A Love Behind the Mask 14

13 3 0
                                    

-shyra dyan-

Kanina pa ako kinukulit ni Casey, kesyo tulungan ko daw siya. Paano ba niya daw sasabihin? Maiintindihan daw niya ba? Baka daw magalit o kaya naman daw magtampo. Kanina pa ako naiirita simula nang magising siya at sumakay kami sa kotse. Pero nang pagbaba at nakapasok sa school. Naabutan namin sila sa tapat ng facade, bigla siyang tumigil. Hindi ko alam kung pasasalamat ba ako o ano?

Hinatid naman siya ni Zandrei- Zandrei tawag ko, ayaw kong maging feeling close-at ayon tahimik. Napasapo na lang ako sa noo, buti pinagkakaabalahan ka nung tao kahit hindi pa kayo. Paano na kapag kayo na? Edi mas nahirapan ka? Ayos!

Mamaya hindi na siya papasok, mas napaaga daw ang schedule kaya inurong. Mas lalo tuloy siyang natakot hindi dahil sa volunteer kung hindi paano niya ipapaliwanag ang lahat. Kung sasabihin niya ba daw bawat detalye, pero hindi pwede. Labag sa kasunduan iyon, mawawalan ka ng communication sa pamilya mo na wala dito. Ayaw niya naman kasi gusto pa niyang makausap ang Mommy at bunso niyang kapatid na lalaki. Siya lang kasi ang may lakas ng loob sumama papunta dito.

Kanina pa rin ako sa wisyo, pati ang kasama ko kanina. Nagulat kasi ako nang hablutin niya ang bag ko at nag-presintang siya na ang magbibitbit. Labag man sa kalooban ko, hindi na ako nakipagtalo. Tinaasan ko siya ng kilay pero walang epekto. Ayaw na ayaw ko sa lahat hinahawakan ang gamit ko lalo na galing sa kanya. Masyadong mahalaga at importante sakin. Panigurado kapag nalaman ito ni Casey, magtatalon iyon sa tuwa at kukuyugin ako. Pero wala siya, may problema siyang iba. Iyon ang unahin niya.

Isa pang weird na ginawa niya ay nung pumasok kami sa room. Akala ko pagkatapos niyang ilagay ang bag ko sa kinauupan ko na mas malayo sa kinauupuan niya. Pinaghila niya pa ako ng upuan bago ako maupo. Tumingin ako sa mga kaklase ko, buti na lang kakaunti ang nakapansin. Sigurado naman akong hindi nakalagpas sa mata iyon ng tropa ni JV. Iyon pa matatalas ang mata at pandinig.

Nang matapos ang klase, katulad nang dati ay naghintayan. Kaso may iiabot pa ako kay Ma'am Lorraine, about siya sa ospital na ipinabibigay sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang nag-abot, makakasapak na ako. Inayos ko na ang gamit ko saka kinuha ang folder, sinabit ko sa balikat ang bag. Lalabas na ako ng classroom at nagulat ako, may tao pala. Nang makabawi, nakilala ko kung sino.

"Samahan na kita" nakababa ang mask niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay, siya naman ngumiti. Napailing na lang ako, mas nauna akong naglakad sa kanya at sumunod naman siya. Nang lingunin ko, inaayos niya ang mask niya. Kanina pa siyang umaga ganyan. Ano kaya nahithit nito.

Hindi siya pumasok sa loob at maghihintay na lang daw siya sa labas. Nagpresinta siya muna ang hahawak sa bag ko. Kaysa makipag-away pa, binigay ko na lang. Kanina ko pa napapansin, gusto niya ba ang bag ko?

"Oh Dyan nandiyan ka pala, anong kailangan mo?" nang makita ako ni Ma'am ay binaba niya ang mask. Binaba ko rin ang akin sabay abot nung folder.

"Ipinabibigay po" kinuha niya naman iyon at binuksan.

"Ano ito? Ikaw pala ang nag-abot, well salamat" tumango ako at tinignan naman niya isa isa.

"Sige okay na, salamat ulit ha" tumango ulit ako, naglakad na ako papunta sa pintuan. Hindi ko pa nahahawakan ang seradora nang bigla siyang nagtanong.

"Mamaya na iyon di ba?" tanong niya.

"Opo, nasabi nga po sa akin" magalang kong sabi.

"Si Casey ay napili din di ba?" tumango naman ako.

"Haay, ano kaya reaksyon ng ama niyon. Anyway, magkita na lang tayo doon" tumango naman ako at itinaas ang mask.

Pagkasara ng pinto agad ko siyang hinanap. Naabutan ko siya na nakasandal sa pader at hawak hawak ang bag ko. Nakababa din ang mask. Kung bitbitin ang bag ko akala niya sako lang. Hinablot ko bigla ang bag ko, buti hindi nasira. Napatayo siya ng ayos dahil sa bigla.

A Love behind the MaskWhere stories live. Discover now