A Love behind the Mask 3

37 6 1
                                    

-joseph victor-

"Bye Ma!" pagpa-paalam namin pareho ni Marlon.

"Oh face mask niyo" inabot sa amin ni Mama Katty ang aming mga face mask. Kinuha ko naman iyon akin.

Sumakay na kaming dalawa sa kotse. Ako ang nag-drive siyempre, ako kasi ang mas matanda. Sa tabing seat ko naman sumakay at umupo si Marlon. Binigay ko sa kanya yung inabot na face mask sa akin kanina. Sinuot naman niya iyon, binuksan ko na ang makina at nagsimula na akong magmaneho.

Pasukan na kasi at Monday ngayon. Parehas kami ng pinapasukan ni Marlon na paaralan. Kaso magka-iba kami ng taon, ako kasi ay graduating na, siya naman ay third year. Nag-park na ako sa loob ng school. Lumabas na kaming pareho sa kotse. Sabay kaming naglakad papasok hanggang sa naghiwalay kami dahil hindi naman kami parehas ng department.

"Bye Kuya!" ginulo ko naman ang buhok niya.

"Argh! Kuya naman, tagal ko itong inayos e" reklamo niya, inayos niya ulit ang buhok niya. Sus, siguro may pinopormahan na ito.

"Pasok na" tumakbo na siya bago ko ulit hawakan ang buhok niya, napatawa na lang ako.

"Bye Kuya!" nag-paalam ulit saka siya nag-wave papatakbo. Hindi man lang tumitingin sa tinatakbuhan niya kaya ayon pag-lingon tumama siya sa basurahan. Hindi naman ganoon kalakas ang pagtama niya.

Loko yun, napa-iling na lang ako. Kay aga-aga eewan-ewan sa pagpasok. Dumiretso na ako sa room, naabutan ko doon sina Jacquelyn at Julius pati iba ko pang mga kaklase.

Sumaludo ako sa kanila ng makita nila ako. Dumiretso ako sa aking upuan at nilagay ang bag ko. Nilabas ko din ang notebook at ballpen, kita sa peripheral view ko ang pag-lapit ni Jacquelyn sa akin. Hinanda ko na ang sarili. Pinatong niya ang paa niya sa upuan ko, umupo naman si Pia sa upuang nasa aking harapan at nakatayo lang si Julius malapit sa amin. Nandito na rin pala si Pia, hindi ko pala napansin kanina.

"Ikaw ha naglilihim ka na" panimula ni Jacquelyn na ipinagtaka ko. Ano na naman trip ng babaeng ito? Teka babae nga ba? Biro lang.

"Kaibigan pala ha, sino yung chics mo?" pagpapatuloy niya sa usapan. Nakahithit na naman siguro ito ng katol kung anu-ano ang sinasabi. Chics? Si Kishawn muna bago ang iba.

"Anong pinagsasabi nito? Naka-drugs na naman" lingon ko kay Pia, inaasahan kong siya ang sasagot ng maayos.

"Hmm, nakita ka kasi namin na may kasama kang babae" sagot niya at nag-flip ng buhok. Maayos na sagot na niya iyon para sa kanya. Napa-isip ako, sinong babae ang kasama ko mula kanina? Si Marlon lang naman pati si Mama Katty.

"Pagkahatid na pagkahatid namin nakipag-date agad" trip lang ako siguro nitong si Jacquelyn ngayon. Maiisipan ko pa bang makipag-date ng umaga?

"Let say hindi muna kami umuwi pagkahatid sayo kasi imbis na sa bahay niyo ikaw umuwi, lumagpas ka at naligaw ka sa kapitbahay niyo" pagpa-paliwanag ni Pia kaya ayun ngingisi-ngisi pa sa akin si Jacquelyn. Alam na rin nila yung tungkol sa bagong kapitbahay namin.

Mukhang wala akong maiintindihan sa dalawang ito kaya tumingin ako kay Julius. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita. Una babae, si Mama Katty lang naman ang unang babaeng nakasama ko kanina. Tapos date daw, ka-uma-umaga makikipag-date ako? Aral muna bago chics. At saka yung chics pa, wala naman akong girlfriend kahit nililigawan ngayon. Naguguluhan tuloy ako sa kanila. Hinihintay kong sumagot si Julius.

"They saw you with a woman" mahaba niyang litanya. Sa dami nang sinabi ng dalawang ito iyon lang ang masasabi niya? Akala ko mas may matino siyang sasabihin. Woman baka si Mama Katty?

"Anong woman? Girl lang girl" reklamo ni Jacquelyn sa kanyang kapatid. Kanina woman ngayon naman ay girl? Ano ba talaga?

"Edi girl, oh sino siya?" sabi ni Pia. Grabe akala mo nasa isang pag-iimbestiga ka.

"Sinong babae?" Woman? Girl?

"Nung hinatid ka namin" pamimilit ni Pia.

"Oh tapos" hindi ko kasi talaga sila maintindihan. Ang gulo talaga ng mga babae.

"Di ba hindi ka dumiretso ng uwi?" tanong niya sakin. Inalala ko naman, oo kasi pinauna ko si Marlon kagabi.

"Oo bakit?" bakit si Pia lang ang kausap ko? Mas ayos na ito baka pagdumagdag si Jacquelyn ay hindi ko na maintindihan.

"Di ba may pinuntahan ka muna" pagpapatuloy niya, tumango naman ako.

"Pagkatapos" ano ba ito interrogation?

"Sino yung girl na kasama mo?" tanong niya ulit. Walang sense naman itong pinag-uusapan namin.

"Ha?" may kasama ba ako kagabi?

"ISA! SINO YUNG LINTIK NA KASAMA MONG BABAE PAGKATAPOS KA NAMIN IHATID MULA SA OSPITAL! SINO YUNG KAPITBAHAY NIYO?!" sigaw ni Jacquelyn napatingin silang lahat sa kanya. Nakuha niya ngayon ang atensyon ng klase.

Napailing lang si Julius dahil sa inasal ng kapatid. Napahawak naman sa noo si Pia. Alam ko na kung sino tinutukoy nila.

"Si-" hindi natapos ang sasabihin ko kasi dumating na agad ang prof.

"Oh class? Kaaga-aga nagsisigawan anyway. May bago nga pala kayong classmate, balik muna kayo sa inyong mga upuan" sabi ni Prof kahit naka-face mask.

In-eye to eye ako ni Jacquelyn habang pabalik siya sa upuan niya, bumalik ng tahimik sina Pia at Julius.

"Okay class, please welcome her" her? May pumasok na babae siyempre naka-face mask pero kahit mata lang ang kita parang. Ewan! Parang nakita ko na siya dati.

"Ok you may take off your , binaba naman niya iyon. Shit! Kaya naman pala.

"I'm Shyra Dyan Nuevo" oo si Shyra, si Dyan, si SD, si...Nuevo?

"She's Dyan please class take care of her" pinaupo na siya ni Prof. Tinaas na niya ang face mask niya, ng makita niya ako nang-irap na naman.

"Class let's start"

+++++++++++++++++++++++++++++

a/n: HELL DAYS IS OVER!!!! Tapos na kasi kami sa exams namin... Science die!

Anyway free to ask.. Kapag napansin niyo, i-comment niyo! Kapag may nakapansin dun lang ako mag-uupdate.. :)

Thanks for supporting :D

JG_Nuevo

A Love behind the MaskWhere stories live. Discover now