong ang aming tingin ay muli siyang sumulong, upang mangyari na ang dapat mangyari, upang maangkin niya na muli ang aking labi. Naiinis ako sa bawat ngiti niya subalit 'di ko magawang magmaktol. Napapahakbang na lang ako paurong.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now