A Love Behind the Mask 10

14 4 0
                                    

-joseph victor-

Magkasabay kaming pumasok ngayon ni Shyra, hindi kasi siya maiihatid ng mommy niya which is si Tita Mich. Hindi ko lang sure kung mommy, mama, nanay o kung ano ba tawag niya kay Tita Mich. Hindi ko pa kasi naririnig na tinatawag niya na ganoon.

Pagkapasok ang daming nagkukumpulan na estudyante sa tapat ng building namin. Napatingin ako kay Shyra at tinignan niya rin ako pero nagkibit-balikat lang siya. Kahit hindi na pala ako magsalita alam na niya, astig. Lumapit pa kami sa kaguluhan ng mga estudyante, bakas sa mukha ng ilang babae ang pagkakilig. Ano ba kasi nangyayari?

"Guys dito!" napalingon kami sa sumigaw, nagtanguan kaming pareho at pumunta sa kanila.

"Anong meron?" agad kong tanong, nakatingin sila doon sa kumpulan.

"Watch and you'll see" pumwesto naman si Shyra sa tabi nila at nakinood.

"Binata na ang apog ko!" binatukan naman siya ni Jacquelyn.

"Here it is" nakinood na ako sa kanila.

Mula dito kitang kita kung sino yung nasa gitna, may lalaki at isang babae. Ang galing naman ng tropa ko pumwesto, wala naman masyadong tao sa kinatatayuan namin. Yung lalaki may hawak na gitara sa kaliwa at sa kanang likod naman may hawak na bulaklak.

"Ayan na" tinanaw ko kung sino yung babae medyo nakatalikod yung lalaki.

"Tuli na siya!" nakita kong si Casey yung babae, aba may manliligaw na pala yun.

Nang inabot na sa kanya yung bulaklak at mukhang may sinabi pa siya kasi mas lalong lumakas yung tilian ng babae pati hiyawan ng lalaki. Patango-tango lang si Casey saka niyakap siya, ang bilis. Boyfriend ata ang inalok nung lalaki. Agad naman siyang kumalas at parang nahihiya. Aba congrats sa kanila.

Nagtatalon pa yung lalaki saka umakbay kay Casey na kinikilig pa, halata sa mask niya ang pag-ngiti. Tinignan ko ng maiigi kung sino yung lalaki, ng mamukhaan ko. Aba't! Bilis talaga nitong manyak na ito, akalain mo yun graduate na ang loko! Nag-bell na agad kaya nagpasukan na rin ang mga estudyante. Mabilis na nawala ang kumpulan. Ngayon ko lang napansin na may dala pala silang isang gitara at speaker. Ano kaya ang ginawa nila doon?

"Tara na" nagyayaan na kami at pinuntahan sila.

Inapir-an namin mga lalaki si Alek, syempre kasama si Jacquelyn. Yung mga babae naman kay Casey at niyugyog pa siya. Pasalamat na lang pala lalaki ako, baka mahilo ako sa pinaggagawa nila. Natapos lang ng magyaya na silang pumasok.

"Kitakits na lang mamaya!" tumango naman sila.

Pumasok na kaming anim sa loob, yung dalawa kasi walang pasok tuwing umaga. Pang-hapon lang ang klase nila kaya sila ang bahala sa shop tuwing umaga. Nang bumalik rin sila Ate Leby at Kuya Ace ay bumalik din kami sa dating gawi. Silang apat sa umaga, tatlo sila sa tanghali at lahat kami mula hapon hanggang gabi.

Pero ngayon buong araw wala silang pasok, na-announce kahapon na half day lang. Maaga ang uwian namin. Imbis na sa canteen magkita-kita ay sa parking na agad.

"Guys, una na ako sa shop may sasabihin daw sa akin si Kuya" sabi sakin ni Julius.

"Sama ako" sabi naman ng dalawang babae sa buhay niya. Nagkatinginan naman silang parehi.

"Ay ganoon? Sayang hindi ako makakasama" sabi naman ni Casey.

"Oh bakit? Wag mong sabihin na date agad kayo ng kumag na yun?"

"At sinong kumag?" napatingin kami sa dumating, sina Alek at Scott. Aba poporma pa ang mga loko, nasa baba rin ang mask nila.

"Wala! Si Scott yun!" sabay turo sa boyfriend niya, naglungkut-lungkutan naman ang loko.

A Love behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon