Chapter Twenty Six

20.9K 408 21
                                    


Andito si Ysabelle ngayon sa puntod ng LoLo niya, nalilito  kasi siya na hindi niya alam, nagbabakasakali na sa pagpunta niya dito ay makaka kuha siya ng kumpirmasyon.

Kumpirmasyon na tama lang ang mga ginagawa niya.

''S-sino ka?''

Gulat siyang napalingon sa likod, nakita niya ang kanyang Lola, mas tumanda ito at pumayat, hindi niya napigilan ang pagbuhos ng luha.

''L-lala..'' Para siyang bumalik sa pagkabata, tiinawag niya ito sa paraan ng pagtawag niya dati.

Gulat naman sa pagtawag nito ang matanda, namula agad ang mata nitong nakatingin sa kanya.

''A-apo? Ysabelle ikaw ba yan?''

Yumakap sa kanya si Ysabelle, nagkaluhaan sila habang nagkayakap.

''A-nong nangyari sa iyo? Matagal na kitang hinanap apo.'' Hinaplos ng matanda ang mukha nito.

Yakap lang ang sinukli sa kanya ng dalaga, hanggang sa nagkayayaan sila sa tumuloy sa bahay kung saan nakatira ngayon ang Lola niya.

''Ok lang ba kayo dito La? Pasensya na po at ngayon lang ako nagpakita.''

Lumanlam ang mata ng matanda. ''Ayos naman ako dito, ikaw.. saan ka napunta? Anong nangyari sa iyo?''

Uminom muna ng tubig si Ysabelle saka nito kinuwento ang lahat ng nangyari sa kanya hanggang sa umabot sa sila kina Julian.

''T-tama lang naman diba ang ginagawa ko La? Bumabawe lang ako.''

''A-apo.''

''At saka kay Lolo, kung tumulong lang sila ng maayos ay sana buhay pa siya.''

''Apo, walang kasalanan si Julian sa nangyari.''

Nangunot ang noo ni Ysabelle. ''Anong wala--''

''Nung unang dalaw  mo sa Lolo mo sa ospital, binawian na siya ng buhay nung umalis ka para humingi ng tulong kay Julian.''

Bumigat ang puso ni Ysabelle sa narinig. Ano?

Mapait na ngumiti sa kanya ang matanda. ''Ikaw lang ang hinintay nun na magpakita saka niya tayo iniwan, kahit makahiram ka man ng pera ay balewala lang iyon. Apo, hindi hawak ni Julian ang buhay ng lolo mo.''

''K-kahit hindi niya kasalanan ang nangyari kay Lolo..p-paano ang anak ko La?'' Nagtagis ang panga niya, so mali siya? No! She will never admit it.

Hinawakan siya sa kamay nang Lola niya, para siyang nanghina na ewan.

''Ysabelle, hindi sagot ang paghihigante sa lahat.''

Nanubig ang mata niya. ''P-pero La...''

''Sabihin natin nasaktan ka, pero nasaktan din ang asawa mo, ramdam ko iyon tuwing dinadalaw niya ako dito, mag usap kayo.. magpatawad--''

''Ang hirap magpatawad La, matatahimik lang ako kapag tapos na akong gumati.''

''Talaga ba Ysabelle, matatahimik ka ba?

''....La.''

''Tanungin mo ang sarili mo, talaga ba yan ang gusto mo?''

Natahimik siya at nag isip, ito ba talaga ang gusto niya o meron pang ibang dahilan, kung meron man, eh ano?

Nagtatanong siyang napatingin sa lola niya, mapait na ngumiti naman ang matanda saka inayos nito ang buhok niya.

''Ang laki na ng pinagbago mo Ysabelle, gumanda ka at yumanan, nagawa mo rin silang magmaka awa sa iyo...parang kagaya nila.''

Nablanko siya sa narinig hanggang sa may namuo sa isip niya...Nagpaganda siya, nag aral, nagsumikap.

Para saan? Dahil lang sa pagihihiganti? No, bukod pa dun ay dahil pala sa may gusto siyang patunayan.

