Chapter 12

5.2K 297 142
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------
Chapter 12
---------------------------------------------------------

"Pikit ka." utos ni Donya Bolba na sinunod ko naman matapos niya akong sabunutan "Huwag ka malikot kung gusto mong may matira ka pang pilikmata."

"A-a---" ang hirap magsalita kapag sukdulan ang pagkakatingala mo't tinutuunan pa ang iyong noo. Try niyo minsan. "A-ano ba? Di pa rin ba tapos? Kanina pa tayo dito eh hehe"

"Pumirme ka kasi upang sa gayo'y matapos na tayo. Nananakit na rin ang likod ko sa'yong tukmol ka."

"So bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?" reak kong ganyan na may pagsapo sa templo. Nahihilo ako sa babaeng ito. Siya kaya itong nagmungkahi na subukan ko muna daw magbagong-anyo, baka sakaling maging fresh ako sa paningin ni Blaise at makalimutan niyang ako si Crisostomo a.k.a. Soso Toto Momo na pinaghihinanakitan niya, at kapag di nagtagumpay, doon ko lang gagawin yung kamangha-mangha niyang kasabihan na the way to a man's heart is through pagsunod sa kagustuhan niya. Tapos ngayon sa akin niya ipaparatang yang osteoporosis niya? Bakit, inutusan ko ba siyang tumuwad ng ganyan? Ulul 'di uy.

"Malapit na... Shhhh... 'Onti na lang. Stay put ka na." pagpapatahan nito sa akin.

Hindi ko magawang sundin ang alintuntunin niya dahil honestly speaking, naaalibadbaran ako sa pinaggagagawa namin. Hindi ko pinangarap 'to. And I never expect na gagawin ko ito sa buong buhay ko. At mas lalong I never ever ever expected na gagawin ko ito alang-alang sa pakikipagbati sa isang batang may kalawang ang ulo.

Napaaray ako nang mabunutan ako ng pilikmata.

"Yan. Sinabi na kasing huwag gagalaw eh. Magdusa ka ngayon... O sige na, isang ulit pa. Ano ba namang klaseng pilikmata kasi itong meron ka at ayaw tumikwas?! Jusko. Hirap na ko ha. Kaya parang awa mo na, chiiiillll."

"Chill mo 'to"

"Sit back and enjoy."

"Enjoy mo 'to"

"If you do, bibigyan kita ng garapon ng gummy worms."

"Gummy worms mo 't---"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, lumipad na sa ere ang kamay ni Donya Bolba. And before I knew it, ilang sentimetro na lang ang layo nito sa akin kaya di ako nakailag at pumlakda ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. Sabi ko na nga ba nakakairita ang biro ko.

"Oh ayan, mapula na ang isang side. Lalagyan ko na ng blush on yung kabila. Sukuan na natin yang pilikmata mo." maligayang saad niya sabay hagilap ng kolorete sa kabinet. Matapos ikiskis ang make up brush sa kulay rosas na pulbo'y idinampi niya ito sa pisngi ko.

"Bibigyan mo nga ako gummy wormsssss as in wormsssssssssssssessss?" tila paslit kong tanong. Nagliliwanag ang aking mga mata, nasisiguro ko yan.

"Oo basta relak ka lang at 'wag maligalig. Pikit."

"Ah sige relak na ako dito ha" banggit ko mala-sitsaron ang lutong kasabay ang pagtikom ng mga mata.

Ganoon na nga ang nangyari. Bravo, nakuha ng Donya ang kiliti ko. Gummy worms lang sapat na. Gaya ng napagkasundua'y di na ako umiimik para ma-berigud ako ni madam. Pinagtiis ko ang aking nasasagasaang ego.

Di nagtagal, nag-on the way to dreamland muna ako.

"Oh di ba?! Bongga!" tili ng babae animo'y tinurukan ang eps. Nagulantang ako na aking dagliang ikinatindig. Nang wala akong namataan na masamang nangyayari, pumayapa ang aking kalooban saka kinurot si Donya Bolba.

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now