Chapter 21.5

28.6K 447 42
                                    

Dalaw sa nakaraan.

Isang taon na rin ang lumipas buhat nang manirahan ako kasama si Marie, pinag aral hanggang sa umabot na kame sa pag-aayos niya ng mukha ko, titig na titig ako noon sa mukha ko nang nawala ang malaking peklat ko.

[I know that Mr. Lawrence is kinda rude, pero magaling yun magturo sa business management and knowing na nireto kita hindi ka masyadong papahirapan nun,..subukan lang ng baklang yun! Ipapadala ko sa pornhub ang scandal niya.]

Napangiti ako sa kabilang linya, hindi ko alam kung ano pang klaseng pasalamat ang maibibigay ko kay Marie..though it feels like she gave me a life to start over....parang may kulang sa akin, ewan, hindi ko alam.

Matapos kong I off ang phone ay napatingin ako sa kalangitan, naghahanap ng sagot at dahilan para magsimula ulit.

Napabuntong hininga ako. I tried to feel my heart but it was cold and empty, sabi ni Marie start over at move on, ang dali sabihin pero ang hirap gawin, pakiramdam ko kahit naglalakad ako sa bagong pahina ng libro nakadikit pa rin ang anino ko sa mga pahina ng nakaraan..I could not escape from it.

Nabitawan ko ang librong hawak ko nang may bumangga sa akin sa likod, napatingin ako sa babae pero tinaasan lang niya ako ng kilay at ng kasama niya saka nagpatuloy sa paglalakad, estudyante din ata sila sa Unversity dito sa L.A

''That's what you get from walking in daze, fcking asian.''

Rinig kong bulong niya sa kasama, napailing na lang ako at pinulot ang libro, first time kong ma stereotype sa L.A buhat ng tinapon ako dito ni Marie last month, nakagat ko ang aking kuko,  pakiramdam ko nahulog din kasama sa libro ang confidence na nalikom ko...kaya ko kayang mag-aral dito sa ibang bansa? O kaya ko kayang makipagsabayan sa kanila?

Inilipot ko ang paningin sa buong Unibersidad, halatang puro mayayaman ang andito, humigpit ang hawak ko sa libro, parang gusto kong magtago nalang...my old timid self is resurfacing.

''Hey.''

Napapitlag ako sa gulat at sinundan ang boses na tumawag sa akin hanggang nakita ko siya. Isang  lalaki na nakasandal sa hood ng kotse niya ata. Hindi ko mapigilan na suriin ang kabubuan niya habang naninigarilyo siya.

He looks like an American with his blond hair pero parang briton ang accent, tall about 6 ft, I can see the tattoo on his arms even if he is wearing his black leather jacket, may piercing din siya sa magkabilang tenga.

Umangat ang sulok ng labi niya. ''You're just going to let those bitches walk all over you like that?''

I pursed my lips in response, may magagaawa ba ako sa kanila?  ''It's alright..I'm fine.''

''Scared eh?''

Napailing siya saka niya pinatay at tinapakan ang sigarilyong hawak. ''Unless you fck them up, those bitches never learn.''

Napa atras ako ng kaunti nang lumapit siya sa akin, na iintimidate kasi ako sa kanya.

''Name.'' Ani niya.

''Ha?''

''Your name.''

Napalunok ako. ''Y-Ysabelle.''

His eyes glowed. I felt it was something dark and dangerous. He looked more like a seductive devil than a normal, handsome human.  ''Claiton, Claiton Riley.''

Akala ko yun na ang huli naming pagkikita pero sa mga sumunod na araw ay lagi siyang nagpapakita sa akin, ilag ako sa kanya tuwing kinakausap niya ako pero parang wala lang yun sa kanya, hanggang sa dumaan ang buwan ay tinuri ko na siyang kaibigan, siya lang kasi ang laging kumakausap sa akin dito at minsan ay nagpapatulong ako sa mga assignment ko.

Then he began to teach me other things: social media, etiquette, fashion. He invited me to exclusive parties and we watched illegal car races together kaya natuto akong magmaneho.

Sa kanya din ako natutong gumala sa gabi at uminom, nagpatusok din ako ng tatlo sa kaliwang tenga hanggang sa pinakilala niya ako sa cigarette at drugs pero inayawan ko iyon, bottomline ko ang dalawa hindi din naman niya ako pinilit na rin.

I learned things about the world that I didn't know, and then I reached the point where I told him about my past.

Mula nun, nag iba na ang tinuro niya sa akin: ang magmura, matutong lumaban, magalit at maghigante.

And I like it, pakiramdam ko nahanap ko ang essence ko sa buhay.

Anong masama sa lumaban?

Karapatan kong magalit.

Tama lang ang maghiganti dahil kasalanan nila iyon.

Sila ang nauna, I'm just repaying the favor.

Ipaparanas ko sa kanila ang pakiramdam kung paano matapakan.

Kung ano ang salitang unfair.

Kung paano magmakaawa.

Kung ano ang pakiramdam ng mawalan.


''I'll follow you as soon as I finish here.'' Wika ni Claiton.

''Ok.''

Andito kame ngayon sa condo ko, tinutulungan niya akong mag-impake dahil uuwi na ako ng Pinas.

Hinawi ko ang dating straight kong buhok na ngayon ay wavy na, napatingin ako sa salamin, malaki na rin ang pinag-bago ko, pumuti ako na parang papel dahil sa  pinagbibigay sa akin ni Claiton, ok naman daw iyon dahil bagay naman daw sa akin. Siya na rin ang nag suggest na magpakulay sa buhok ng light brown, kumurba din ang katawan ko dahil sa mga work out session namin sa gym.

He saw me looking at myself in the mirror. I helplessly smiled. ''I can't see her.''

''Who?''

''The old me.''

He raised his brow. ''Isn't it better?''

I faced him. ''Is it?''

Lumapit siya sa akin tapos ay iniharap niya ako ulit sa salamin. ''Of course''

Napatitig ako ulit sa sarili ko. ''Name..I would need a new name if I were to start over.'' Let the old Ysabelle be buried in the past.

Napaisip siya saglit.  ''Anya.''

''Anya?''

Ngumisi siya, he look ecstatic. ''Yes, Anya, in greek it means...resurrection.'' Humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

''Today is the day you reborn. Happy Birthday doll.''



Revenge of the Ex Wife (2022 Revise) UncompleteWhere stories live. Discover now