A Love Behind the Mask 21

4 3 0
                                    

-shyra dyan-

   Kumalas ako sa pagkakayakap kay Zandrei. Agad ko siyang tinulak at hinabol siya. Diretso lang akong nakatingin kung saan ko siya nakita. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang nakita ko.

"Dyan! Dyan! Saan ka pupunta?!" hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad hanggang sa hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako.

   Nakalabas na ako ng ospital, napahawak pa ako sa may pader nito. Hinanap agad siya ng mata ko. Bakit iyon pa ang nakita niya? Nakakainis! Dire-diretso akong bumaba ng hagdan saka lumingon-lingon sa kanan at kaliwa. Nasaan ka na ba? Napaupo ako at mas lalong napaiyak, napatakip na lang ako sa mukha at hindi pinapansin ang paligid. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya.

"Ano ka ba naman Dyan! Kung nandito lang si Casey panigurado masasapak ako niyon, bakit ka ba biglang tumakbo?" mas lalo lang akong napaiyak.

"Tara nga sa loob at baka magkasakit ka pa" itinayo niya ako pero patuloy pa din ako sa pag-iyak.

    Dumiretso pala kami sa kwarto ni Dr. Salcedo, Daddy ni Casey. Pero wala siya doon, nandoon ang mag-asawa na sina Ma'am Lorraine at Dr. Cruz. Hindi na naman ako umiiyak, pero halata dahil sa pagmumugto ng mata ko.

"Anong nangyari diyan?" tanong ni Ma'am Lorraine kay Zandrei.

"Ah umiyak lang po" napatango na lang siya at mukhang naintindihan naman niya.

   Biglang bumukas ang pinto at saka sila pumasok. Dalawa silang pumasok sa loob at inalis ko ang tingin ng malaman ko kung sino sila. Mas gusto ko pang problemahin ang nangyari kanina kaysa sa kanila.

"Doc Nuevo, Ms. Mich" banggit ni Zandrei.

"Nandito kayo, nasaan na si Salcedo?" tanong ni Ma'am Lorraine sa kanila.

"Labas lang ako Hon" saka humalik Si Doc Cruz sa asawa at lumabas. Nagbatian lang sila ng makadaan ito at tuluyan ng isara ang pinto ng kwarto.

"Nagpaiwan doon sa kwarto ng anak niya" sagot naman niya.

"Pwede na po ba namin siya mabisita?" tanong ni Zandrei.

"Oo naman, ang asawa mo naman Lorraine ang doctor ni Casey" sagot niya.

"Salamat po, doc" nagngitian lang sila kahit nakatakip ang kalahati ng mukha nila. Naningkit kasi ang mata nila kaya mapapansin mo na nakangiti ang mga yan, tss.

"Tara na hijo, ikaw ba Dyan hindi ka ba sasama?" baling sa akin ni Ma'am Lorraine.

"Oo nga naman Dyan, panigurado gusto ka na rin makita ng kaibigan mo" napaikot ng kusa ang mga mata ko sa narinig ko. Talagang sa kanya pa nanggaling iyon huh?

   Patuloy lang siya sa pagsasalita hanggang sa hindi na kinaya ng tainga ko na marinig siya. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka walang habas na lumabas sa kwartong iyon. Ano feeling niya alam na niya lahat? Mapagpanggap lang naman siya! Narinig ko pa ang boses niya kahit nakalabas na ako.

"Huwag kang maging bastos Dyan!" rinig na rinig ang boses niya, pasalamat na lang na kaunti ang tao sa palapag na ito at wala siyang magagambalang pasyente.

   Hindi ko na sila pinansin at ramdam kong hindi naman nila ako hinabol. Dumiretso ako sa baba at saka pumunta sa information desk. Doon ko tinanong kung saan kwarto na ka-charge si Casey. Nang masabi sa akin ay agad din akong pumunta. Nasa fourth floor pala siya, ginamit ko ang elevator. Naglakad lang ako papunta sa sinabing numero. Malayo pa lang, naaaninag ko na sila. Nandoon si Doc Cruz na asawa ni Ma'am Lorraine. Sa pagkakaalam ko siya ang tumitingin na doktor ngayon kay Casey. Lumapit pa ako sa kanila, sakto naman na nasa labas sila.

A Love behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon