Chapter 7

5.9K 252 32
                                    

Book Title: Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
Author: KenTheLion

---------------------------------------------------------Chapter 7---------------------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------------------------------------
Chapter 7
---------------------------------------------------------


"Aalis na nga pala ako."

Tinanggal ko ang shades ko't isinukbit ito sa sando, saka ako humarap sa lalaki bilang nagmamakaawa na ito para sa karampot kong atensyon. Kitams nagdadrama na hanggugu.

"Aalis ka? Sige, umalis ka. Kung pwede next week ka na bumalik ha. Para matahimik naman ang buhay ko kahit one week lang." tupi ko sa aking braso. Nakakapagod pala yung araw-araw may lumalandi sa'yo ano? Ganito siguro feeling ng may stalker. Kaurat.

Humugot siya ng malalim na hininga, na naghatid sa akin ng mensahe na may hindi magandang nangyari.

"Hindi na ako babalik, Soso. Tinanggal na ako sa serbisyo."

"Hala ka. Totoo ba?" aking pagkabahala

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Pansin ko nga, hindi siya jolly ngayon. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Marahil legit nga ang sinasabi niya, kung kaya naman itinuwid ko na ang aking pag-iisip at itinigil ang pambabara.

"Bakit ka nila sinisante?"

Tumaas ang isa niyang kilay, saka mahinang tumawa. Tinaasan ko rin siya ng kilay, aba.

"Tanga ka ba? O nagtatanga-tangahan? Di mo talaga alam?" aniya

"Gago ka ba? Paano ko malalaman kung di mo sasabih---"

"Manhid ka ba? O nagmamanhid-manhidan? Wag ka ngang hipokrito dyan. Sigurado akong alam mo ang dahilan."

Aba, matabel siya ngayon ha. Sumandal ako sa silya, at bumusangot. Hinde! Wala akong alam. Wala ako maski pinaghihinalaan. Di ako makarelate sa sinasabi niya. Not. at. all.

"Selos na selos ang gago." dagdag niya pa. Pinukulan ko siya ng matalim na tingin at pinakitaan ng nakabilog na kamao.

"Tado, walang nagseselos. Nag-iilusyon ka lang." aking kaila.

Ngumisi siya ng nakakainis.

"Kahit meron? Kahit may isang taong nagagalit sa mga nagtatangkang dumikit sa'yo? Kahit may isang taong dapat kalaro mo ngayon pero mas piniling magkulong sa kwarto kasi nagtatampururut sa'yo dahil akala niya ipinagpalit mo na siya sa iba?" may pagkibit pa siya ng balikat "Wala nga lang siguro yon no? Trip niya lang magngitngit. Hindi siya nagseselos. Hindi talaga." kanyang pang-uuyam.

Badtrip! Ako nagtitimpi lang ha, but really, gusto ko na siyang suntukin! Bayuhin ng todo! Durugin ng pino! Ibudbod sa adobo, tutal paminta naman siya di ba?! Natatamaan ako sa sinasabi niya e! Malay ko ba kung anong mahika meron ang mga salita niya pero pinoprovoke ako ng mga ito't ipinamumukha sa'kin na masyado akong hibang para papaniwalain ang sarili ko na hindi nagseselos si Blaise gayong putangina tatlong araw na siyang di nakikipaglaro sa'kin mula nung mabugnot siya sa nakitang bangayan namin ni Angelo! Puta ayan nasabi ko na tuloy!

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng SukaWhere stories live. Discover now