A Love Behind the Mask 16

5 3 0
                                    

-joseph victor-

   Ngayon ko na balak gawin ang pinaplano ko. Dalawang buwan na ang nakalipas at madaming nangyari. Dalawang buwan ko na rin nililigiwan si SD at dalawang buwan na din wala si Casey. Tinanong namin siya kung nasaan si Casey dahil ilang araw na rin namin hindi nakikita. Sabi nila ay umuwi ito sa kanila, hindi nila alam kung kailan babalik. Nagtataka din kami sa closeness nina SD at Alek. Lagi silang magkasama minsan sabay silang pumupunta sa ospital. Dahil ako ang nanliligaw, ako ang naghahatid kay SD dapat lang.

    Kasama ko ang tropa at hinihintay siya dito sa parking lot. Maaga pa naman kaya ayos lang. Ang mga kasama ko inip na inip na, mga hindi marunong maghintay. Nakausap na namin lahat ng makakasama at mga kadamay namin. Planado na lahat, kailangan na lang gawin. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko naman iyon, tumatawag si Pia. Siya kasi ang nakabantay sa labas ng school. Sinagot ko naman iyon.

"Hey, nandito sina Alek nakasakay sila sa kotse ni Scott" nagtaka naman ako, nandito na si Jacquelyn at mamaya pa ang klase nila. Anong ginagawa nila dito?

"Sige, sige sasabihan ko na sila" binaba ko na ang tawag, napalingon ako sa magkapatid na nag-aabang pala ng sagot sa akin.

"Ano sabi?" tanong nilang pareho.

"Nandiyan na sila, act natural" tumango naman sila, bumalik kami sa pwesto at hinihintay na dumaan ang kotse.

   Nagulat silang pareho, tama nga si Pia. Nakita namin ang pag-park ng kotse ni Scott.

"Anong ginagawa nila dito?" nakangangang sabi ni Jacquelyn.

"Malay mo gustong tumulong" sabi ni Julius pero nagtataka pa rin.

"Nandiyan na ba sila?" hindi namin napansin na nandito pala si Pia, halata na tumakbo dahil hingal na hingal. Nilapitan siya ni Julius at siya na nagbitbit ng gamit nito. Sus palusot.

"Oo ayon ang kotse" sabay kaming lumingon tatlo, sakto naman na padabog na lumabas sa kotse niya si Scott. Kasabay niyon ang paglabas ni Alek, umikot muna ito at may pinagbuksan ng pinto sa likod. Lumabas naman doon si SD, teka tama ba itong nakikita ko?

"What the heck?" singhal ni Jacquelyn, pare-parehas kaming di makapaniwala. Sabay pa silang naglakad at nagkangiti pa sa isa't-isa. Anong mayroon?

"Guys, papalapit na sila stick to the plan sayang effort" pare-parehas kaming nanumbalik sa dati pero di pa rin maalis ang pagtataka. May hindi ba sila sinasabi?

  Una, lagi silang magkasama. Pangalawa tuwing nasa canteen kami o sa shop laging mag-kausap. Para bang nakalimutan ni Alek si Casey, wala na rin siyang nai-kwento samin kung naging sila ba o may contact pa ba sila sa isa't-isa. Pangatlo, sabay na pumupunta sa ospital. Wala naman naka-confine sa pamilya ni Alek pero bakit sila may dinadalaw? Minsan may dala pa itong bulaklak. Hindi naman inaagaw ni Alek ang paghatid at pagsundo ko kay SD pero minsan hinahayaan ko siya kapag sa ospital. Nakakapagtaka na ang pagiging close nila, simula ng nawala si Casey magkasama na yang dalawa at hindi na mapag-hiwalay.

  Hindi ko na pinansin ang pagtataka ko, agad kong sinalubong si Shyra. Kinuha ko na ang gamit niya at ako na ang nagbitbit. Sabay-sabay naman kaming pumasok, hinatid muna ni Scott si Jacquelyn kaya may panahon si Alek na makipagdaldalan kay Shyra. Nagkakatinginan kami nina Julius at Pia, anong mayroon sa kanila? Minsan na namin natanong yun kaso umiling silang pareho. Kaibigan lang daw. Magkaibigan ba sila sa lagay na yan? Ayoko naman maging makasarili, hindi pa nga kami ni SD babakuran ko agad? At saka kaibigan ko naman si Alek kaya walang problema. Nakakapagtaka lang talaga ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.

