A Love Behind the Mask 29

2 0 0
                                    

-joseph victor-

Ilang buwan na ang nakalipas simula ng magising ako pagkatapos ng isang buwan na tulog ko buhat ng operasyon. Walang palya naman sa pagbisita ang pamilya ko at ang tropa. Nabanggit na rin nila sa akin ang tungkol sa puno't dulo ng epidemya, kung paano ito nagsimula higit isang taon na ang nakakalipas. Ang negosyong sumira sa pangalan ng nanay ko dahil sa aksidenteng iyon. Iniisip ko pa lang ang sitwasyon ko ngayon ay hindi malabong magsama na ulit kami ng nanay. Winaglit ko sa aking isip ang bagay na iyon, madami akong mga taong maiiwan dito. Pero hindi rin mawawala dahil sa sunod sunod na examination at surgery na ginagawa sa akin sa nakalipas na buwan. Di katulad noon ay sobrang dalas ng pagdalaw nila sakin ngayon ng malaman kong hindi ko na kailangan mag-undergo pa ng ilang nakakamatay na operations na ikinabilis ng pagbagsak nang lakas ng aking katawan. Aaminin ko na minsan iniisip ko ng sumuko pero kapag naiisip ko sila Tatay Polly, Mama Katty, si Marlon at Kishawn. Idagdag ko na ang tropa sina Ate Leby, Kuya Ace, Jack, Scott, Alek, Pia at Casey pati na rin si bestfriend, Julius. Lalo na si SD, ang nagdugtong ng buhay ko nang ilang buwan pa.

"Hoy Otep! Bilisan mo ang paggaling aba, ikaw ang hinahanap hanap sa coffee shop natin!" biglang singit ni Scott, nabalitaan ko din ang malawakang inspeksiyon sa buong bayan lalo na sa mga negosyong may kinalaman sa kape.

"Pasalamat ka at inaalagaan ka ni Dyan dito panigurado magseselos iyon!" dinugtungan pa ni Alek ang paratang ng bestfriend niya.

"Wala na talaga kayong magawang dalawa! Tignan na lang natin kung di kayo marinig ni Dyan!" mas lalong dinagdagan ni Jacqueline ang ingay.

"Bunch of headaches" komento ni Ate Leby habang minamasahe ang noo nito.

"Sweet kaya si Ate SD! Di siya mananakit!" napalingon kami kay Kishawn, siya talaga ang botong boto kay Shyra simula pa lang.

"There she goes again with her Ate SD" medyo may luha ng namumuo sa mata ni Kish ng kantyawan siya ni Marlon. Nandito din ang pamilya ko, masasabi kong nagkasya kami sa kwarto. Sa totoo lang ang laki nito parang isang condominium. Si SD ang nag-suggest ng kwarto na ito para daw makabisita ang lahat.

"Having fun?" napalingon kaming lahat sa pumasok, siya ang doktor din na in-assign niya sa akin.

"How's the patient?" Si Doc Arquez kasama si Doc Cruz at ang ama ni Casey na si Doc Salcedo.

"Dad!" sigaw ni Casey ng makita ang kanyang ama. Hindi na siya nakaupo sa wheel chair, fully recovered na din ito sa operasyon nito mag-iisang taon na din ang nakalipas bago ilipat sa akin ang operasyon.

"Check lang namin si Joseph, guys and girls doon muna kayo sa living room" utos ni Doc Cruz na ginawa naman nila. Hindi lingid sa kaalaman ko na sagot ng buong ospital ang pagpapagamot sakin lalo na dahil ako ang kanilang test subject. Dahil iyon sa kagustuhan ko na mabuhay, tinupad lang ni Shyra.

Nang matapos ay sinabi nila kina Tatay Polly at Mama Katty ang findings, hindi naman nila nakakalimutan i-update kami. Pero katulad ng dati ay no sign of progress pa rin daw ang kalagayan ko. Di naman sila sumusuko sa kalagayan ko, sino ba naman ako para din gawin iyon? Hindi ko din alam kung mabuti o masama ba iyon. Kung nandito lang sana siya.

"Doc Cruz, nandito na po ba si Shyra?" malungkot akong tinignan nito saka umiling, nauunawaan ko naman iyon. Mukhang narinig ng lahat ang tanong ko dahil nakatingin silang lahat sa akin. Lumabas na silang tatlo at nagpaalam samin, kasabay niyon ay pagpasok ni Ma'am Lorraine.

"Ang bigat ng atmosphere!" masigla nitong bati.

"Di po ba dadalaw si Ate SD dito, Kuya?" tanong ni Kishawn, ginulo ko ang buhok nito. Simula ng magising ako ay di ko nakita ni anino nito. Nabanggit nila sakin na siya nag-aalaga sakin habang ako'y tulog, si Casey nagsabi sakin na umalis ito pagkagising ko.

A Love behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon