Epilogue

115K 2.2K 267
                                    

Dear Diary,
Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine.

"Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito.

Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"

Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito.

Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-isa.

"What can I do? Masyado akong hot para hindian mo."

Napaismid nalang si Ellaine at hinatak nalang ang batok ni Mico at mariing hinalikan ito.

Diary, alam mo bang monthsary namin ni Mico ngayon? Dapat magdedate kami ng kami lang, but we went to Ellaine's school. May play kasi siya kaya sabi ni Mico na panuorin namin at gusto daw niyang makita si Ellaine. Pumayag nalang ako since gusto ko rin naman pero hindi ko maiwasang magselos. Tama ba ito?

"Mico, saan mo ba ako dadalin?" Tanong ni Ellaine habang may nakapiring sa kanyang mga mata, hawak-hawak siya ni Mico sa bewang at ang isa ay sa kanang kamay niya at inaalalayan papunta sa kung saan mang lugar.

Habang papalapit ay may naririnig siyang lagaslas ng tubig, parang nahuhulaan niya na kung saan siya nito dadalin.

"Ready?" Bulong ni Mico sa tenga niya na nagpanginig sakanya.

Hindi nalang siya sumagot at tumango nalang. Excited na siyang makita kung ano ba ang pakulo nitong si Mico. Dalawang araw na sila rito sa rancho ni Mico at masaya siya dahil nakabalik siya ulit rito.

Dahang-dahang tinanggal ni Mico ang nakapiring sa kanyang mata at unti-unting nag-adjust ang paningin niya.

Napasinghap si Ellaine nang makita ang ganda ng paligid. Tama siya ng hula, sa falls siya nito dinala. Pero hindi niya ineexpect na pagagandahin nito ang paligid.

Sa may tila batis ay may mga nakalutang na mga kandila. May mga nakasabit na mga iba't-ibang kulay ng ilaw sa mga sanga ng puno. It was like a magical garden. And Mico made it himself.

Nakangiting binalingan niya si Mico. "Ano ito?" Tanong niya.

Napasinghap siya nang bigla itong lumuhod ulit sa harap niya. "Mico?"

Kinuha ni Mico ang kaliwang kamay niya at hinubad ang suot na singsing at inilipat sa kanang palasingsingan niya. Sunod na ginawa nito ay ang pagdukot ng panibagong singsing sa bulsa nito.

"Sweetie, alam ko corny na itong ginagawa ko pero gusto ko ulit itong gawin. Medyo palpak at kinakabahan kasi ako noong nasa exhibit tayo." Wika nito at hinawakan muli ang kaliwang kamay niya. "Ellaine Manansala, mahal na mahal kita. Siguro tama ang ate mo na matagal na akong may pagtingin sa'yo, iyon nga lang masyado ka pang bata noon. The first time I saw you again with your expensive dirty clothes, sabi ko sa sarili ko na eto na, eto na ang magbibigay sa'kin ng gulo. Totoo naman, dahil ginulo mo ang utak at puso ko. Kaya Ellaine Manansala, panagutan mo ang gulong hatid ko sa'kin at pakasalan mo ako." Wika ni Mico tapos ay sinuot na sa palasingsingan niya ang bagong singsing.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon