A Love Behind the Mask 12

7 3 0
                                    

-shyra dyan-

"As I said so" kumento ni Ate Leby.

"Kahit hindi ka na siguro magpakilala, ayos na" ngumiti pa si Julius.

"Ok guys, back to work" si Kuya Ace at pumunta ng counter dahil may customer.

"Welcome ka dito don't worry" lapit sa akin ni Pia saka umalis din.

"Sabi ko naman sa iyo tatanggapin ka" napa-irap ako sa sinabi ni Alek.

"Yow! Mas masaya ito!" sabay akbay ni Jacquelyn a.k.a. Jack.

"Yes! Hindi na kami mahihirapan!" sumuntok pa sa hangin si Scott, anong pinagsasabi nito.

Napatingin naman ako sa harap ko na napapahimas pa sa batok. Halos lahat sila nakapagsalita na, ito wala pa rin kibo. Problema nito.

"Guys! Back to job!" pumalakpak pa.

"Hoy Otep! Aba, kilos kilos ikaw muna ang bahala kay Dyan" nagulat pa siya ng sinabi yun.

"Teka bakit ako?" tss.

"Ayaw mo ba?" tumingin naman ako sa kanya.

"Hindi naman pero" napakamot ulit siya sa batok niya.

"Iyon naman pala! Goodluck! Welcome to the club Dyan!" saka pumasok ulit silang dalawa sa kitchen.

"Welcome sa shop" sabay lapit sa akin, nakatingin ako sa kanya kaya mas lalo pa siyang yumuko. Ayaw niya siguro akong kasama, sabihin ko na lang mamaya.

"Tara, turuan muna kita. Ano ba ang alam mong gawin?" nakataas lahat ng mask nila, bukod sa aming dalawa.

"Natanong na rin sa akin yan" napakamot na naman siya sa ulo. Yung totoo nangangati ba siya?

"Mas gusto ko sa paggawa ng tsaa at pastry" tumingin pa siya sa akin.

"Ayaw mo ng coffee at baking?" sasabihin ko ba kung gusto ko, nakakapeste ang tanong.

"Sabi sa akin panlalaki iyon" kaysa gawin ko ang panlalaki, kaya nga panlalaki para sa lalaki lang.

"Ah oo nga, iyon kasi ang ginagawa ko mas gusto ko ang paggawa ng kape" paliwanag niya.

"Ah tara turuan muna kita kung paano itimpla lahat ng tsaa dito" tumango naman ako at sinundan siya.

Pumasok kami sa loob ng kitchen. Pa-letter U ang disenyo, halos gawa sa steel o kulay lang ito? Makinis na tiles na itim ang kulay, may mesa din sa gitna. Nakita namin doon si Kuya Ace, Julius, Pia at Jack. Si Kuya Ace nandoon sa mesa at ginagawa yung kape, si Julius ay may hawak na blender gagawa nang frappe, si Pia nagdedesign nang tinapay at si Jack inaalog-alog yung hawak niyang milktea na naka-sealed.

Pumunta si JV sa pinakadulo, kumuha siya ng kailangan sa paggawa ng tsaa. Marunong naman ako yung basic lang, tinuro na kasi sa akin yun dati. Siya din ang dahilan kung bakit mas mainam ang tsaa sa kape.

Isa-isa niyang itinuro sa akin, dapat dahan dahan lang daw. Huwag sa isang posisyon dapat lahat, dapat paikot. Bakit kasi mano-mano pinagawa nito. May parte na dapat tama ang halo, hindi kutsara gagamitin kung hindi yung chasen. Dapat pa-M o W ang paghalo at hindi pa-ikot para foamy, sa normal na tsaa lang ginagawa iyon. Madami pa siyang naituro, nang pinatikim ko sa kanya yung ginawa ko una matapang. Kinulang sa tubig kaya dinamihan ko, pangalawa ang tabang halos wala na daw malasahan. Bakit pa kasi mano-mano pinagawa nito nakakainis.

"Shyra, ayusin mo naman baka hindi na inumin yan sa tapang kailangan relax ka lang" iniinom niya pa rin yung ginawa ko kanina, akala ko ba pangit ang lasa? Pero inuubos na niya, nakalima na siyang inom ng baso.

A Love behind the MaskWhere stories live. Discover now