A Love behind the Mask

66 6 4
                                    

-joseph victor-

Dumalaw ulit ako kay Kishawn, kakaalis lang ni Tatay para magpalit.

"Kuya!" agad akong yumakap sa kanya.

"Balita ko Kuya may bago tayong kapitbahay" inayos ko yung mga prutas na dala ko.

"Ikaw talaga ang bilis mo maka-sagap ng balita tsk tsk" piningot ko ang ilong niya.

"Tse! Gusto ko silang makita! Nakaka-inip kasi dito sa ospital" reklamo niya.

"Ganito kapag magaling ka na ipapakilala kita" binaba ko ang nakatakip na face mask sa aking mukha.

"Eh! Kuya naman! Matagal pa kaya iyon" batid kong mahaba na naman ang nguso niya.

"Oh kaaga-aga nagrereklamo na ang ating prinsesa" napatingin kami ni Kishawn sa nagsalita.

Akala ko isa lang siya pero ng buksan nila nang malaki ang pinto ay mas madami pa ang pumasok. Dumating pala ang mga loko.

"Inaaway ka na naman ba nang Kuya mo?" gumuhit ang ngiti sa labi ni Kishawn nang marinig ang boses niya.

"Ate Pia!" sigaw niya ng makita si Pia.

Dahil hindi naman makakalapit si Kishawn ay ini-stretch na lang niya ang kanyang mga braso. Lumapit naman si Pia at saka niyakap naman ito.

"So, si Ate Pia lang ang may yakap?" sabat naman nung isa, lumapit siya sa nagyayakapan na si Pia at Kishawn. Napalingon rin sa kanya ang kapatid ko.

"Ate Jacquelyn!" huminto si Jacquelyn sa paglapit kay Kishawn at nangunot ang noo. Nagsisimula na naman siya napailing na kang kami.

"Sinong Ate? Mukhang ito Ate?" nagpapogi pa si Jacquelyn pagkatapos ituro ang sarili, sinuklay niya pa ang buhok niya pataas tapos biglang nagpapogi points.

"Hihi sorry na po Ate Jacq- este Kuya Jack" niyakap naman siya ni Jacquelyn.

"Pare, musta" bati sa akin ni Julius, nag-apir naman kami. Nakita kong nasa likod niya sina Alek at Scott.

"Ate este Kuya Jack, nasaan po si Rose?" tanong ni Kishawn pagkatapos nilang magyakapan.

"Ha? Ay wala na, naiwan sa barko lumubog ayon hindi na nakaligtas" biro ni Jacquelyn sa kanya.

"Hahahahaha" ang kulit talaga ng kapatid ko. Nakisabay na kami sa tawanan nila.

Bumisita ang mga kaibigan ko na sina Pia, Jacquelyn, Scott, Julius at Alekzandrei. Sila ang mga kaibigan ko noon pa man at hanggang ngayon. Lagi nilang kalaro sina Marlon at Kishawn. At siyempre hindi mawawala na may face mask sila sa mukha, binaba muna nila iyon para makipag-kulitan kay Kishawn.

"Oh mukhang nagkakatuwaan ata kayo" napalingon kami sa gawing pinto.

"Oh Tito Polly" bati nila, binaba ni Tatay ang mask at inayos ang dalang pagkain. Nilapitan nila isa-isa si Tatay.

"Hi Tito Polly" nagmano si Pia.

"Long time no seeing Tito" pabirong sabi ni Jacquelyn.

"Good to see you po Tito" nagmano naman si Julius.

"Hello Tito Polly" sabay naman na sabi ni Scott at Alek.

"Buti napadalaw kayo?" tinulungan ko si Tatay sa kanyang bitbitin. Tinulungan naman ako ni Julius sa mga dala ng tropa kanina.

"Ngayon lang po kasi nagkaroon ng time para bumisita" sagot ni Jacquelyn na hanggang ngayon ay kakulitan si Kishawn.

"Naku nag-abala pa kayo" nagbalat naman si Tatay ng mga prutas.

"Nung nabalitaan po kasi namin na na-ospital si Kishawn gusto po talaga namin pong pumunta" paliwanag naman ni Pia.

"Ano ba naman kayo Tito Polly, ayos lang po sa amin iyon" sabi ni Scott habang sinasalansan ang kanilang mga gamit.

"Mga bata nga naman oh, sana nagsabi kayo para damihan ng Tita Katty niyo ang luto" binigyan ni tatay ng tig-iisang piraso ng hiniwang mansanas ang lahat.

"Tay! Ayaw niyo nun talagang dinadalaw po nila ako" kahit may takip ang mukha ni Kishawn ay alam namin na nakangiti siya. Halata din kasi ang naningkit niyang mga mata.

Nakipagdaldalan at nakipagkulitan pa si Kishawn sa kanila. Habang yung iba naman kausap si tatay.

"Alam niyo ba Ate at mga Kuya na may bago daw kaming kapitbahay?" mahaba niyang litanya.

"Eh? Saan mo naman iyan nalaman?" tanong ni Scott sa kanya.

"Ikaw talaga kahit nandito ka na nakakasagap ka pa rin ng tsismis" biro sa kanya ni Jacquelyn.

"Hindi naman kaya chismis iyon e, totoo kaya iyon!" panigurado naka-nguso na naman siya.

"Ow, I didn't expect you have visitors" bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang doctor kasama ang kanyang nurse.

"Doc Nuevo, ay oras na po pala" tumayo naman lahat ng naka-upo sa higaan ni Kishawn. Gumilid at inayos namin ang ilang kalat sa kwarto. Oras na pala para sa check-up at examine kay Kishawn. Binaba na ni Kish ang face mask sa mukha.

"Okay Kishawn, inhale, exhale" nasa likod ang dalawang daliri ni Doc Nuevo. Nilagay na niya ang eartip nung stetoscope sa tenga at inilagay naman yung diaphragm sa likod ni Kish saka niya sinuri ulit.

"Okay, say ah" ngumanga naman si Kish at sinuri ni Doc ang bibig. Pagkatapos may kinuha siyang maliit na flashlight at tinapat sa mata niya, yun naman ang sinuri at tinignan.

Inayos na ni Doc. Nuevo ang mga gamit niya. Itinaas ulit ni Kish ang face mask at inayos. May tinurok ang nurse sa kanyang braso. Si Doc Nuevo din kasi ang dating humawak sa kapamilya namin na ngayon wala na.

"Oh inumin ang gamot, huwag maging pasaway" sabi ni Doc, tumango naman si Kish sa kanya. May inabot kay Tatay na papel si Doc, siguro reseta at mga gamot para kay Kishawn.

"Well, see you around" pagpa-paalam ni Doc. Nuevo.

"Salamat po Doc" pahabol ni tatay, tumango muna ito bago umalis. Sanay na kami, yung gamot na iyon ay hindi ka kumpletong gagaling pero pwedeng ikababa ng lagnat at sipon o ubo.

"Ang gwapo naman ng doktor mo Kish" sabi ni Pia, pagkalabas na pagkalabas ni Doc. Nuevo. Nagpogi-sign pa ang kapatid ko.

"Anong gwapo ka diyan! Ayan ang boyfriend" saway ni Jacquelyn at tinuro pa si Julius. Napangiti na lang si Julius.

"Sus, parang siya wala" turo naman niya kay Scott. Napailing na lang sila at napalitan ng tawa.

+++++++++++++++++++++++++++++

a/n: Ang ilan sa po inyo ay lumabas na ang pangalan :).. So guys keep supporting ;)

piabalisoro

A Love behind the MaskWhere stories live. Discover now