Chapter Twenty Three

25.9K 305 11
                                    

''Sir anong masasabi ninyo sa pag pupull out ng shares ng ibang stockholder?''

''Sir, totoo ba ang issue tungkol sa mga fraud na bank cheque?''

''Sub standard daw yung materiales na ginamit sa subic kaya bumagsak yung kakatapos na hotel?''

''Natabunan daw yung anak ni Governor Atienza sa gumuhong hotel, anong masasabi ninyo?''

''Sir?!''

Kahit may bodyguard si Julian ay nahirapan pa rin siyang makapasok sa loob ng kumpanya dahil sa pagpipiyesta ng media sa labas, kahapon pa siya walang sapat na pahinga dahil sunod sunod ang mga nangyayari, parang bombang sumabog lahat ng problema niya ngayon.

He stayed in his condo near the company rather than going home dahil sa pagtatalo niya sa ina, namalan niya lahat ng pwede niyang malaman, he could not accept it, hindi niya maisip ang lalim ng pagkontrol ng ina niya sa buhay nito.

Isang araw na rin niyang hindi sinasagot ang mga tawag ni Julia pero ngayon ay alam niyang magkikita pa rin sila dahil ang kumpanya na ang may problema, they loss millions just in one day, paying the damages in Subic would cost a lot, pa isa isa rin nagpupull out ang mga stockholders, may kaso rin siyang kinakaharap regarding sa mga nagkalat na bank cheques. He estimated his money and his mom, hindi iyon sapat to cover all the expenses and that would leave them in huge debt kung uutang siya.

''Malaking kaso ito Julian.'' Bungad sa kanya ni Mr. Cruz, nagpa emergency meeting siya at andito siya ngayon sa conference hall. He scan the whole room as a part of the board dapat andito ngayon si Ysabelle especially she is one of the major stockholder but even her shadow is nowhere to be seen.

''How could a thousands of bank cheque appear out of nowhere?!'' Tanong ng ina niya.

''Ilang million din ang nakuha ng kung sinong mga tao na gumamit sa cheke.'' Sabad ni Luis.

Mas lalong naningkit ang mata ni Julia. ''Dapat kasuhan ang mga bankong iyan! They didn't even clarify the authenticity of that damn paper!.''

''In speaking of case, Gov. Atienza is already pressuring our head, galit siya sa nangyari sa anak niya.'' Ani ng isang stockholder na nandoon.

Sinuri ni Julia ang mga nandoon sa kwarto. She can't help but grit her teeth in frustration, bilang lang ang dumating dahil ang iba lalo na yung mga bago pa lamang ay ang daling bumitaw at pinagbili ang shares nila sa iba habang di pa bumagsak masyado ang market value nito.

Mga negosyante nga naman, kasama mo sa pag unlad pero mag-isa ka sa pagbagsak.

''Mr Cruz, nakita kong may nililigpit kang mga papel, wag mo sabihing aalis ka rin?'' Panunuya niya.

Napa lunok ang lalaki. ''I'm planning to stay, buhay pa si Ramon ay andito na ako.''

Tumango si Julia. ''Mabuti naman.''

''Pero pinagbili ko ang ibang shares ko sa iba, I'm sorry Julia but it was a difficult to resist.''

''What?! At sino ang bumili?''

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin sila lahat.


''Ako.''

They all looking at Anya, she was wearing all black outfiit, from heels, clothes, purse and sunglasses.

She held her chin high like a boss, as the man behind her slowly removed her coat that was draping only on her shoulders, exposing the milky white skin and the slit on her dress that seemed to raise higher everytime she walk that people can't helped but to peek underneath.

She smiled at them as she removed her glasses, revealing a killer look.

At that time, they all had a unison in mind: it was the face of a gorgeous angel but an aura of a devil that could push you to the lowest level of hell.

Sa itim nitong suot ay tila ba nakikiramay sa problema nila ngayon, sa bawat lakad nito ay kumikinang ang dyamante nitong alahas na para bang nanunuya sa paghihirap nila.

The room drop a freezing point nang umupo si Anya, tulalang nakatingin sa kanya si Julian. She dyed her hair into a fiery red na para bang handang sunugin lahat ng madadaanan niya.

''Y-you?'' Hindi alam ni Julia kung ano ang tatawagin sa kaharap, nalaman niya ang lahat nang kinumpronta siya ni Julian nung nakaraang araw, ibang iba ito sa Ysabelle na kilala niya noon.

Kalmadong naka upo si Anya at tiningnan sila lahat. ''Puro lang ata kayo sisihan at wala pang ginagawang aksyon, how about magtanggal kayo ng tauhan sa kumpanya about a 50% that would save us a lot.''

Naningkit ang mata ni Julia, 50%? And then what? Mas lalo silang pagpipiyestahan ng media pag nagtanggal sila, it would bring a negative impact, mas lalo silang aayawan ng mga investor, kung siya ang isa sa mga investor ay siya mismo ay aalis, anong mapapala niya sa naluluging kumpanya.

''Magtanggal? Aside from having a negative image, paano na lang ang manpower sa loob? Wala ka talagang alam sa pagnenegosyo.'' Asik niya.

Tumaas ang kilay ni Anya, napatawa siya sa kanyang isipan, does she think she is still the mighty Julia Villafuentes?

''How about I pull out my shares? Hindi mo ba alam na pera ko nalang nagpapatatag sa kumpanyang ito?''

Lumalim ang tingin si kanya ni Julian samantalang kinabahan si Julia sa narinig.

''What do you mean?''

Tumikhim si Anthon na kasalukuyang nasa likuran ni Ysabelle, naglakad siya at paisa isang pinaglalagay ang mga documento sa lamesa para mabasa nila lahat.

''Before, Ms Anya hold a 30% of shares but now nasa 45% na ang hawak niya.''

Natahimik lahat, no need for further details, a 45% share, kahit mag combine ng shares ang mag-inang Villafuentes ay mas malaki pa rin ang hawak ni Anya, nagbulungan ang mga tao sa loob.

The CEO position of Julian hold was nothing like a piece of paper compared to the power of Anya in her hand, para na rin niyang pag-mamay ari ang kumpanya.

Napatayo si Mr.Cruz, parang nagsisisi siya na isa siya sa mga nagbenta ng shares kay Anya. ''Ms. Saavedra, baka pwede pa natin itong pag-usapan.''

Pinaikot ni Anya ang ballpen na hawak tapos ay itinuon niya ang paningin kay Julian. Her cold gaze was calm like stagnant water, undisturbed by the ripples of chaos.

''Then beg.''

Mahinang napamura ni Luis, halos ata lahat sila napatingin siya sa gawi ni Julian. Umigting ang panga ni Julian, he's looking at the woman devoid of any remorse, but he have to set aside his personal problem, kailangan muna niyang I prioritize ang kumpanya.

''What do want?'' Ani niya.

Anya let out a cold laugh, seeing him beg leave a sweet taste in her mouth....kulang pa. ''I want Julia to step down from her position as the president of the company.''

Natulala ang ginang at nabulabog naman ang buong board. Naikuyom ni Julian ang palad, alam niyang hindi lang ito ang gusto ni Ysabelle. ''What else?''

''You can keep the CEO position, but I will always have the final say.'' Tumayo si Anya at hinarap sila ulit.

''Magtanggal kayo ng mga trabahante about 50%..do it now.'' Matigas niyang utos saka sila iniwan.


Nagkasalubong sila ni Kate sa hallway, biglang napahinto ang dalaga pero patuloy pa rin sa paglalakad si Anya kaya napasunod na rin si Anthon. Hinawakan ni Kate si Anya sa braso para tumigil ito sa harapan niya.

''Y-you...ikaw si Ysabelle?''

Itinaas ni Anya ang kilay niya, ang bilis nga naman ng balita. She smiled at her as she tilt her head na parang wala lang sa kanya ang tanong ni Kate, dahilan naman para mabitawan ng dalaga ang pagkakahawak sa kanya.

Kate could feel the dangerous threat behind that smile. Hindi niya napigilan mapaatras nang lumapit si Anya sa tenga niya at saka bumulong.


''I am.''

Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now