    Napabuntong-hininga naman ako, wala pa ang prof namin. Hinatid ko sa upuan ang gamit ni SD at pinaghila ng upuan. Ngumiti naman ito ng tipid at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Alek. Magkatabi naman sina Jacquelyn at Scott na naka-akbay pa dito. Tumingin naman ako sa likod at nakita ko ang mga kaklase ko, nag-thumbs up naman sila at mukhang ready na. Sina Julius at Pia naman ay kausap ang prof namin. Halos lahat ayos na, huwag lang magiging epic yun lang. Ilang buntong-hininga ang nailabas ko sa sobrang kaba.

"Don't worry, I'll stick with the plan" nagulat ako at sabay tap sa akin, hindi ko man lang napansin na nasa likuran ko si Alek. Kasabay niyon ang paglabas nila ng room at pagpasok ng prof namin kasama sina Julius. Nakangiti sila sa akin at napatango naman ang prof namin. Ito na, inhale exhale.

"Good morning to everyone, be ready for the quiz tomorrow okay. So let's proceed to our lesson for today- ah, wait a minute uhm Ms. Nuevo?" tumingin naman ang prof sa kanya, napalingon ito at nakataas ang kilay.

"Can you get my book on my table? I forgot to bring it, its color is yellow don't worry makikita mo naman iyon agad and make it fast okay?" utos nito. Tumango naman ito at tumayo saka lumabas papalabas ng room. Sana gumana please sana.

"Okay class, be ready" and that's the cue, all of us stand and do whatever we need to do.

-shyra dyan-

"Good morning to everyone, be ready for the quiz tomorrow okay. So let's proceed to our lesson for today- ah, wait a minute uhm Ms. Nuevo?" napaangat ako ng tingin, bahagyang tumaas ang kilay ko. Bakit ako tinawag?

"Can you get my book on my table? I forgot to bring it, its color is yellow don't worry makikita mo naman iyon agad and make it fast okay?" tumango naman ako at agad na lumabas sa room. Make it fast? Are you kidding me? Sa kabilang building pa ang faculty room at sasabihin niya pang make it fast? Tsk.

    Pagkalabas ko sa mismong building namin ay agad akong pumasok sa faculty room. Alam ko naman kung saan ang table at room ng prof namin dahil ka-room niya si Ma'am Lorraine. Pagkapasok ko ay wala akong nakitang kahit sinong tao, malamang dahil paniguradong may klase na ang mga iyon. Ayon na din sa kanya, madali ko nga nakita ang libro. Litaw kasi ang kulay nung dilaw. Lumabas naman ako sa kwarto. Bago maisara ay tumingin ako sa paligid, parang kasing may nagmamasid. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy.

   Sa dulo ang room na iyon at nasa second floor. Ang room naman namin ay third floor pa at nasa kabilang building. Ayos! Mapapadali ako nito, ang galing! Napairap na lang ako sa mga pinag-sasabi ko, kung anu-ano naman ang naiisip ko. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod. Wala naman tao pero ano iyon, nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Ano kaya nahithit ng prof namin at ako ang nautusan? Palibhasa ba madalas lang ako pumunta doon ay may karapatan na siyang utus-utusan ako? Hindi makatarungan tsk.

    Dahil ang utos ay 'make it fast' balak ko sanang gamitin ang elevator kaso ayaw bumukas. Kanina lang nagamit ko pa ito pababa tapos ayaw na? Pinagloloko ba ako ng elevator na ito? Napailing na lang ako, kailangan ko umakyat ng hagdan. Pumunta naman ako sa kabilang dulo dahil nandoon ang hagdanan. Naglakad lang ako ng lakad halos lakad-takbo na nga ang ginagawa ko. Tinignan ko naman ang aking relos na suot, higit sampung minuto na pala akong nasa labas. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Nang maka-akyat, nagpalinga-linga naman ako. Bakit ganoon parang ang tahimik? Wala rin masyadong tao? Kung sabagay nagsisimula na ang bawat klase. Nagsimula na ulit akong maglakad, medyo pangalawa sa dulo ang room dahil hagdan ang ginamit ko. Kung ayos lang sana yung elevator, napadali at naihatid na itong hawak ko. Napatunghay ako at tumingin sa likod, wala naman akong nakita kaya naglakad ulit ako. Pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang paglakad, naririnig ko ang mga hakbang nila dahil hindi sila sumasabay sa hakbang ko. Bigla akong tumigil at lumingon sa likod pero bigo pa rin. Wala akong nakita, baka imahinasyon ko lang. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang may tumakip sa mata ko, nawala rin ang pagkakahawak ko ang libro, tinali parehas ang kamay at paa ko at binusalan ang bibig. Teka anong nangyayari? Naramdaman ko na lang na binuhat ako na pasako, peste! Hindi ako makapalag! Ano bang mayroon? Teka nakidnap ba ako?

+++++++++++++++++++++++++++++

a/n: pampabawi :D

A Love behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon