Chapter Four

43.2K 652 44
                                    

"Well, I said that  I said that I'm not sure but it doesn't mean that I will not come.'' I replied and sighed dramatically. "Besides, I was trying to help a poor soul looking for you, but considering what happened today, poor me."

Hindi na ako nakipagtitigan ky Julian, naglakad na ako palabas ng pinto, kaya lang sa inis ko dahil na nawala sa akin ang importanteng dokumento sana panlaban ko sa kanya hindi ko na nipigilan pang magsalita pa ulit.

"So, whose Ysabelle?" Tanong ko, nakatalikod ako sakanya, fck, I can't help feeling the bitter taste in my mouth.

A second of silence welcomed us.

"Nothing," he said after he scoffed off.

"Nothing?" Tanong ko ulit, humigpit ang hawak ko sa doorknob, mabuti na rin din at nakatalikod ako sa kanya dahil tatraydurin ako ng sarili kong expression pagnakita niya akong napupuno sa galit.

Another wave of silence came, sobrang tahimik na tila rinig ko ang pagbigat ng hininga niya.

"Yeah, nothing..just an existence that is nothing to me, it also has nothing to do with you at all--"

Hindi ko na siya pa pinatapos dahil lumabas na ako ng tuluyan mabuti na lang at napigilan ko pang pabagsakan siya ng pinto.

..nothing  to me..


Nagtagis ang ngipin ko sa inis, namumula rin ang mata ko galit sa kanya at galit sa sarili ko dahil nasaktan ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa malaking bintana sa building, tanaw ko ang langit na nagdidilim at nagbabadyang umulan na para bang nakikiisa sa dinaramdam ko ngayon.

Huminto ako sa paglalakad at huminga ng malalim, pinigilan ko ang sarili kong umiyak, tama na..tama na ang mga luhang binigay ko sa kanya noon.

The weak and pathetic Ysabelle is long gone Julian, I am Anya Saavedra now, at hinding hindi iiyak para sayo si Anya, tandaan mo yan!


*****
Ysabelle!! Nasaan na ba ang babaeng yan?!”

Napahinto ako sa pagdidilig ng halaman at agad na pumunta ako sa sala, wala nang ibang tumatawag sa akin ng ganoon kundi ang mother-in-law ko, ang ina ni Julian.

“Bakit ho, Ma?” tanong ko, pero imbes na salita ang sumagot sa akin, isang napakalamig na tubig ang bumuhos sa mukha ko.

Naniningkit ang mga mata nito sa galit while pointing her finger at me. “Just looking at you, nakakawala na nang gana!” galit na wika nito sa akin.

Agad namang akong napahawak sa kabila kong mukha, kung  saan naroroon ang malaking peklat ko, sa bawat masasakit niyang salita ay parang bumabalik ang sakit ng pagkakapeklat ko dahil sa apoy.

I bit my lip trying to suppress my nearly crying. “So-sorry Ma’am.”

Nakayuko kong sagot sa kanya, alam kong kahit kailang hindi ako matatanggap nito bilang kapamilya.

Ibinaba nito ang hawag na baso at inihampas ang isang kahon sa mukha ko, pambihira, ano ba itong mukha ko, hampasanan?

“A saan ang necklace ko diyan ah?”

I frowned out of confusion. “H-hindi ko ho alam.”

“Anong hindi mo alam?! Ikaw lang ang pumasok sa silid ko kagabi.” Singhal nito sa akin, oo pumasok nga ako sa silid niya pero dahil iyon sa pag-abot ko ng tubig sa kanya.

“Pumasok ng ho ako, pero hindi ko ho ninakaw iyan.” I replied trying to defend myself, may ilang katulong na rin ang nakikinig sa amin, ayokong mag-isip sila ang masama.

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now