Chapter 25

3.7K 173 120
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 25---------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


---------------------------------------------------------
Chapter 25
---------------------------------------------------------


Anu-anong bagay ba ang dapat na ipinipilit?

Bukod sa etits ha. Ibang usapan yun. Dapat talaga ipinipilit yun (una) para sumirit, (at pangalawa) para sa sagad at masarap na pagsasama.

E ang past, dapat bang ipinipilit pa? When you already become a better version of yourself, dapat ba bumalik ka pa rin sa kung sino ka noon?

I don't think so.

Better na nga e, magdadowngrade ka pa? Ano ka, bobo?! Qiqil mo na naman ako eh. Teka nga, hinga muna ko.

Ugh!

So san na nga ba 'ko? Oh yeah, nasa isang restaurant, kumakain mag-isa, impatiently waiting sa pag-alarga ng aking katagpo. Tangina, napapayag ako ng gago na makipagkita sa kanya by blackmailing me gamit ang mga alaala ng ina ko.

Buti na lang stainless itong tinidor at kutsilyo nila dito kundi, kanina ko pa ito napaglasug-lasog. Masarap naman yung inorder ko uhm, pero ewan ko ba, wala ako sa mood kumain dahil lunod ako sa pag-aalala't baka napaano na sa daan ang inutil na Blaise na yun. 2 minutes na siyang late sa usapan namin ha. Gagong yun, may pa-10am-10am SHARP pang nalalaman tapos siya naman pala yung malelate.

"Excuse me, Sir" pabibong singit ng serbidor "May additional order pa po ba kayo?"

Kitang nangungunot na nga ireng noo ko sa pag-iisip tapos ako pa ang gagawin niyang tulay sa pagpapabibo sa manager niya. Wag ako! Beastmode ako!

"So anong pinapalabas mo?! Na mukha akong patay-gutom?! Ha?! Kita mong mag-isa nga lang ako dito tapos paoorderin mo pa ako ng marami?! Oo, marami akong perang pambayad pero 'di ako patay-gutom hoy kunting respeto naman!"

"Ay baka lang naman po kasi gusto niyo na umorder para sa kasama niyo---"

At pabibo talaga siya ha

"MUKHA BA AKONG MAY KASAMA?! HA?! HEART? TOL? ANDYAN KA PA BA?! TARA MAGTAGUAN TAYO NILA MANG JUDE AT DOK GIYA! BULAGA! TOL TAYA KA TOL AMPANGHE MO"

Mabuti't napagtanto niyang wala siyang ilalaban sa'kin kaya tanging ang pag-irap lamang ang kanyang iginanti bago ako layasan. Sa kabilang dako, ako nama'y muling itinuon sa plato ang atensyon.

Dapat pala 'di ko siya ipinagtabuyan ng ganun, tuloy wala ng aaliw sa akin upang hindi ko lubhang pakaisipin ang kalagayan ng Pokemon. Asan na ba kasi ang gunggong na yun?! Take note, five minutes na siyang late oh taena eh. Huwag niya akong pinag-aalala't baka bumigay ang aking dear heart!!

Tila dininig ng poon ang dalangin ko't bigla na lamang nagulantang ang sanlibutan nang may lumagabog. Excited pumasok ang gago, walang pake kung makasira sa establisimyento. Pinakyuhan ko siya upang agawin ang kanyang atensyon, na sinuklian niya naman ng pakikipagkamay.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now