Seven

68.1K 1.3K 109
                                    

Nanatiling nakatayo lang si Ellaine at nakatulala lang sa pintuang nilabasan ni Mico. Nanlalagkit siya, her leg is hurt, and she's goddamn tired pero tila hindi niya iyon maramdaman. Hindi naman niya inakalang magbe-break down siya sa harapan ni Mico. Pero kasi, tila umaapaw na ang mga dinadala niya sa kanyang dibdib at saktong sa harapan pa ni Mico siya sumabog.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pumunta nalang sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sinuot niya ang roba at tinignan ang maleta niya. Habang naghahanap ng maisusuot, napansin niyang may nakalagay sa pinakailalim ng isa niyang maleta.

Nagbadya nanaman ang mga luha niya sa nakita niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang picture frame na matagal na niyang iniingatan. Isang tao lang ang may alam sa picture frame na ito - si Manang Mildred. Ang kanyang yaya simula pagkabata.

Hinaplos niya ang mukha ni Mico na nakaakbay sakanya. The picture was taken when she was twelve years old at seventeen naman ito. Graduation niya iyon. Nagulat siya nang pumunta ito at binigyan siya ng regalo.


Ibinaba niya ang picture frame at kinuha ang isa pang picture frame. Napangiti siya ng mapait. Hinaplos niya ang mukha ng ate niya - Elisha Manansala.

If she could just turn back time, she will correct all the mistakes she've made.

-----

****

Eight years ago..

Nasa balkonahe ng kanyang kwarto si Ellaine at nakatingin lang sa mga bituin. Nakarinig siya ng katok pero hindi niya iyon pinansin. Baka si Manang Mildred lang ito at iche-check kung tulog na ba siya.


"Bakit gising ka pa?"

Napalingon siya sa likod niya at nginitian ang ate niya. Umupo naman ito sa tabi niya at inabot sakanya ang isang baso ng gatas.

"Hindi lang ako makatulog ate." Sagot niya at tsaka ininom ang gatas.

Inubos niya ito ng isang inuman. Ang sarap talaga ng timpla ng ate niya. Ito lagi ang nagtitimpla ng gatas niya tuwing gabi at minsan ito ang nagdadala sakanya nito o kaya ipapaabot kay Manang Mildred.


"Excited ka lang siguro sa birthday mo." Nakangiting sabi sakanya ng kanyang Ate Elisha.

Ngumiti siya ng tipid. "Kailan ba ko naging excited sa birthday ko?"

Nag-iba naman ang ekspresyon ng ate niya tapos ay inakbayan siya nito. "Alam mo naman si Mom and Dad, workaholic lang talaga ang mga iyon."

Ngumiti lang siya sa ate niya bilang sagot. Hindi siya nagtatago sa ate niya ng nararamdaman niya. Alam nito na nagtatampo siya sa Mommy and Daddy nila dahil lagi nalang busy ang mga ito. Last birthday niya nasa Davao ang mga ito dahil nagkaproblema ang isa sa mga barko nila kaya naman tumawag lang ang mga ito para batiin siya. Mabuti nalang laging naroon ang ate niya. At ngayon nga, pakiramdam niya trabaho nanaman ang uunahin ng mga magulang nila.


"Ganito nalang.." Pagbasag ng ate niya sa katahimikan. "..Alis nalang tayo sa birthday mo." Suhestiyon nito.


"Hindi pwede ate, magagalit sila Mommy."

"Edi huwag nalang natin sabihin.. Tatawagan ko si Mico sabihin ko samahan niya tayo."


Natahimik siya nang banggitin nito si Mico - ang boyfriend ng ate niya.

Hindi pala lahat ng nararamdaman niya ay alam ng ate niya, dahil may isang bagay na hindi nito alam at wala siyang balak ipaalam ito, her sister is precious to her, mahal na mahal niya ito kaya ayaw niya itong saktan. Kapag nalaman nito na mahal niya si Mico, baka magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon