Chapter Eight

39.1K 477 27
                                    


Dalaw sa nakaraan.....

Dinalaw ko ang lolo kong may sakit sa hospital, my grandparents are the one who raised me, sabi ni lola sa akin noon, isang beauty queen daw si mama noon na may mataas na pangarap sa buhay kaya nakipagsapalaran sa maynila kaso isang araw umuwi ito sa amin na pinagbubuntis na ako, tinanong nila lola kung saan or sino daw ang ama ko kaso isang mapait na ngiti lang ang isinagot lang ng ina ko sa kanila.

6 years old pa lang ako noon nang huli kong nakasama si nanay ang mamatay ito sa cancer kaya kame lang ng lolo at lola ko ang magkasangga sa buhay ngayon.

Dumalaw rin ang matalik kong kaibigan at kapitbahay na si Anthon, nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa napag-isipan namin na maglakadlakad sa parke.

Kapatid na ang turing ko kay Anthon kaya din a mahirap sa akin naikwento sa kanya ang buhay ko sa mansion, nang matapos kame sa highschool dahil may kaya ang pamilya nila Anthon kaya nakaka aral ito ng abogasya samantalang ako ay namasukan ng katulong sa mansion ng mga Villafuentes.

Sinuportahan lang niya ang relasyon ko kay Julian dahil nirerespeto niyang desisyon ko, pero kung siya lang daw ang masusunod ay ayaw na niya pang lumalim pa ang koneksyon ko sa mga Villafuentes.

Gabi na nang naka-uwi ako ng mansion, pagbukas ko nang pinto sa silid namin ay medyo nagulat ako nang madatnan ko si Julian na nakaupo sa may kama, he looked pissed, his knuckles almost turned white from clenching his fist.

"Saan ka galing?'' He asked in a calm and cold tone that shivers me in a frightening manner.

Tumikhim muna ako dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko ngayon bago ako dahan-dahang pumasok sa silid namin.
"S-sa hospital.''

"At?"

"Sa..park.''

"Sinong kasama mo?''

Nanlalamig ang likod ko, sa pagtatanong niya ay para akong may kasalan sa kanya kahit wala naman akong maalala na meron.

"..a..Anthon, si Anthon, Jul." I don't like this atmosphere around us, pakiramdam ko ay pulis ang kaharap ko ngayon at hindi asawa.

"So siya ang lalaking pinaglalaanan mo ng pera ganun ba?" he asked through gritted teeth, kitang kita ko ang paninigas ng kanyang panga.

Ano bang pinagsasabi nito?

"Jul, t-teka hindi kita maintindihan." Napa atras ako sa nerbyos nang galit siyang tumayo at humakbang patungo sa akin.

Ibinuka ng isang kamay niya na naka tikupkop ang isang relo. Agad naman akong nasihayan dahil alam ko ang relo niya iyon na dalawang araw na nawawala, it's a rolex gmt master for pete's sake.

"Jul. mabuti naman at-" hindi ko na nagawa ang hawakan ang relo nang buong galit niya itong ibinato sa pinto, gulat akong napatili hanggang naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa magkabila kong braso.

"F*ck it Belle, kulang ba ang sustento ko sa iyo at pati ang relo ko ay ibebenta mo pa? And what? You're gonna give it to your lover?!'' he hissed, pouring so much venom in his words na pati ako ay dahan-dahang napaparalisado.

Ang sakit sa puso.

"H-hindi ko alam ang pinag-sasabi mo ano ba, b-bitawan mo ako Jul."

"Still denying it hah? You're busted already, pumunta dito ang pingbentahan mo dahil kulang pa daw ang naibigay niya sa iyo!"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, anong ibinenta? Gusto ko nang magalit dahil nalilito na ako sa mga pinagsasabi niya kaso baka lumala lang ang alitan namin kaya huminga muna ako ng malalim para kumalma ako.

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now