Chapter 26

2.8K 173 138
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 26---------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------------------------------------
Chapter 26
---------------------------------------------------------

'Nak traffic hutaena maglaga ka na lang ng itlog para may pananghalian ka labyu

Masakit ang ulo ko, marahil hang-over sa ganap kagabi, subalit hindi iyon naging sanhi upang maboplaks ako sa pagbasa ng mensaheng ipinadala ni Dad kaninang 11:46 am. Itlog daw, magprito ako for my lunch. Tapos siya naman daw ibang itlog ang lalamunin. Oo, yun meaning niya, fuckgay na tunay. Dinahilan pa ang trapik.

Perks of being lazy, heto nganga ako sa sofa, tulala, bukas ang bunganga, naghihintay na mabagsakan ng biyaya. Huwag naman sana tae ng butiki ang babagsak sa bibig ko no. Buset.

Pagod ang katawan ko kaya ayaw ko kumilos. Mabuti pang mag-internet na lang ako kaysa abalahin ko ang aking sarili na magluto. Tutal may mga pagkain din naman dun, mga chikabebes na labas epep di ba. Subalit bilang ubod ng bagal ang lintik na internet connection sa Pinas, tapos binan pa ang pinakamamahal kong pornsites, sa twitter na lang ako manonood. Ganun din naman mga bidyo dun, bitin nga lang kung magkaminsan.

Nakakainis talaga ang mga Hapon. Ano bang problema nila't pinapalabo nila ang part ng genitals?! Yun nga ang gustong makita ng mga taglibog eh!! Gagawa-gawa sila ng porn tapos binublur naman! Mga pa-virgin ampotek! Palibhasa maliliit ang mga sandata ng kalalakihan sa kanila! Buti na lang hindi ako Hapon, kung nagkataon, aba tangina na lang.

Ewan ko ba kung bakit naging malikot bigla ang mga daliri ko't ako'y napadpad sa listahan ng trending sa Pilipinas. Nagulantang ako nang makitang nasa numero-unong pwesto ang full nickname ko (Soso Toto Momo) na sinundan naman ng hashtag na PrayForPhilippines.

Habang nagwawatdapak ako sa utak ko, minabuti kong usisain ang mga tweets na may kinalaman sa #1 trending topic. Alam ko naman na pogi ako no, pero di ko pinangarap na pag-usapan ng ganito at hangaan ng buong bansa. Mahirap na, baka dumami ang nakakaalam na jutay ako putek wag naman sana *katok sa kahoy*. Sunod-sunod na litrato ang bumungad sa akin at ikinagimbal ko iyon.

Takbo bata supot, ganyan ang eksena ko sa kahabaan ng kalsada. Tipong walang humpay ay aking pagtakbo, tagaktak ang pawis, na para bang tumatakas sa nangtutuli na de-pukpok. Taena. Pagkamangha ang mababakas sa taumbayan na naiipit sa traffic at nakakasaksi sa aking pagtalilis. Akala nila superhero ako, e sa katunayan, ako ang dahilan ng gyerang nagaganap.

Malayo-layo pa man ako sa pinangyayarihan ng sigalot ay dinig ko na ang nasisindak na sambayanan at naggugulungang tangke ng militar. Medyo pumayapa ang aking kalooban sapagkat wala akong naririnig na putok ng baril o bomba, na siyang kinakatakot ng madla.

"Hijo, huwag ka na magtungo dyan! Delikado!" paalala ng matandang babaeng akap-akap ang kanyang Santo Niño sa pagtakbo. Pasakay na siya sa jeep na kanilang getaway vehicle.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now