Patunayan na kaya niya.

Kaya niyang makipagsabayan sa mundo nila and she felt pathetic, that all along she wanted to prove them her worth.

''Ysabelle. Hindi mo kailangan magpakababa sa level nila, hinding hindi ka matatahimik nang ganyan. Bitawan mo lahat ng nagpapabigat sa puso mo, hindi man madali pero dahan dahanin mo..nasa iyo ang lahat ng oras. Ipakita mo nasa lahat nang nangyari  at pagsubok sa iyo nanatili ka pa ring nakatayo at hindi natitinag, hindi mo kailangan maningil dahil ang panahon ang maniningil para sa iyo...Taas noo mong ipakita sa lahat ang tagumpay na wala kang tinatapakang tao, yan..ang tunay na kahulugan ng paghihiganti.''

Natulala siya sa narinig, gabi na nang nagpa alam siya na umuwi, nagmamaneho lang siya nang natagpuan niya ang sarili sa lugar kung saan siya dinala ni Nick noon yung malapit sa karagatan.

Lumabas siya ng kotse at naglakad.

Ang magkimkim ng galit sa puso, yung palaging iniisip kung paano mo pahihirapan ang isang tao ay nakakapagod din pala, dahil sa huli siya din pala yung nasasaktan.

Yung nahihirapan.

Yung di maka move on sa nakaraan.

Huminga siya ang malalim, nakaramdam siya ng pagod.
Marie was right. She couldn't reach for anything new if her hands were still full of yesterday's junk.

End this.


''Anya.''

Napalingon siya sa gilid at nakita niya si Nick. ''Anong ginagawa mo dito?'' Tanong niya sa lalaki.

Napakamot ng ulo si Nick. ''I couldn't reach your phone, wala ka rin sa bahay mo, nagbabakasakali lang ako na mapadpad ka dito.''

Isang tipid na ngiti ang binigay ni Ysabelle sa kausap saka niya binalik ang pagbaybay ng mga mata niya sa alon sa gabi. If she could just drown her thoughts in it.

''She was right.''

''What?''

''Maybe I will feel better.''

Tumingin ulit siya kay Nick. ''I will not pull out my shares anymore, ibibigay ko kay Marie ang pamamahala dahil pera din naman niya iyon, then hindi na kailangan magsarado ng kumpanya at magdusa ang mga empleyado.''

''Tapos?''

Huminga ng malalim ang dalaga. ''I will go back in L.A and start anew.''

''Hanggang kailan?''

Hindi sumagot si Ysabelle, pakiramdam ni Nick ay may umusbong na kaba sa kanyang dibdib.

''...Ysabelle.'' Usal niya.

''N-no Nick, I'm planning to stay abroad for good.''

Natulala si Nick sa narinig.

''Kakalimutan ko na lahat ang nangyari dito for my peace of mind.''


....Kasama ba ako sa kakalimutan mo? Gustong tanungin ni Nick iyon kay Ysabelle pero kinain na lang niya ng sasabihin  dahil natatakot siya...natatakot siya sa sagot nito.

That night was quite memorable for Nickos Chen. He felt the pain of having an unerequited love, that even loving her silently seemed impossible now that she would leave for good, and honestly, he didn't know if he would laugh or cry.


Pagkatapos ng pag uusap nila ni Nick ay bumalik si Ysabelle sa condo niya para na rin mag ayos ng gamit, paghahanda sa pagbabadya niyang pag alis. Nag iwan din siya ng voice mail kay Claiton na itigil na lahat ng ginagawa nito.

Sigurado na siya sa gagawin niya. It's time to let go and move on.

Kinabukasan ay nagising siya sa doorbell kaya bumangon siya at sumilip sa peephole, laking gulat na lang niya ng makita kung sino ang nasa labas, nagtataka niya iyong binuksan.

''There you are, my Anya.'' Bati nito sa kanya saka siya niyakap.







Nasa Pinas si Claiton.

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now